Tuyo Na’ng Damdamin

Posted by

Habang ako’y bumibiyahe patungo sa aming outreach clinic noong isang araw, na isa’t kalahating oras ang layo sa aming siyudad, ako nama’y nagsa-soundtrip ng mga kantang Pilipino na aking kinagisnan (OPM Classics).

Habang tumatahak ako sa kalagitnaan ng mga bukid at parang, ang aking sasakyan ay tumatakbo ng siyento-bente kilometro kada ora, ngunit ang aking isipan ay lumilipad ng dos syentos kada ora.

Sumalang naman ang kantang “Tuyo Na’ng Damdamin” na orihinal na inawit ng APO Hiking Society. Ni-remake din ito ng Silent Sanctuary at ni Noel Cabangon.

“Minsan kahit na pilitin mong uminit ang damdamin
Di siya susunod, at di maglalambing
Minsan di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal.”

Habang ako’y nagmumuni-muni sa lumang awit na ito, ay nakakalungkot lamang isipin, na maaring humantong pala sa ganito ang isang relasyon. Wala ng init. Wala ng paglalambing.

“At kahit na anong gawin
Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga.”

Wala nang maibubuga? Isa lamang masakit na katotohanan ng buhay. Lahat kaya ng bagay dito sa mundo ay may hangganan? Wala ba talagang forever?

“Parang isang kandila na nagdadala
Ng ilaw at liwanag
Nauubos rin sa magdamag.”

Upos na kandila? Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit isinulat ito ni Jim Paredes, o para kanino, o anong tunay niyang tinutukoy. Pero may alam akong makabagong paraan ngayon para makaangkop sa ganitong masaklap na kalagayan. Marahil wala pa nito noon nang isulat ang awiting ito.

“Di na madaig o mabalik ang dating matamis na kahapon
Pilitin ma’y tuyo na’ng damdamin.”

Kaibigan, huwag kang nang malungkot. Mayroon ng Viagra!

******

(My APOlogies to APO if I totally misunderstood and misinterpret the song.)

6 comments

  1. hihihihi Viagra ba ang tinutukoy dito? tsk tsk pambihira naman…paborito ko ang bersyon ng Silent Sanctuary….napakasakit lang pag pinapakinggan he he

  2. I was so serious reading this post’
    Then I was laughing hard after the punch line…
    -“Nothing is permanent in this wicked world – not even our troubles.” – Charlie Chaplin. 😳

Leave a Reply to Elmer Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s