Bahagi ng kulturang Pilipino ay ang mga bugtong. Naaalala mo pa ba ang mga bugtong na ito?
1. Kung kailan pinatay, kaysa humaba ang buhay. (bampira?)
2. Heto na si kaka, bubuka-bukaka. (operadang bakla?)
3. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. (si Tarzan?)
4. Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, tinapon ang bigas. (bobo si Hudas, hindi marunong magsaing?)
5. Sa isang kalabit, isang buhay ang kapalit. (kalabit ng querida?)
6. Buto’t balat, lumilipad. (naging anorexic si Superman?)
7. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa torre. (bata pa si Spiderman?)
8. Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo. (mabahong nuno sa punso?)
9. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (unano na nasa highchair?)
10. May isang princesa, nakaupo sa tasa. (princesang nakaupo sa arinola?)
Eh ikaw, alam mo ba ang mga tamang sagot?
(see comments for the real answers)
1 kandila
2 gunting
3 batingaw
4 pakwan
5 baril
6 saranggola
7 langgam
8 pusa
9 aso
10 kasoy
Mas gusto ko ung unang mga sagot mo – di boring. 🙂
Nakakatawa hhahahahahaha
Salamat sa iyong pagtawa. 🙂