Duyan ng Aking Kabataan

Ako ay muling nagbalikbayan. Mga paa ko’y muling tumapak sa lupang hinirang. Tahanan ng mga mauusok na bus at jeepney. Muli akong nakipagsiksikan sa mga humahangos na pasahero ng Maynila.

IMG_4401

Muling tumahak sa masalimuot at magulong lugar ng Metro Manila at muli akong sumuot sa masisikip na kalye at mga eskinita.

IMG_4394

Muli akong natulog sa maalinsangang sinapupunan ng siyudad ng Maynila. Muling naranasang dumungaw sa bintana na may mga palamuting pinatutuyong sinampay, at tumanaw sa ibabaw ng mga yerong dikit-dikit.

IMG_4399

Ngunit sa kabila ng maikling panahon ng aking pagbisita, ay nagkaroon din naman ng pagkakataong makapagpalamig sa marangya’t mamahaling lugar ng Maynila. Hindi sa ospital ang tinutukoy ko, kahit apat na araw din ang ginugol ko so loob nito.

IMG_4429

Sa maikling pagkakataon, ay akin muling natuklasan ang alindog ng siyudad na aking kinagisnan. Siyudad na sa akin ay umaruga mula ng ako’y musmos na bata.

IMG_4407

Nagkaroon din ako ng pagkakataong masilayan muli ang naglalarong alon ng Manila Bay habang nananaog ang araw sa kanyang kinaluluklukan.

Tunay na ang lugar na ito ay duyan ng aking kabataan.

IMG_4412

(*all photos taken with an iPhone)

Kapitbahay

Noong isang umaga, habang ako’y tumatakbo sa aming lugar, ay napadpad ang aking isipan sa lugar na aking kinalakihan. Ang aming kalye ay masikip at ang mga bahay ay dikit-dikit.

Ito ang kalye kung saan ako nanggaling, at ito ang dati naming mga kapitbahay sa Sampaloc, Manila. IMG_1598_3 Hindi lang mga batang paslit ang laman ng kalye kundi may mga lalaboy-laboy na hayop din sa dating naming lugar.

Ito ay mga askal (asong kalye). Kapag sinamang-palad, nagiging pulutan sila ng mga nag-iinuman doon sa kanto. IMG_1595_2 Ngunit iba na ang mundong ginagalawan ko ngayon. Layu-layo ang mga bahay at malalawak ang mga bakuran at bakanteng lupa.

Ito ang isa sa aming kapit-bahay, isang barnhouse, na nasa gawing likod ng aming tahanan dito sa Iowa. IMG_3606 Ito naman ngayon ang mga lalaboy-laboy na usa (deer) sa aming lugar ngayon. Maaring sabihin na mas masarap na pulutan ito kaysa “asosena.” IMG_3642 Kahit paano ay nami-miss ko pa rin ang dati naming lugar at mga kapit-bahay. Maliban sa mga maiingay na lasing doon sa kanto.

(*photos taken with an iPhone)

Wishful Thinking

I wish that I am walking under these,

IMG_3340

poolside, in one of the hotels in the Philippines

But I am already making my rounds here.

IMG_3425

atrium of the downtown hospital where I work in the US

I wish that I am relaxing here,

IMG_3416

residence complex, somewhere in Manila

But I am already buried with this.

IMG_3421

my office desk in Iowa

I wish I have more time daydreaming here,

IMG_3403

beach resort in Laiya, Batangas

But I already have to do this.

IMG_3423

bronchoscopy room, somewhere in Des Moines

I am not complaining. Just wishful thinking.

IMG_3410

I’ll be back. Hopefully soon.

(*all photos taken with an iPhone)

Sa Likod ng Matataas na Pader

Hindi kalayuan sa masikip na kalyeng aking kinalakihan sa Maynila ay isang kalsadang may mga naglalakihang compound na napapalibutan ng matataas na pader. Dahil sa taas ng mga bakod, ay mga tuktok ng puno at mga bubong ng bahay lamang ang iyong masisilayan sa loob ng pader.

Ang kalsadang aking tinutukoy ay ang Manga Avenue doon sa Sampaloc. Malapit din sa lugar na ito ang mga kalye ng Santol at Pinya. Nangangasim ka na ba? Siguro naglilihi ang nagbigay pangalan sa mga lugar na ito.

Madalas kaming dumadaan sa Manga Avenue noong araw. Hindi dahil sa loob ng mga nagtataasang pader kami naninirahan, kundi dito lamang tumatahak ang mga pumapasadang tricycle mula sa aming kapit-kanto patungo sa lugar ng Stop and Shop sa Sta. Mesa.

Nagpupunta kami sa Stop and Shop para maghulog ng sulat (Sta. Mesa Post Office), para mag-grocery (Fernando’s), o mamalengke (talipapa sa Sta. Mesa), o kaya’y bumili ng gamot (Mercury Drug, old Sta. Mesa branch). Wala na ngayon ang Fernando’s at Mercury Drug sa lugar na ito.

Sa Sta. Mesa rin kami tumutungo para sumasakay ng jeepney o bus (wala pang LRT2 noon) na bumabiyahe sa kahabaan ng Ramon Magsaysay, papuntang Quiapo o pa-Cubao. Nasa Stop and Shop din noon ang aking barbero. Malapit din sa lugar ng Sta. Mesa na ito ang mga establisimentong binabansagang “biglang-liko” at mga “patay-sindi,”  pero hindi ako gumagawi doon. Totoo, peks man, hindi ko pinasok ‘yun.

Mabalik ako sa Manga Avenue, maliban sa mga dumadaang traysikel ay masasabing matahimik ang kalyeng ito noong araw. Walang masyadong tao ang tumatambay doon. Mga walang imik na pader lamang ang tanging saksi sa mga nagdaraan dito.

Noong ako’y magsimulang sumama sa aking tatay na ma-jogging, ay tinutunton namin ang kalsadang ito kapag madaling araw. Madilim at pawang liblib ang kalyeng ito. Malalayo ang pagitan ng mga poste ng ilaw, at ang mga liwanag mula sa mga bahay ay nakukubli ng mayayabong na puno at matataas na pader.

Ano kaya ang itsura sa loob ng mga kutang pader na iyon? Tanong ito ng musmos kong isipan noon.

Sabi nila ay may mga swimming pool daw sa loob ng mga bakod. Sabi din nila ay may magandang basketball court daw sa loob ng mga compound, na hindi tulad ng payak na tabla at bakal na court sa aming kalye. Sabi nila humahalimuyak daw ang mga hardin sa loob ng mga compound na iyon. Sabi pa nila, magagandang mansiyon daw ang mga nakatirik sa likod ng matataas na pader.

Sinu-sino kaya ang mga naninirahan sa likod ng mga matataas na pader na iyon?

Sabi nila isa sa mga bahay doon ay naging tirahan ng dating presidente (Magsaysay), pero ipinagbili na ito sa isang prominenteng pamilya. Sabi pa nila ay mga mayayamang negosyante ang mga nakatira sa loob ng mga pader na iyon. Aaminin ko, pinangarap ko rin na manirahan, o kahit makapasok man lamang sa loob ng mga pader na iyon.

Laging nakapinid ang mga makapal na bakal na gate sa Manga Avenue. Ngunit paminsan-minsan ay natitiyempuhan kong masulyapan na bukas ang gate, habang pumapasok ang mga magagarang kotse. Nakabantay naman palagi ang mga gwardiang may nakasukbit na baril.

Ngunit isang araw, sa isang malawak na bakanteng lote na napapagitnaan ng mga compound, ay may naligaw na nagtayo ng barong-barong doon sa Manga Avenue. Hindi nagtagal ay sunod-sunod na yerong kubo ang nagsulputan na parang kabute doon sa bakanteng loteng iyon. Nang malaon na ay nagkaroon ng “subdivision” ng mga dampa na kahalera ng matataas na pader. Umapaw pa hanggang sa lansangan na mismo ang mga barong-barong.

Balita ko ay hindi na mapaalis ang mga pamilyang nagtayo ng mga barong-barong. Mula noon ay naging matao, aktibo, at makulay na ang Mangga Avenue.

Ano kaya ang naramdaman ng mga naninirahan sa loob ng mga matataas na pader? Ano kaya ang kanilang naging reaksiyon?

Ang akin lamang nasaksihan mula noon ay lalo pang pinataasan ang mga pader. Naglagay pa ng mga barb wire sa ibabaw nito. Lalo ring pinagtibay ang mga bakal na gate. At dinagdagan pa ang mga guwardiang bantay.

Hindi ko sasabihing masama ang pataasin pa ang mga pader, dahil ito nama’y kanilang pag-aari. At hindi ko rin sasabihing tama ang magtayo ng mga barong-barong sa lupang hindi pag-aari.

manga-5-5-11-2013-4-29-19-am

mga dampa sa labas ng matataas na pader sa Manga Avenue ngayon

Ngunit kaya kayang tabingan ng mga matataas na pader ang mga masaklap na katotohanan ng maralita sa labas nito? Kaya kayang patahimikin ng matatalas na barb wire ang mga hikbi at iyak ng mga mahihirap? Kaya kayang sapawan ang baho ng pag-hihikahos ng bango ng mga bulaklak sa hardin na nasa loob ng mga pader? Nagtatanong po lamang.

Ikaw? Ako? Anong mga pader din ba ang ating itinatayo upang ikubli sa ating paningin ang mga paghihirap ng iba?

Masakit mang aminin, kailangan din nating dumungaw mula sa ating pader.

******

Post script: Habang naghahanap ako ng mga larawan ng Manga Avenue, ay aking napagalaman na si Erap, na ngayo’y Mayor na ng Maynila, ay sa kalyeng ito na naninirahan. Magbago na kaya ang lugar na ito?

(*photo from here)

Manila, My Manila

I have spent my impressionable years in Manila, so there are images of the city that are forever etched in my mind. However, being away for long, those images of the city when I was growing up, may not be the same anymore.

Here are the images of the current Manila that I have witnessed, during my last visit home:

There are constructions everywhere I look. The old neighborhood has been changed with high-rise buildings and condominium complexes. This has altered the landscape of the city I used to know. You may argue that this is a sign of progress. Or is it?

Here is a ghostly image of the Manila skyline in the morning haze. Or in a more blunt term, in the polluted morning smog.

IMG_0885

Even the bay area looks different. For one, with all the land reclamation projects, the sea has been pushed farther and farther away.

Believe it or not, this is Manila Bay. It looks pristine and inviting, at least from the distance. Though I wouldn’t dare take a dip on it still.

IMG_0887

Many of the roads and passageways I used to go to, also looks different. Of course the traffic is the same if not even worse. But instead of posting a gnarled-up traffic scene, I decided to post a picture of a widely open road for a change. It is more refreshing, isn’t it?

IMG_1878

Even my old stomping ground, shows signs of progress. Here is the Metro Rail Transit (MRT) station in front of SM City Santa Mesa. This mall, which is formerly known as SM Centerpoint, had just opened when I was in college. Having lived near Santa Mesa, I frequented this place a lot, though the MRT was not there yet at that time.IMG_1606

I got to experience to ride the MRT and the LRT during my last visit, which I believe is the best way to travel through the metro, as it is faster and mostly unaffected by the unpredictable Manila traffic. The trains can be very crowded though, especially during rush hours, that you can almost exchange faces with the passengers beside you.

IMG_1612

Of course, I also rode the jeepney, and the tricycle once again, not just for the nostalgic feel, but that’s the only way of transportation where I needed to go.

I also visited places that have been a fond memory of my youth, like the Rizal Park or also known as Luneta. (See previous post about Luneta here.) Here’s the new dancing fountain of Luneta.IMG_1843

Even the more than 400 year-old university where I spent my college and medical school years looks different. Here’s the “new” look of the University of Santo Tomas.

IMG_1813

With all the new swanky shopping malls and eateries, there are even places in the metro that are pictures of opulence. Here’s a nice restaurant where my classmate from high school brought my wife and I out.

IMG_1861

Even old establishments have been updated and improved. Here is the lobby of the Sofitel Manila, which was used to be known as Philippine Plaza.

IMG_0916

It was in one of the ballrooms of this hotel that was converted into a testing center, where I took the United States Medical Licensure Exam (USMLE), about 20 years ago. Passing it was my ticket in obtaining post-graduate training in the US.

With the seeming images of changes, progress, and even luxury, it is hard to ignore the solemn part, that some facts have never changed. Like the state of the poor in the city.

Here is a scene I used to know, and sadly to say, still very much exists. If you note, the shanties are quite a stark contrast to the tall buildings in the distance in this photo.

IMG_1615

Among all the changes that I have seen, there is one thing that has not changed for me. Even after years of living abroad, Manila will always be considered my home, for here is where my heart is. 

Here is the paramount image of Manila for me: the street where I grew up in. This is where the dream started.

IMG_1598

I may have lived in many places after I left the city, and I don’t know where else will this life’s journey will take me, but I will always be the boy from Manila.

Pagbabalik sa Norma

Nakatayo ako sa bukana ng masikip na kalye sa Maynila. Mataimtim kong sinusuri ang pamilyar na lugar na ito, ngunit sa kabilang banda, ay para bagang nakakapanibago.

Sinimulan kong baybayin ang kalsadang iyon. Sa bawat hakbang ay pawang hinahanap ang mga iniwan kong bakas ng nakaraan. Naghahalong tuwa at lungkot ang aking nararamdaman. Mahigit sampung taon na rin ang nakalipas mula nang huli kong magisnan ang lugar na ito.

Ang kalyeng aking tinatahak ay ang kalye ng Norma. (see previous post about Norma)

Norma. Ito ang lugar na umaruga sa aking pagkabata. Dito ako naglaro at lumaboy-laboy ng malaya noong aking kamusmusan. Dito rin ako namulat sa payak na katotohanan na ang mundo ay malupit. Ngunit dito rin sa lugar na ito ako natutong mangarap, magmahal, at tumanaw nang may pag-asa.

IMG_1595

mga asong kalye ng Norma

Hindi mga tao o dating kakilala ang unang sumalubong sa akin sa aking paglalakad, kundi dalawang asong kalye (askal) ang nakapuna sa aking presensiya. Marahil ay naamoy nila agad na ako’y dayuhan na sa kalsadang aking tinutuntungan.

Sa aking pagmamasid ay natunghayan ko ang marami nang pagbabago ng Norma. Wala na pala ang maliit na tindahan ni Aleng Poleng. Napagalaman ko na pumanaw na rin pala si Aleng Poleng. Nagtataasang bakod at matatayog na apartment building na ang nakatirik sa mga dating simpleng bahay noon. Pawang tahimik na ang lugar, at wala nang masyadong batang paslit ang naglipana at gagala-gala sa kalsadang ito.

IMG_1599

magbobote dyaro sa Norma

Sa patuloy kong pagtahak ay palakas nang palakas ang kabog sa aking dibdib. Papalapit na ako sa lugar na aking tinuturing na pinagpala. Hindi nagtagal ay tumambad sa aking paningin ang tahanan na aking pinaglakihan. Bahay na aking pinanggalingan.

Wala pa rin itong masyadong pinagbago. Bakas pa ang pangalan ng aking ama na nakaukit sa batong poste sa tabi ng gate. Pareho pa rin ang tabas ng mga pader at hugis ng mga bintana. Pati kulay ng pintura ay pawang hindi rin nila pinalitan. Walang ring pinagbago ang kapirasong silid sa gilid ng bahay kung saan ko sinasaksihan noon ang pag-ikot ng munti kong mundo. Bakante pa rin ang lupa na nasa tabi ng aming bahay.

Ngunit mayroon rin namang nagbago. Wala na ang puno ng bayabas sa tabi na aking inaakyat noon. Wala na rin ang malaking puno ng Chinese Dama de Noche na tumatabing sa harap ng bahay. Iba na ang mga palamuting nakasabit, at mga nakasampay na mga damit na lamang ang pawang tumatakip sa nakalantad na harapan nito.

IMG_1597

bahay sa Norma

Mayroon pang malaking pinagbago: iba na ang pamilyang naninirahan dito, at iba na ang batang nakadungaw doon sa may veranda.

Matagal-tagal din akong nakatindig sa labas ng aming dating bahay. Tila baga tumigil ang pagtakbo ng oras at pumihit pabalik ang panahon. Umaapaw ang mga alaala sa aking isipan habang ako’y nakamasid. Umaapaw din ang halo-halong damdamin sa aking puso. Hindi ko na mapigil…….

Ako ay kumatok sa pintuan. Sa kabutihang palad ako ay pinagbuksan. Ako ay malugod na nagpakilala. Ngumiti ang tadhana, at ako ay pinaunlakan pang makapasok sa loob ng bahay na aking kinagisnan.

Muli akong tumapak sa sagradong lugar – sa bahay doon sa Norma.

Lumutang sa Baha

Nuong isang linggo ay bumaha sa aming basement. Pumalya ang aming sump pump, at kahit hindi malakas ang ulan ay lumubog sa tubig (hanggang sakong ang lalim) ang silong ng aming bahay. Hindi ko akalaing susundan pa rin ako ng baha, kahit wala na ako sa Maynila.

Dahil nakulob ang tubig at nababad sa tubig ang carpet, ay naging masangsang at nag-amoy basang sapatos ang aming bahay. Nagsimula nang amagin ang carpet at dingding. Akala ba ninyo, hopia lang ang inaamag? Kaya tinuklap ang carpet, at binakbak ang mga dingding at drywall sa aming basement. Isang malaking abala. At siyempre, gastos!

Ngunit matapos ang lahat, at akin itong mapagisip-isip, ay nagpapasalamat pa rin ako, hindi dahil sa baha, kundi sa aral na maaring maidulot ng karanasang ito. Basement lang ang inilubog ng baha, hindi ang aking pananaw. Meron nga bang leksiyon sa baha?

Sanay ako sa baha. Lumaki akong lumulusong at nagtatampisaw sa tubig baha ng Maynila. Konting ulan lang ay baha na sa aming lugar sa Sampaloc. Dahilan na rin sa ating kapabayaan at sa mga tinapong basurang bumabara sa mga kanal at estero kaya tayo binabaha. Sabi nga nila, “ang basurang itinapon mo, ay babalik sa iyo.” Dahil din sa patong-patong na pagtatambak at pag-eespalto sa kalsada, ay naging mas mataas na ang aming kalsada kaysa garahe at silong ng aming bahay. Kaya’t lalo nang pinapasok ng tubig ang mga bahay sa aming kalye.

Kahit hindi bagyo, mapalakas lang ng konti ang ulan, ay kadalasan hanggang binti o tuhod ang lalim ng baha sa amin. Minsan nga ay naging hanggang baywang pa ang lalim. Dapat sana ay nag-alaga na lang kami ng dalag o tilapia sa silong ng aming bahay, at pinagkakitaan pa namin.

Nuong ako’y nag-aaral na, ay masaya ako kapag baha na. Hindi sa dahil masaya ako kapag may inaanod na bahay, kundi dahil sa walang pasok ang eskwela. Kahit nuong ako’y nasa kolehiyo na, parating walang klase kami sa UST dahil madaling bahain ang Espanya. Sa katunayan, tawag namin kapag baha na ito ay Espanya river. May pagkakataon pang ako’y naglakad sa mga bahang kalsada mula UST hanggang sa amin sa Balik-Balik, dahil walang masakyang jeepney. (Wala ring bangka!) Buti naman at hindi ako nahulog sa mga walang takip na imburnal.

Nuong ako’y natutong mag-drive na ay tinangka ko rin gawing submarine ang kotse ng aking tatay. Ngunit ako’y itinirik nito sa gitna ng baha. Pumasok ang tubig sa loob ng kotse. Buti na lang at may mga mamang nagtulak sa aking lumubog na kotse. Ang pinagkaiba ko lang kay Christopher Lao, ay walang TV News crew na nakakita sa aking kabobohan.

Alam kong hindi lang mga maliliit na perwisyo ang sanhi ng baha. Maraming mga tao ang napipinsala nito. Inaanod ang mga ari-arian, pati na mga pangarap. Minsan pati buhay ay tinatangay nito.

During typhoon Ondoy in 2009

Ilang taon lang ang nakakalipas nuong kasagsagan ng bagyong Ondoy, ilan sa aming kamag-anak ang nakasama sa mga binaha. Isa sa aking tiyahin na nasa Marikina, ang kanilang buong bahay, hanggang bubong, ay lumubog sa tubig. Lumutang ang kanilang mga kasangkapan at wala silang gamit na naisalba. Ngunit sa kabila nito’y nagpapasalamat pa rin sila, dahil sila ay ligtas at buhay. Ito lang ay nagpapatunay na may mas mahalaga kaysa ating mga ari-arian. At tulad ng maraming taong nasakuna ng baha, sa kanilang patuloy na pagpupursigi at pagsisikap, sila ay muling nakaahon. Maraming dayuhan ang namangha na tayong mga Pinoy ay patuloy pa ring nakangiti sa kabila ng baha.

Oo nga, ang baha ay pumipinsala at nagpapahina sa mga haligi ng ating mga bahay at gusali, ngunit ito naman ay maaring magpatatag sa saligan ng ating pagtatalaga at determinasyon. Ito man ay nagtatangay ng ating mga yaman at pag-aari, ngunit ito rin ay maaring magpunla at mag-ugat sa ating pagtitiwala at pananampalatayang tayo ay babangon muli.

Hindi kayang ilubog ng baha ang lumulutang na pag-asa.

Divisoria Suit and Recto Resumé

January 1994. New Jersey, USA. In one of the hospital affiliates of Columbia University.

I was sitting nervously in a brightly lit, plush, spacious waiting room, with a group of people. I was fighting off my jet-lag, as only a few days ago, I was still plying the streets of Manila, busy applying for my visa, and preparing the needed documents and paper works for this trip.

I was wearing a suit, the first ever suit I owned. It was midnight blue in color, made of wool cloth that I bought in Divisoria. It was a double-breasted style suit which was sewn by Mang Willie, a local tailor in Balik-Balik, near my home. I chose double-breasted because I thought it looks more stylish, though I have no idea it was a little out of fashion already at that time. At least my tie is not a foot-wide of the 70′s era.

My shoes were “state-side”. I bought it at Cartimar in Pasay, as I wanted it to be “US-style”. Plus I wanted sturdy shoes that can withstand the cold, and that I can use to walk in snow. But who knows, it could have been made from Marikina and was just exported to the US and then made its way back to the Philippines. I did not realize that my “snow-proof” shoes does not really go with my suit. But what the heck, it served its purpose, for it was snowing that day.

In my lap (not laptop, just lap!), rests a Manila envelope that has in it my curriculum vitae (CV). I even had my CV’s printed by “jet-printer” on nice thick paper at one of the printing shops in Recto, the copyright capital of Manila. Also inside the envelop is a copy of my diploma from University of Santo Tomas, College of Medicine and Surgery. Yes, it was a copy of a real and authentic diploma, and not a dubious certificate that you can avail in Recto.

It was the day of my interview. I was applying for a position for a post-graduate training in Internal Medicine. In the same room were other applicants. A few were graduates of other foreign countries like me. But mostly were graduates from medical schools here in the US. All of us were dressed formally, as if we were attending a funeral or like we were pallbearers. And we look somber too. Or maybe that was just the tension in the room.

Looking around the room, I felt uncomfortable in my seat. I felt I was out of my league, not on just how I dressed but where I came from – a halfway around the world. In my mind I thought, will my Recto-printed resumé have the chance to compete and survive?

*******

January 2011. Des Moines. In one of the hospital affiliates of University of Iowa.

I was sitting at ease in a softly lit, technologically modern, big auditorium. A senior Internal Medicine Resident whom I mentored, was presenting a case for the Grand Rounds. In the auditorium are other doctors – attending physicians of different subspecialties like me, medical residents, and some medical students.

I was in my usual everyday work clothes of khaki pants and white shirt, no tie, under my lab coat. A group of young men and women in one corner of the hall caught my eye. They were nicely and formally dressed, in their dark suits and ties. I figured that they were applicants for the Residency Training Program of this hospital where I work now. That day was their interview day.

It surely brought back memories of my own interview day. I am glad that they looked beyond the suit, the shoes, and the resumé paper, and gave the boy from Sampaloc, Manila the opportunity to prove himself.

 

(*A long version of this article was published in Manila Standard Today)

Wayfaring Pinoy Transplant is Home

I find it hard to believe that it has been 7 years since I moved here in Iowa. After leaving Manila, which had been the cradle of my childhood, and after short stints in New Jersey, New York, California and Florida, I now have settled here in Iowa and have accepted to call it home.

Truly, my world have changed from the one I was reared into. I transitioned from the congested streets of Manila to the wide open fields of Iowa. Our neighborhood in Sampaloc was so crowded that if I open my window and ask our neighbor to lend me some salt, they can literally hand it to me through the window. Now, where I live, if I open my window and shout to my neighbor to pass the salt, he should have a very good arm to throw it that strong so I can catch it. That is if he can hear me shouting for the salt first.

Manila skyline (photo from the net)

Consider this: the state of Iowa (145,000 sq. km.) is bigger than the total land area of Luzon (105,000 sq. km.). But the population of Iowa is only 3 million. Yes, 3 million! That’s only the population of Quezon City! Can you imagine scattering the people from Quezon City alone, throughout the whole island of Luzon, and that will still be more dense than Iowa.

You may be able to drive for miles after miles here without seeing people. But you cannot go very far without seeing the handiwork of people, as stretches of cornfields, soybean fields, cattle and hog farms are the constant scenery here. Only a very small portion of produced corn here is used for human consumption, as most of them are for processing ethanol for fuel and other industrial use. There’s so much corn, that it is just considered cattle and hog feeds. The cattle population (almost 4 million) is more than its people. And hogs? We have 20 million. There is plenty of steak and pork chop to go around.

typical Iowa scene

(photo from here)

I remember when I told my friends that I will be moving from Florida to Iowa. Their first question was, “Where is Iowa?” The next question was, “Are you nuts?” And when I told my family in the Philippines that I will move to Iowa, their question was, “Is that still in the US?” Many people, even Americans cannot locate Iowa in the map. I admit that I had no idea where the heck Iowa was, or knew that it even exist, until a good friend of mine years ago invited me to consider moving here.

This friend is a classmate of mine from pre-med to medical school in Manila. Then we both did our post-graduate training in New York City. He moved to Iowa while I went to Florida, after our training. And for some reason he was very satisfied of the way of living and his practice in Iowa, while I was not in Florida. Besides, this is the man who was the best of our batch in medical school and was the top-notcher of the Philippines’ Medical Board of our time. If it was good enough for him, then there must be a very sound reason.

downtown Des Moines

(photo from here)

As a matter of fact, Des Moines, Iowa is always in the top 10 cities in the US for raising family, for business and career, and a place to relocate. (No, I’m not making those up, but perhaps I need to hear those reports to convince myself that I made the right decision.) But what I like most here is its people. They are friendly, laid-back, simple and are family oriented. Moreover, people here still like their doctors, as the rate of medical malpractice lawsuits is not that high compared to other states. (The states where I lived before were among the high risk states for malpractice lawsuits.)

Seven years and counting. So far I have no regrets. Except when I am freezing while shoveling snow in my driveway, that moving somewhere warm (like the Bahamas) crosses my mind. But winter is almost gone now and spring is on its way. I will soon forget about the bone-chilling cold, at least until the next winter.

Will I stay here for good? Only time can tell. But for now, this wayfaring Pinoy transplant has found his home.