Sa Ilalim ng Buwan

“O maliwanag na buwan,
Nakikiusap ako,
Ang aking minamahal,
Sana ay hanapin mo.”  - Filipino Folk Song by Levi Celerio

Isang gabing bilog ang buwan, ako ay lumabas at naupo sa aming bangko, doon sa harap ng aming bahay. Sa halip na ilaw ng poste ng Meralco, ay liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa aking buong kapaligiran. Maaaninag din ang mangilan-ngilang bituin na kumikinang, kahit pa nasasapawan ang kanilang ningning ng maliwanag na buwan. Hindi mga dikit-dikit na bahay at lupon ng mga taong tambay ang aking tanaw kundi malawak na bakanteng lupain at mga punong kumakaway, ang sa akin ay nakatambad.

nagbibilad sa liwanag ng buwan (photo taken of the Supermoon 5/5/12)

Ibang iba na nga ang aking paligid, kumpara sa kinamulatan kong tahanan doon sa Sampaloc.

Imbes na maalinsangan na ihip ng hangin ng Maynila, ay malamig at sariwang simoy ng bukid ng Iowa ang humihimas sa aking buhok (may natira pa naman), mukha, at mga braso. Hindi masangsang na singaw ng nakaimbak na basurang hindi nakokolekta ang aking naaamoy, kundi samyo ng lilac at halimuyak ng bagong tabas na damo. (Hindi damo na sinisinghot ang aking tinutukoy.) Pero kung minsan ay nalalanghap ko rin ang hindi makakailang amoy ng mga baka at kabayo sa hindi kalayuang lugar mula sa aming bahay.

Hindi mga nag-kakaraoke na nag-iinuman sa kanto ang gumagambala sa himig ng gabi, kundi mga palakang naghaharana ang aking naririnig, habang  sumasabay din ang mga kuliglig sa kanilang pagawit. Hindi rin sigaw ng naglalako ng balut, kung hindi hiyaw ng kuwago ang paminsan-minsang bumabasag sa katahimikan ng aking madilim na paligid. Pero sana nga may mag-babalut na maligaw dito…….. Ipagpaumanhin ninyo, naiba ako.

Walang mga lasing na sumusuray-suray na dumadaan sa aming kalye, kundi mga alitaptap ang mga kumukuti-kutitap na nagsasayaw sa aking bakuran. (Meron ding “Alitaptap” doon malapit sa amin sa Sta. Mesa, na “patay-sindi” ang ilaw – pero ito ay beerhouse.) Walang mga tricycle na umaarangkada kahit malalim na ang gabi, kundi mga racoon at usa ang paminsan-minsa’y tumatawid sa aming walang kibo na lansangan.

Bilog na naman ang buwan. Alam kong maraming mga magkasintahan ang magkasama at nagbibilad sa liwanag ng buwan. Sila ay magkahawak kamay…..nangangarap…..nagsusumpaan…… sa ilalim ng buwan. Marami rin ang nabibigo, nababaliw, at sinusumpa ang buwan.

Nuong minsan, maraming taon na ang nakalilipas, ay dumadayo ako doon sa may Metrica, na bahagi pa rin ng Sampaloc. Dinadalaw ko doon ang isang magandang binibini. Hindi ko inaalintana ang mga panganib sa dilim ng gabi, dahil sa pagnanais kong makita ang dilag na naroon. Walang tambay, lasing, adik, trapik, prosisyon, mga demonstrador, brownout, ulan, bagyo, baha ang nakakaawat sa aking pagbisita sa magandang dalaga. May buwan man o wala.

Minsan din sa liwanag ng gabi…… sa lilim ng mga yero, linya ng Meralco, at mga sampayan doon sa Sampaloc……..sa magulo at masikip na kalye ng Metrica….. habang ang aming pabulong na usapan ay nilulunod ng ingay ng masalimuot na siyudad ng Maynila……doon kami ay minsan ding nangarap at nagsumpaan……..sa ilalim ng buwan.

Ano na ang nangyari sa magandang binibini doon sa Metrica? Narito, akin nang kaulayaw sa aming matahimik na lugar dito sa Iowa. Kasama ng aming mga anak. Sa ilalim ng buwan.

lover’s moon

Over Sarsi and Hopia

(The following article was published in Manila Standard Today, on February 11, 2011, in their Diaspora section.)

A few days ago my family and I shopped at Costco. Among the things we brought home for our own use included: rolls of toilet paper that would be several months’ supply, big bottles of ketchup that will last us a year, gallons of cooking oil enough to fill a small bathtub, cartons of toothpaste adequate for the use of a whole men’s dormitory (provided they brush their teeth), and bottles of shampoos plenty enough for a small hair saloon.

Popular now here in US, or perhaps in some other parts of the world as well, is wholesale or bulk buying. Stores like Costco, Sam’s Club and other warehouse-like stores caters to this practice and offer bargain sales of their products. I don’t know why we like to hoard so much stuff. Do we really save money if we buy things on bargain, but don’t really need them? When I look at our pantry and our garage where we store all the items we bought, I am struck by the realization that we would rival the stocks of a small sari-sari store in the Philippines. My mind flashed back to our “suking tindahan” (favorite store) of my neighborhood in Sampaloc, Manila.

Sari-sari store is unique to our culture and as Filipino as the jeepney. It is a result of our entrepreneurial ingenuity. It accommodates to the concept of able to buy “tingi” (units), instead of the whole package, so we get just what we need.

sari-sari store

When I was a child, my mother sent me many times to the corner store. Empty bottle in hand, I had to buy 20 centavos worth of vinegar, or 50 centavos worth of cooking oil. Sometimes I was asked to buy two or three sachets of shampoo and a small tube of toothpaste. That store has everything a kid needed, too —  from plastic balloon, marbles, Bazooka bubble gum, Choc-nut, to Mongol pencils, pad paper, cartolina and papel de hapon for my art project.

I remember that I could even buy 10 pieces (or even fewer) of lined paper, without the need to buy the whole pad. Or I can buy 3 or 4 pieces of coupon bond paper (I used to call it cocomban), just what I need for that day in school.

Recently here in Iowa, I needed Manila envelope, and I had to buy a whole, big box of it at a warehouse store. I got what would be a lifetime’s supply. I pondered: Did I really need all these? Maybe I can barter it for some pan de sals.

Ah, the pan de sal. In Sampaloc, we used to have a favorite bakery at the corner of the next street. On many mornings, I was sent there to buy P1.50 worth of pan de sal that was enough breakfast for our family of 5. (Maybe I’m showing my age with these reminiscences.) The still hot buns were placed inside a small brown paper sack, and during cold mornings, I will put them close to my chest to keep me warm, while the sweet aroma of newly baked bread filled my soul as I walked back home. That aroma, to me, is one of the most glorious memories up to this day.

fresly baked hot pan de sal

There is packaged pan de sal in our Asian store in our locale here in the US. But they are not freshly baked; worse, sometimes they are even frozen. The bread most similar to pan de sal available in Costco is like a dinner roll. But it comes in a package as big as Santa’s sack, enough to feed a small platoon of soldiers. I heat them in the oven. With lots of imagination, I can convince myself that they taste like pan de sal.

Before Facebook, sari-sari stores in the Philippines are the real networking sites. The front of the stores are favorite hangouts for people in the community, where they exchange stories, gossips, news, and opinions, over a bottle of beer or a game of checkers. Most of the time, people just stayed there and watch the world go by. Sometimes, there will be heated arguments and fights in front of the store, especially when these “tambays” had too much to drink. Such were the perils that went with owning such a store.

One of our barkada’s favorite hangout was a sari-sari store in front of our church in Galas, Quezon city. There was a basketball half-court in front of our church, and after hours of playing, we trekked across the street to Aling Luring’s store. Here, we got our refreshments, sometimes with our shirts off, and spent time there just relaxing. My usual order was Sarsi and hopia. Sometimes we even did not have enough money to pay, and we would just ask Aling Luring if we could pay it next week. Since she knows us (and our parents), most of the time she let us.

hopia

About a year ago, after many years of living abroad, I went back home to the Philippines. I attended my childhood home church and saw familiar faces and some new faces. The basketball court was still there. The residential houses around the church had been replaced with commercial buildings. I looked for the familiar store across the street, but it was no longer there. In its site was a new business building. Not far in the area was a large supermarket.

Alas, Aling Luring’s store became a victim of progress. It was devoured by the same commercialism it represented. I was sad; the place that had formed part of my passage through teen years was gone. I would have liked to get Sarsi and hopia for me and my friends, for old time’s sake. As we ended up going to a nearby Chowking outlet, we consoled ourselves — at least we still had the memories.

Alaala ng Norma

Habang ako’y nakadungaw sa bintana at nakatunganga sa magandang tanawin sa harap ng aming bahay, ay hindi maiwasang magliwaliw ang aking pag-iisip……..

front yard

Mag-lilimang taon na rin pala ang nakalilipas nang kami’y lumipat sa aming kasalukuyang tahanan. Matapos ang 16 na taon dito sa Estados Unidos, at 12 beses na pagpapalit-palit ng tirahan (mula New Jersey, New York City, LA, Florida, at Iowa), ay dito sa bahay na ito ang pinaka-matagal na naming paninirahan.

Ito rin ang kauna-unahang bahay na masasabing sariling amin, matapos ang 11 taon ng pangungupahan. Ito ang unang tahanan na ang titulo ay naglalaman ng aking pangalan. Bagama’t mahal ko ang tahanang  ito, ito’y pangalawa lamang sa puso ko sa tahanang aking kinagisnan doon sa Norma.

Si Norma ay hindi isang babae. Ito ay pangalan ng kalye na aking kinalakihan sa Sampaloc, Manila. Dito itinirik ng aking mga magulang ang aming bahay, mula sa kanilang dugo at pawis. Sa bahay na iyon kung saan namulat ang aking mga mata sa mundong ito. Ang bahay na iyon ang naging saksi sa aking pagbabago; mula sa uhuging batang paslit hanggang sa maging paki-pakinabang na mamamayan ng lipunan (parang Panatang Makabayan ah).

Old Sampaloc, Manila

Puro matatamis ang aking alaala doon sa bahay namin sa Norma. At kung may mangilan-ngilan mang hindi masasayang alaala (gaya ng ako’y makomang, o ilang beses na mapingot ng aking nanay, o masinturon ng aking tatay), ay nasasapawan ito ng magagandang karanasan sa tahanang ito. Sa bahay ring ito idinaos ang aking simpleng kasal. Marahil iyon na ang mga huling yugto ng aking buhay sa bahay na ito.

Pagkalipas ng mga ilang taon mula ng aking lisanin ang Norma upang makipagsapalaran sa Amerika, sa isang masalimuot na kasaysayan at mga pangyayari, ay binenta ang tahanan naming iyon. Isang malungkot na bahagi ng buhay. Ngunit kailangang mangyari.

Nang ako ay magbalik-bayan nuong nakaraang taon, ay maraming lugar ang aking binalikan upang sariwain ang mga nakaraan. Ngunit hindi ko pinangahasang lumakad muli sa kalye ng Norma. Hindi ko maatim na matanaw lamang ang bahay na kumupkop sa aking kamusmusan, at hindi mapasok iyon, dahil sa iba na ang nagma-mayari nito. Hindi ko pa matanggap na iba na ang nakatira at nakadungaw sa mga bintana nito. Tawagin na ninyo itong sentimyento ng baliw, ngunit ito ang aking “tunay na nararamdaman” (kanta yata ng Boyfriends yun).

Sana balang araw, ay makabalik muli ako sa Norma. Marahil, ay magkalakas loob pa akong kumatok sa bahay na iyon kahit alam kong iba na ang naninirahan doon. At sinong makapagsasabi, baka ako’y papasukin pa.

Ang Norma ay alaala ng nakalipas. Ngunit ngayon, sa kasalukuyan kong tahanan dito sa Iowa, panibagong kabanata ang isusulat sa aking alaala; kasaysayan ng aking pamilya’t mga anak, at ng kanilang magiging mga anak.

Missing Sampaloc

Miss ko na ang sampaloc. Hindi ‘yung kinakain na maasim, kundi ‘yung lugar na aking pinaglakihan – Sampaloc, Manila. Nami-miss ko na yung ingay ng mga batang nagsisigawan habang sila’y naglalaro ng tumbang preso at patintero. Miss ko na ang amoy ng usok ng tricycle na humaharurot sa harap ng aming bahay. Miss ko na ang halimuyak ng bagong lutong pandesal galing sa tindahan duon sa kanto kapag umaga. Nami-miss ko rin kahit paano ‘yung kantahan ng mga nag-iinuman dun sa harap ng tindahan ni Aling Poleng sa gabi, at ang paminsan-minsang hiyawan at hagaran pag sila’y lasing at nagkapikunan na. Nami-miss ko na yung basketball court dun sa tabi ng aming bahay (kahit ito’y gawa lang sa tira-tirang tabla at binaluktot na bakal), kung saan maraming hapon ay nagkapigtas-pigtas ang tsinelas kong spartan sa paglalaro duon. Miss ko na talaga ang makipot naming kalsada kung saan minsan isang panahon ay isa ako sa nakatambay duon.

Iba na ang mundong aking ginagalawan ngayon dito sa Iowa. Puro maisan at bukiran na ang nakapaligid sa akin. Nakabibingi ang katahimikan. Pero paminsan minsa’y makakarinig ako ng ngawa na mga baka galing sa tabing parang. Kung minsan ay may umaatungal na batang nadapa sa pagbibisikleta sa aming kalsada (anak ko pala yun). Maaamoy mo rin paminsan-minsan ang ‘di maikakailang samyo galing sa hindi kalayuang rancho ng kabayo (kapag tama ang ihip ng hangin). Sa gabi naman ay binabasag ang katahimikan ng mga umaawit na cicada at nakabubulabog na tawag ng kuwago. Nagtre-trespassing naman paminsan-minsan sa aking bakuran ang mga deer at racoon, at ginagawang tambayan ng mga ibong ligaw ang puno sa harap ng aking bahay.

Kung kasing simple lang na gaya ng isang sakay ng jeepney ang pagbalik sa Sampaloc, ay dadalawin ko ito kahit araw-araw. Sa ngayon, ay pinagtitiyagaan ko na lang ang sampaloc na kendi na nabili ko sa Asian store dito.