Two years and counting

It is two years.

What has begun as for my own musing and amusement, has turned into 280 posts and obtained about 23,000 visits so far. I am both inspired and humbled that people like you (yes, you who is reading this right now) would stop and read my rambling discourses. For this, I sincerely thank you.

If I have caused even one person to smile, or laugh, or cry, or be inspired, or learn something, or see something from a different perspective, or just pause and reflect, then I believe that the existence of this blog has been worthwhile, and not just cluttering the shrinking cyberspace.

But wait. I have done all of that. In me.

Mission accomplished.

Of Flowers and Photographs

These lovely flowers will wither in a few days. The beautiful sunny day will soon turn into night. Even the hanging evergreen wreaths in our windows will not last forever, even if they are called “evergreen,” but will one day lose all its needles. And this picture-perfect photograph, will fade into memory.

Someday, just like the flowers, our strength will also wane. Our eyesight, like a sunny day, will grow dim. Our hair will turn gray, that is if we don’t lose it all first, like the needles of the wreath. And just like a faded photograph, our memory will one day, lose its sharpness.

But unlike flowers, our love will last. And like what old photographs do, we will leave an enduring legacy.

Here’s to us – happy 17th anniversary my love.

One Year: by the number

Today marks my 1 year of blogging. Here’s the year by the number:

167 – total posts

7563 — total visits

203 — total comments (thanks to my regular ‘comment’ors/suki)

451 – total pictures uploaded

4 — active subscribers (no, they are not my relatives, nor did I pay them)

$0 — money earned in blogging (any tips on how to change this?)

priceless — having all of you visit my site (what really matters)

1 — very thankful blogger

Maraming salamat po!

Magandang Panaginip

Ibinukas ko ang aking mga mata. Pamilyar ang lugar na aking kinalalagyan. Sa paglipas ng panahon ay nakabisado ko na ang bawat sulok ng silid na ito. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag  sa aking kapaligiran. Panibagong umaga na naman. Ngunit sa likod ng aking isipan, ay may nagsasabing ang araw na ito ay natatangi at hindi pangkarinawan lamang.

Aking binalingan ang aking katabi sa higaan. Mahimbing pa ang kanyang pagtulog. Nababanaag ang kapayapaan sa kanyang mukha – isang kagandahan na aking masayang kinamumulatan sa bawat umagang dumarating. Siya ang pag-ibig ng aking buhay, kabiyak ng aking puso, at ina ng aking mga anak.

Mahirap paniwalaan na labing anim na taon na pala ang nakalilipas mula sa takdang araw na ito, nang kami ay pinag-isang dibdib. Marami na ring mga karanasan ang aming pinagsamahan. Mga masasayang yugto, at may ilang malulungkot. Mga kaginhawaan, at mayroon ding mga paghihirap. Mga matatamis, at may mga mapapait na yugto. Ang lahat ng ito ay lalo lang nagpalakas ng aming pagkabuklod.

Magkatabi kami sa pagtulog kahit sobrang maalinsangan ang gabi (sa Maynila at Florida) o maging saksakan man ng ginaw (gaya ngayon). Mula sa pagtulog sa matigas na lapag  (ng kami ay unang manirahan sa New Jersey ), hanggang sa malambot naming queen bed ngayon. Mula sa maliit na studio-type na apartment, kasama na ang panandaliang panahon na kami ay naging “homeless” (sa New York) at nakitira lamang sa mga kaibigan, hanggang sa aming matahimik na sariling tahanan (dito sa Iowa) ngayon.

mapayapang tahanan

Naranasan din naming matulog ng hindi magkasama, nang kami ay sandaling nagkahiwalay. Namagitan sa amin ang malawak na dagat ng Pacifico. Mga ilang buwan din akong naunang tumulak dito sa Amerika, bago nakasunod sa akin ang aking asawa. Malamig at malungkot ang mga gabi, at napakahaba at nakaiinip ang mga araw noong mga panahong kami ay magkalayo.

May mga ilang yugto rin na ako’y na-‘outside ng kulambo’ at natulog sa sofa dahil sa mga tampuhan. Mga tampuhang pururot na madali naman naming nasasaayos. At kahit hindi ako inubos ng lamok, at kahit pa malaki at komportable ang aming sofa, ay hindi ko nais matulog pa uli doon.

Bahagi rin ng aming karanasan ang matulog na napapagitnaan ng isang sanggol, o kaya ay may katabing bata sa aming kama. Mga ilang taon din kaming natutulog na magkakasama sa isang kuwarto, kasama ang aming dalawang anak. Hanggang nasanay nang matulog ang aming mga supling sa kani-kanilang sariling silid ay doon lamang uli kami napag-isa at natulog na walang mga katabing alipores.

Kahit pa ako’y parang karburador sa paghihilik, o parang dalag na pumalag at sumisipa, o parang asong ulol na tulo laway kapag natutulog, ay mahal pa rin ako ng aking asawa at nais pa rin niya akong katabi sa gabi. Dahil mabait naman ako, kapag tulog. O marahil ay dahil mainit naman akong yumakap. Tunay naman talagang matatamis ang mga gabi, at kaayaaya ang mga umaga ng aming pagsasama.

bagong umagang tanaw mula sa aming bintana

Ako ay namalik-mata at naaalimpungatan lang yata. Kinurot-kurot ko ang aking sarili. Kung ang lahat ng mga karanasang ito ay panaginip lamang, sana ay huwag na akong magising.

Ako’y napabalikwas sa aking katabi. Mataimtim ko itong pinagmasdan at marahang yinakap. Buhay at tunay nga. Hindi ito panaginip lamang.

Labing anim na taon. At bumibilang………..

Hanggang sa ako’y mahimlay na sa aking huling hantungan, ay doon lamang ako mahihimbing na hindi sa iyong piling.