Kilig at Sayaw

Posted by

Kay sarap gumising nang may kasama,

Hindi tulad noong ako’y nag-iisa,

Ngunit ‘di inakalang magkakaganito,

Mundo’y bumalikwas nang dahil sa ‘yo.

 

Umagang-umaga’y ‘di mapakali,

Ako’y kinikilig at nakikiliti,

Pilit pinipigil damdaming umaapaw,

Dahil nariyan ka’y napapasayaw.

 

Matagal ka pa ba, o aking mahal?

Mataimtim akong sa ‘yo’y naghihintay,

Sana ay pagbigyan, dahil ‘di ko na kaya,

Pakiusap lang naman, ako’y sasabog na!

 

Hoy! bilisan mo diyan sa banyo!

Ihing-ihi na ako!

(Ang tulang ito ay handog sa lahat ng napapasayaw sa makapigil-ihing pagmamahal.)

 

 

 

 

2 comments

Leave a reply to Marlyn Exconde Cancel reply