Usapang Lasing

Hindi siguro kaila sa karamihan na tayong mga Pilipino ay may romantikong relasyon sa ating inuming alak. Kayang-kaya nating makipagsabayan sa inuman kahit kaninumang mamamayan ng ibang bansa. Sangayon sa isang report mula sa Euromonitor*, ang Pilipinas raw ay isa sa mga bansang malakas komunsumo ng alak.

Hindi naman ibig sabihin nito, na tayo’y bansa ng mga lasenggero. Sabihin na lang nating dahil marami tayong okasyon para uminom. Umiinom tayo kapag may birthday. O fiesta. Kapag pista opisyal at walang pasok. Tuwing kinsenas at katapusan (katapusan na rin ng suweldo!). Kapag may nagbalikbayan, gaya ng aming kapitbahay na seaman, na  alam na alam ko kapag-nagbalikbayan na siya, dahil may maiingay na namang nag-iinuman sa kalye, sa tapat ng bahay nila. At iba-iba pang okasyon.

Ngunit kadalasan walang espesyal na dahilan ang kailangan para tayo’y mag-umpukan at mag-tagayan. Dahil lubog na ang araw, ay sapat ng okasyon para tayo’y mag-inuman.

tagay-in-the-flood

Drinking. More fun in the Philippines.

Iba’t iba rin ang ating gustong inumin. Beer, gin, brandy, vodka, at rum. Nandiyan din ang mga katutubo nating inumin, gaya ng lambanog, basi, tapuy, at tuba. Sang-ayon sa mga pagsisiyasat, beer o cerveza, ang paboritong inumin nating Pilipino. At ang pangunahing beer sa Pilipinas ay walang iba kundi San Miguel beer na naging bahagi na ng ating kultura. (Wala po akong komisyon sa San Miguel Corporation, pero baka mabasa nila ito at bigyan ako ng balato.)

Iba’t iba rin ang tawag natin sa ating inumin. Tulad ng lapad, bilog, quatro-kantos, at long neck, sang-ayon sa hugis ng bote nila. Iba’t ibang taglines rin ang nakaukit na sa ating ulirat. “Iba ang may pinagsamahan.” “Inumin ng tunay na lalaki.” “Ganado sa buhay.” At “hindi lang pampamilya, pang sports pa.” Ah…eh….. rubbing alkohol pala iyung huli, ipinapahid lang at hindi dapat iniinom.

marca demonyoNakakaaliw rin ang iba’t ibang logo ng mga alak. Isa sa nakakaagaw pansin ay ang logo ng Ginebra San Miguel, na kilala rin na marca demonio. Ito ay yung arkanghel na si San Miguel na may nakahugot na espada, habang inaapakan niya ang demonio. Ngunit kapag itiniwarik at tinungga mo na yung bote, at iyong titigan si San Miguel – nakapaibabaw na yung demonio!

May mga taong mahilig uminom sa bar. May madalas sa beer garden o mas kilala na “patay sindi.” Ngunit ang karamihan ng mga Pilipino ay sa harap lang ng  tindahan sa may kanto, o kaya’y sa isang sulok ng kalye sa ilalim ng poste ng Meralco, at doon kasama ang tropa ay solb na solb na sa tagay at pulutan.

Tungkol naman sa ating pulutan, paborito natin ang sisig, krispy pata, at tokwa’t baboy. Kung tipid naman ay adobong mani, o kornik, o chicaron ay talo-talo na. Kung walang-wala naman, ay “usa” na lang ang pulutan – “usapan.” At malungkot mang tanggapin, ay kilala rin tayong mga Pinoy sa pulutang “asusena.”

Ikuwento ko lang po noong bata pa ako, ay may aso kaming ang pangalan ay Brownie. Isang hapon ay nakawala ito dahil naiwanan naming bukas ang gate. Dali-dali naming ginalugad ang paligid-ligid at mga kapit-kalye doon sa amin sa Sampaloc, Manila. Patuloy kami sa pag-hahanap hanggang sa kumagat na ang dilim. Hindi namin mahanap ang aming aso, pero may nakita kaming isang grupo sa isang kalye na masasayang nag-iinuman at nagkakantahan. Hindi ko sila pinaparatangan. Ang alam ko lang, hindi na namin nakitang muli si Brownie.

Isang tradisyon ng inuman na aking personal na nasaksihan ay doon sa lugar na pinaglakihan ng aking tatay, sa Norzagaray, Bulacan. Parang Oktoberfest sa Germany ang tradisyon na palasak ang laklakan. Tawag nila rito ay “Lansakan.” Ito ay ginaganap tuwing Mahal na Araw. Sangayon sa tradisyon ang mga tao’y nagpapakalasing gaya ng mga sundalong Roman noong naghihirap si Kristo.

Kaya kapag Semana Santa doon sa Norzagaray, habang maraming mga tao ang nagpapakabanal, habang dumadagundong sa loudspeaker ang pabasa ng pasyon, habang ang mga Santo at Santa ay ipinuprusisyon, sa iba’t ibang sulok naman ng bayan ay ang mga taong nag-iinuman at nagpapakalasing. Tuloy-tuloy ang daloy ng beer, gin, rum, vodka, tuba at lambanog. Sa katagalan ay naiihi na ang mga manginginom sa kanilang salawal dahil sa kanilang kalasingan.

Sabi ng marami, dapat daw kapag umiinom, ay papuntahin lang ang alak sa bituka at tiyan at hindi sa utak, upang hindi malasing. Ngunit sasabihin ko sa inyo, bilang isang medical expert, na ang alkohol na ating iniinom ay pupunta at pupunta sa dugong nananalatay sa ating katawan, at hindi kalauna’y maapektohan nito ang ating pag-iisip.

Hindi naman siguro ninyo itatanggi na maraming mga tao ang kung ano-ano ang kanilang nasasabi, nagagawa, at inaasal kapag sila ay lasing na. Kadalasan, kanilang pinagsisihan ang mga nangyari kapag humupa na ang epekto ng alkohol at sila ay nahimasmasan na.

Hindi ko sinasabing bawal tayong mag-inuman, o sa ako’y nagmamalinis. Ngunit naging saksi ako sa maraming buhay na nawasak at maraming magagandang kinabukasan ang nalusaw sa walang pakundangang inuman. Maraming magkakaibigan ang nag-aaway kapag sila ay “lasheng” na. Ang malulutok na halakhak ay nauuwi sa malulutok na “put*ng ina mo!” At kung minsan hindi lang saksakan ng init ang kanilang pagtatalo, kundi nauuwi pa sa tunay na saksakan.

Marami ring mga pamilya ang nawatak sanhi ng alkohol. Nagiging mas mahalaga ang ating relasyon sa alak at ka-tropa kaysa sa relasyon sa tahanan. Nagiging sanhi rin ng away at paghihirap kapag ang mga pinagpawisang sweldo ay nauuwi lang kay Chivas Regal at Johnny Walker. Nalulugmok tayo sa putik ng walang pag-asenso.

alcohol-brain

kinilaw na utak

Ngayon, bilang isang duktor, marami na rin akong nakitang mga taong naging bilanggo ng alak. Kahit anong pilit nilang humilagpos sa mga kuko nito ay hindi sila makaalpas, dahil sa haling na haling na ang kanilang katawan dito. Kahit luto na ang kanilang atay, baldado na ang puso, at tustado na ang utak, tuloy pa rin sila sa pag-inom. Napakarami na akong nakita na nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa alkohol.

Alam kong bahagi na ng hibla ng ating pagka-Pilipino ang magtagay-tagay sa anumang pagdiriwang. Ngunit sana naman ay ating  pag-isipan ang mga ito, at hinay-hinay lang po tayo sa ating pag-inom.

Pare, isang tagay pa?

*******

(*report of Euromonitor was published in Philstar and can be read here)

(**photos taken from the internet)

 

 

Bahay sa Norzagaray

Norzagaray, Bulacan. Ito ang tahanan at pinagmulan ng aking lahi. Bagama’t ako’y lumaki sa masalimuot na siyudad ng Maynila, ay marami akong alaala sa probinsiya na tinubuan ng aking ama.

Dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang tatay, ang aking ama ay kinupkop at pinalaki ng kanyang tiyahin doon sa Norzagaray. Isa sa mga kinilala naming lola ay ang tiyahin na ito ng aking tatay.

Noong ako’y bata pa, kahit kami ay naninirahan na sa Maynila, ay halos linggo-linggo ang pagdalaw namin sa aking lola. Mahigit isang oras na biyahe lang naman ang Norzagaray mula sa Maynila. Mula sa Balintawak ay tatahak kami ng North Luzon Expressway. Lalabas sa Bocaue, at dadaan ng Sta. Maria. Mula sa Sta. Maria hanggang Norzagaray ay mga bukid at parang na ang tanawin. (Tulad ng tanawin ko ngayon dito sa Iowa.)

Ang bahay ng aking lola sa Norzagaray ay tunay na katutubong bahay probinsiya. Pahaba ang pagkakayari nito at maaaring hatiin sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang nakabungad sa kalsada. Ang bubong nito ay nipa, ang sahig ay tabla, at ang dingding sa loob ay lawanit. Laman dito ang malaking aparador na ang pinto ay mahabang salamin, at mga upuan na gawa sa narra at solea na yari sa rattan. May dalawang malalaking tumba-tumba sa tabi ng malapad na bintana na nakadungaw sa lansangan.

Ang gitnang bahagi, ay paloob mula sa bukana. Ang bubong ay yero, ang kisame ay pira-pirasong karton, at ang sahig ay mga hibla ng tinapyas na kawayan, na malalaki ang pagitan (kasyang mahulog ang jolen), kung saan maaring silipin sa mga siwang ang nasa silong ng bahay. Dito nakaimbak ang mga sako-sako ng palay, na siya na rin nagsisilbing upuan.

Ang pangatlong bahagi ay ang looban at ito ay nakaharap sa malawak na palayan na nasa likuran ng bahay. Narito ang hapag-kainan, ang batalan, ang kasilyas, at ang batong kalan na gamit ay panggatong. Dahil walang refrigerator, ang mga pagkain ay nasa loob ng mga buslo na nakabitin upang hindi langgamin. Narito rin ang malaking tapayan na sisidlan ng tubig mula sa balon na sinala lang sa tela. (Kahit kulang sa sanitasyon ay hindi uso ang Amebiasis o cholera.)

Naalala ko na may alagang pagong ang aking lola, na nakatira at pagala-gala sa loob ng banyo. Akala ko noong una ay bato na panghilod, ngunit nagulat ako ng ito ay maglakad! May mga alagang ring manok, na nakatira sa silong ng bahay, ngunit sila ay malayang lumalaboy-laboy sa tabing bukid. Kapag pakakainin na sila, ay kakalampagin lang ang tabla sa bintana, at sila ay magtatakbuhan at mag-iipon ipon sa baba ng bintana. Mula sa bintana ay isasaboy namin ang palay, o mais, o kanin, at ang mga manok ay mag-aagawan na sa pagtuka ng kanilang pagkain.

May mga umagang ang pagkain namin ay itlog na mainit-init pa mula sa pugad ng manok sa silong ng bahay. Madalas din kaming may sariwang gatas ng kalabaw mula sa talipapa. Masarap kumain ng pagkaing luto sa apoy, habang nakadungaw sa bukid, at habang umiihip ang sariwang hanging amihan.

Maraming panahon din kaming naglalaro sa bukid sa likod ng bahay. Doon kami tumutulay sa pilapil at naghahabulan sa parang. Dito rin kami nanghuhuli ng mga palakang bukid. Sa dulo ng palayan ay mga burol, at sa kabila nito ay ang malawak na tumana, kung saan naman may taniman ng gulay ang aking lola.

Sa paglipas ng panahon, ay napag-iwanan na ng pag-unlad ang bahay na ito. Naging sementado na ang kalsada sa harap ng bahay. May mga bagong bahay na yari sa bato ang itinirik sa tabi nito. May mga apartment na pinagawa sa tapat nito. Ang palayan sa likod ng bahay nang malaon na, ay naging subdivision na. Nawala na ang mga parang sa paligid na takbuhan ng mga manok at mga batang paslit na tulad ko. At kahit pa alukin ng aking tatay na ipaayos ang bahay ng kanyang tiyahin, ay hindi niya mapapayag ang matanda. Hindi nito nais na gastusan pa ang bahay, dahil sabi niya ang lahat ng bagay ay hindi rin magtatagal. Masasabing nilamon ng progreso ang bahay ng aking lola.

Sa bahay na ito lumaki ang aking ama. Sa bahay rin na ito, naburol siya. (Nauna pang pumanaw ang aking tatay kaysa sa aking lola.) Bagama’t panandaliang ibinurol ang aking tatay sa isang funeraria sa Maynila, ay inuwi ang kanyang mga labi sa Norzagaray upang doon siya ilibing, at mabalik sa lugar na kanyang pinagmulan.

Naging madalang na matapos noon, ang aming pagluwas sa Bulacan. Lumipas pa ang ilang mga taon ay pumanaw na rin ang aking lola. Sa kanyang pagyaon, ay pinagiba na rin ang munting bahay na iyon — upang magbigay daan sa pag-unlad………..at ang naiwan na lamang, ay anino ng alaala.

(*photo from internet)

Lessons from Plaridel

The world of medicine where I work now, is so sophisticated and “high-tech” compared to where I started many years ago. CT-angiogram, Positron Emission Tomography (PET) scan, High Frequency Oscillatory Ventilators (HFOV), thoracoscopy, bronchoscopy, hyperbaric oxygen therapy, and electronic medical records. These are just some of the technologies that are part of our everyday practice in a tertiary, referral, and academic center here in Des Moines.

downtown Des Moines

If I will be stripped with all these technologies, will I still be able to practice medicine? I believe so, for even though technology and scientific advancement are changing the field of medicine, there are basic tenets that do not change. Let me take you back 17 years ago……..

I was a fresh graduate of University of Sto. Tomas in Manila, and just have finished a year of internship at St. Luke’s Medical Center in Quezon City. Since I still don’t know what direction to take with my career, I did not start right away on a specialty or residency training. Instead, I stalled. I decided to prepare and review for the United States Medical Licensure Exam, and hope that I pass it and then try to apply for training in the US.

I needed money for the US exam, as well as to support myself while I’m reviewing, so I looked for a part time medical work. They call it “moonlighting”. I found work in a small clinic/hospital in Plaridel, Bulacan. It was located in a dirt road, off a main street. It has 5 in-patient bed capacity (it is bigger now when I googled it), an office clinic, a small emergency room with 2 beds, a simple laboratory, small drug dispensary/pharmacy, and an x-ray machine. I spent almost a year working there.

street scene in Plaridel (photo by diamonds_in_the_soles_of_her_shoes)

The clinic/hospital was owned by a couple, both of them physicians: the husband was a pulmonologist and the wife was a pediatrician. I worked on weekends, and certain nights on weekdays; basically as a coverage for the owners. In between work, I study. The income was modest, but enough to support myself, and definitely more than the stipend a residency program offers, which was at that time 6,000 pesos/month ($130/month).

Long before I learned to insert and float a pulmonary artery catheter in my Critical Care Training in New York, I learned first how to insert an intravenous needle (called butterfly) in the scalp of babies in Plaridel. Before I learned to do bronchoscopies in my Pulmonary Fellowship, I learned first how to draw blood from squirming little kids, while their tense (making me tense too) parents watched. Perhaps it was due to my stint in Plaridel that I realized that I don’t really care much about Pediatrics, but find Pulmonary interesting.

butterfly IV cannula

Because of the limited ancillary tests available in Plaridel, and due to the fact that most patients can barely afford to pay the doctor, much more any additional lab tests, I learned to come up with a diagnosis with the least tests possible. I believe this is where I honed my skills in critical thinking. Armed with just a stethoscope, pen, script pad and an analytical mind (mind? I still use it sometimes) – that’s all I need to treat patients. Of course the pharmacist has to decipher first what I wrote.

There were also a few instances that patients will tell me out right, that they don’t have enough money to pay the doctor’s fee plus the medicines. So what can I do but to waive the professional fee (of course with the consent from my employers, who themselves practice the same compassionate spirit), and have them buy the medicines they need. If they offered chicken eggs as payment, I probably would have accepted them.

I have learned from my experiences from Plaridel, to treat each patient with compassion, and give them equal respect whether they have the ability to pay me or not. So today, whether I am caring for a millionaire who’s organ systems are failing, or attending to a drug addict who overdose on illicit drugs, I am always reminded to give them the same compassion, the same care, and the same and equal respect for life.

Plaridel, town proper (photo by barrera_marquez2003)

Once, a man was brought in by his family, early in the morning, to the clinic in Plaridel. He was coughing up blood. Lots and lots of it. Minutes later, he flopped in the examining table, lost consciousness and shortly after, lost his pulse. I was not ready for this kind of situations nor were we equipped for this kind of emergencies, but there was no time to transfer him to another hospital. I had the owner of the clinic, who lives a stone-throw away, come emergently to help me, even though it was his day off. The two of us tried our best to save the man.

After many minutes of vigorous resuscitative efforts, and after lots of  blood spewed out of his mouth with each cardiac compression, the man died. Could he have made it if I am more trained, or we have more life-saving equipments, or if we were able to transfer him to another hospital with a higher level of care? Or is he beyond saving? God only knows.

Feeling exhausted and dejected, I learned that day to give all my best, even though my best may not be good enough. I know there will be times that I will fall short no matter what I do, just like an unfinished bridge. Even now, with many years of training and experience, did not change that.  I still (and always will) have limitations. We all do. I learned to accept mine.

unfinished bridge (photo by Cretense)

Plaridel. Simple and yet complete. It is amazing how some of the most profound things in my career and in my life, I learned not in higher academic centers, but in the most plain and humble places.

Thank you Plaridel.

Mula Palayan Hanggang Maisan (From Ricefields to Cornfields)

Nagsimula sa isang malawak na palayan sa probinsiya ng Norzagaray, Bulacan. Ay  may isang batang nangarap. Habang ang kanyang pastol na kalabaw ay nagpapahinga sa ilalim ng puno ng kawayan at ang mga magsasaka nama’y abalang nagtatanim ng palay. Duon siya nangarap, na makapag-aral, makapagtapos ng kolehiyo, at tapos ay makipagsapalaran sa Maynila. Maraming taon ang lumipas….. at ang pangarap niya ay natupad. Ang batang ito, ay ang aking tatay.

Sa isang masikip na kalye ng Sampaloc, Manila. Ay may isang batang nangarap. Habang mga traysikel ay umamarangkada at ang mga tambay ay nag-iinuman duon sa harap ng maliit na tindahan . Dito siya’y nangarap, na makatapos ng pag-aaral, magpakadalubhasa, at pagkatapos  ay marahil makarating sa ibang bansa. Maraming taon ang lumipas……..ang pangarap niya’y natupad din. Ang batang ito’y walang iba, kundi ako.

Nakarating sa Amerika.  Tumira sa isang magulo at maingay na kalsada ng New York City. Dumudungaw sa bintana, habang umaalingawngaw ang serena ng pulis at ambulansiya, at dumadagundong naman ang nagdaraang subway train (Subway line 7, sa Queens). Sa magulong mundong ito ako’y muling nangarap, na mamuhay at magpalaki ng aking pamilya sa tahimik at mas mapayapang mundo. Ilang taon ang lumipas…..ang pangarap ko’y muling natupad.

Sa isang matahimik na lugar ng Iowa. Ay may mga batang  nangangarap. Sila’y nakatanaw sa malawak na bukid ng mga mais. Habang ang mga ibong ligaw ay naghaharana, at ang mga tanaw na magsasaka, sakay ng kanilang traktora, ay nag-aani ng mais. Ang mga batang ito, ay ang aking mga anak. Ano naman kaya ang kanilang mga pangarap? Saan naman kaya sila dadalhin ng kanilang mga pangarap? Alam kong sa paglipas ng maraming taon…….ito ay matutupad rin.

(*all photos from internet)