Lumaki sa isang masikip na kalye ng Sampaloc. Nakatapos ng pag-aaral sa Maynila. Nakipagsapalaran sa Amerika. Tumira sa New Jersey, New York City, Los Angeles California, Florida, at napadpad sa Iowa, kung saan doon na siya tutubuan ng ugat.
Sa kasalukuyan ay nagkukumpuni ng mga palyadong baga, mga naka-tubo, mga tulog at hindi makatulog.
Napagkatuwaang magsulat at mag-blog, para sa kaaliwan ng sinumang magtitiyagang magbasa at sumubaybay.

(Grew up in a narrow street in Sampaloc. Finished his studies in Manila. Took his chances in America. Lived in New Jersey, New York City, Los Angeles California, Florida, and drifted over to Iowa, where he will finally grow roots.
Currently repairing broken lungs, people on tubes, and those who are asleep and cannot sleep.
Got amused on writing and blogging for the delight of those who will indulgently read and follow.
This is his stories, perspectives, grumblings, and imagination.)
*Click here for snapshot article about the author
(**photo from the web)
Nakaka-aliw naman ang photo na ito…mabuhay ka Pinoy Transplant…!
Taliwas sa pag-aakala ng marami, hindi ako ang nasa larawang ito. Medyo kahawig ko lang.
thanks for the message pinoy transplant. the road for me to the palanca was tough but I wouldn’t miss it for anything…rgds, joel
doc, hanep nman article mo d2 Manila Standard Today “over sarsi and hopia”. para bang pagpapasalamat sa nakalipas at heto na kmi ngyn!
Salamat. Minsan ay masarap alalahanin ang nakaraan, at ating pasalamatan ang ating narating ngayon.
my gut tells me that you are a colleague.
am i correct or am i right? hehehe…
maraming salamat sa pagsuporta sa entry ko sa national geographic; subok lang iyon, ‘ika nga suntok sa buwan.
thank you for leaving kind words to my blog.
i’ll link yours with mine and will try to frequent here from now on.
shall i call you pinoy transplant or doctor___? *wink*
Yes, you’re right. I am a colleague. Just like you, I am one of the thousands of graduate of medical schools in the Philippines, but left in search of greener pastures. Thanks for the link.
Props to you and your blog on my Kirtsy slideshow today!! http://kirtsy.com/2011/12/06/holiday-traditions-curated-by-graylin-porter/?kp=YToxOntzOjE6ImkiO2k6NDU1MTt9
Thanks for sharing–love your blog and the gorgeous parols!
@graylinsample
yepindeed.wordpress.com
Thank you for dropping by. Actually, I also just got the photo of the parols from the web, and not sure who is the original photographer.
i love the pic and I love the self-description ! Kudos and mabuhay!
Hey… nawili ako sa pagbabasa ng mga posts mo. Gusto ko lang sabihin na mahusay ka at hayaan mo pa akong maghukay sa baul ng mga luma mong sinulat. Salamat!
Salamat sa iyong pagbisita, at sa mga nakakatabang-pusong komento na iyong iniwan.
hello, pinoytransplant,
naibigan ko ang payak mong paghahayag ng iyong background ganoon din ang tatas ng iyong pananagalog. isa kang batang sampaloc, sanay sa makulay at mataong paligid! ikaw na… ^^
btw, kilala mo ba si kerima polotan-tuvera, isang manunulat na pilipinang matagal ring nanahan sa U.S.? ang mga sulatin niya ang isa sa naka-inspire sa aking magsulat noong high school pa. marami siyang isinulat tungkol sa mga pinoy na uprooted trying to make a life, kumbaga.
ang husay na ang isang nasa abalang larangang gaya mo ay nakakapagbigay ng oras sa pagsusulat. magbabasa ako rito from time to time. glad na naligaw ka sa bandang amin… regards to you and your family. 🙂
Bahagyang napaindak ang aking guni-guni sa saliw ng awit ng iyong pagdalaw. Maraming salamat.
ah, ako ang nalugod sa pagkaligaw mo sa aming bakuran. saka, ako, may pagka-gala talaga, haha. happy weekend po! 🙂
Doc salamat sa iyong web log, magandang basahin ang mga pag kukuro-kuro ng isang taong kilala mo at alam mong kababayan mo rin. I can always reflect and identify with your blogs. At pag hindi rin ako matulog eh meron akong nababasa na may mabuting laman at mensahe. Naiilalagay ko nga kung minsan sa grupo namin sa highschool sa FB ang iyong blog at nagugustuhan nila ito. Kumusta na lang sa iyong pamilya kay Gem at sa iyong mahal na ina. Salamat na muli.
Salamat din sa patuloy na pagdalaw. Nagiiwan din ng puna dito ang iyong utol na si Elmer. Kamusta na lang din kay Shiela.
sa madalas kong pagbisita sa mga blogs mo ay naiibsan ang aking pangungulila sa mahal nating bayan dahil lubusan mong inaaliw ang aking isipan at kaluluwang ligaw sa gitna ng kadawagan ng ibang bayan. marahil ipinagmamalaki ka ng iyong pamilya sa tayog ng tagumpay na narating mo… patuloy akong bibisita upang kumuha ng inspirasyon mula sa iyong mga likha… mabuhay ka pinsan!!!
Maraming salamat ‘insan. Tulad mo, nangunulila rin ako sa ating Inang Bayan. Kaya iniibsan na lang sa pamamagitan ng mga ala-ala ng ating iniwang bansa.
Saan man tayong banyagang bansa naroroon, ay ating pag-ningasin ang ating dugong Pilipino. Mabuhay ang Pinoy!
Maligayang araw sa iyo aking kababayan.
Ako ay napadpad lamang dito dahil na rin sa aking kagalaan.
Minsan lang gumala pero pag ang minsan ay nasimulan, hindi ko na alam kung papaano mawawakasan, lalo na kung ang magalaan ay may nakakaaliw na tambayan.
Ako ay lubos na naligayahan sa ilang akda na nasilayan.
At mula ngayon ay isa na ito sa aking mga papasyalan. 🙂
Pagpalain nawa tayo ng Maykapal.
Ingat lagi.. ^__^
P.S.
wew.. talagang nagiging makata ang mga nagcocomment dito.. ahihih
i’m new in wordpress world.. and i’m really happy to be here..
nice meeting your blog..
Maligayang araw din sa ‘yo aking kabayan,
Ako ay lubos na naligayahan,
Sa iyong pagdalaw at pag-iwan,
Ng mga salitang dulot ay katuwaan.
walang anuman po.
kaligayahan ko ang pumasyal at mag-iwan ng mga komento..
hanggang sa muli. ^__^
Maraming salamat sa pagbasa ng kwentong sinulat ko tungkol sa aking Tatay noong kanyang kabataan
I am not going to pretend that I write better in English , kind of sad but it is true . I think I will get to visit your humble abode often here . I am new here but you can also visit me at http://notonmyownanymore.blogspot.com .
Thanks for visiting. You can linger in my humble abode. Make yourself at home. 🙂
Mabuhay ka PinoyTransplant! Ako man ay isang dayuhan sa bansang kinaroroonan ko, ngunit hindi dumadaan ang araw na di ko ninanais na muling makalanghap ng di masyadong sariwang hangin ng Maynila.
Looking forward to reading more from you and other Pinoy bloggers everywhere.
Kahit usok na binubuga ng tambutso ng jeepney ay nakakamiss din paminsan-minsan. Salamat sa iyong pagdalaw.
pinoytransplant naniniwala po ba kayo sa pamahiin na bawal kumain ng puso ng saging ang buntis? pati talong?… buntis po kc ako at hindi ako naniniwala at patuloy ako sa pagkain ng mga ito… magkakasakit po kaya ang baby ko kapag patuloy akong kumain ng mga ito..salamat po…
Walang katotohanan ang pamahiin na bawal kumain ng puso ng saging o ng talong ang buntis. In truth, banana blossom (puso ng saging) is a good source of potassium, vit. A, C and E. It also contains phytochemicals which helps boost immunity to fight infection and cancer. Eggplant also contains vit. C and B though not a lot. It also has phytochemicals. Kung ibang puso o talong ang pag-uusapan, ay wala akong masasabi doon. 🙂
Hi Pinoy transplant…
Sa aking pagkatisod sa iyong blog, ako ay natuwa…
Makabuluhan ang iyong mga katha…
Naaliw ako na kahit tixic ang sked, ikaw ay nakakablog ng maganda…
Share ko naman ang aking dahilan bakit ako nagsusulat din, kahit ang level of toxicity ay minsan fatal…
WP is an AVENUE for expression of thoughts… a SPACE for someone whose always restricted… a SOLACE when the going gets rough and tough…a BOARD to post reasons to be happy about…. A PAGE WHERE I CAN BE “ME”
http://chilledhoney.wordpress.com/2012/07/08/why-am-i-writing/
napadaan at muling dadaan 🙂
auto correct mode: “toxic na sked”
Salamat sa iyong pagkatisod sa aking blog. Huwag naman po sanang madapa. Pero ayos lang magtagal at humilata.
hahahhaha! I think I will…
Your train of thoughts is catchy…
🙂
Bisita ka rin sa aking site, iba’t iba nga lang ang tema at timpla ng tintang isinasaboy ng walang patumangga…
Hello, PT. I just nominated you. Check it out: http://wp.me/pYeWf-1BM
hi doc, magandang umaga po (o kaya ay gabi sa inyong kinalalagyan). maari ko po ba kayong parangalan ng isang “nomination” … sana po ay malugod ninyong tanggapin, at ang detalye po ay naririto: http://alwaysbobswife.wordpress.com/2013/04/14/never-too-late-my-humble-appreciation-and-apologies/
si April po … isang kababayan 🙂
Hi April, it’s such an honor to be nominated for a blogging award by another blogger. And I will admit I have been slacking on accepting the awards I’ve been nominated for before. That’s why I have not posted those awards “yet” on my blog. Nothing against about the awards, it’s just me and my slow response.
Salamat.
Hello sir!
I don’t do this often but I’m nominating you for the versatile blogger award. You can actually choose not to pass it on and I won’t mind. I just think you should know.
Here’s the link: http://junesday.wordpress.com/2013/04/25/recognizing-versatility/
Thank you for the nomination. It always is an honor and a privilege to be recognized by a fellow blogger.
Ganda ng Blog mo! Please follow mine too. I think our entries/blog are kinda similar =D
Salamat sa pagkaligaw mo dito sa aking munting blog.
You’re Welcome! Nice Blog!
Pare, nagbababalak ako at mga ka- pinoy na sumali sa susunod na RAGBRAI, mayroon ka bang mga ma ipapayo base sa iyong karanasan?
Salamat ng marami
Magandang balak iyan. Isang araw lang kaming sumali kaya limitado lang ang karanasan namin. Pero masasabi kong naging maganda at masaya ang aming pagsali. Kung isa o dalawang araw lang, siguro kayang-kaya, kahit wala masyadong training. Pero kung isang linggo kayong sasali, kailangan ng konting ensayo.
But since its not really a race, and it does not matter how much time it takes you to finish the course, just try to have fun. For it is really a big party!
Balitaan mo na lang ako kung matuloy kayo. Sinong makapagsasabi, baka magkita pa tayo doon. 🙂
Parang balagtasan ang mga sulat at comment ditto. Matututo akong mag salita at magbasa ng tagalog. Maganda ang iyong picture ditto sa about page mo. Maraming salamat po. Hay naku, napipilipit ang aking daliri sa pagsusulat. 😛
Salamat sa pagdaan at pag-iwan ng bakas. Sana ay mapadalas ang iyong pagdalaw at sana nama’y makapagdulot ng tuwa ang aking munting mga akda.
OMG, I love your blog! Ako’y Pinoy din katulad mo kaso mas komportable akong magsulat sa Inglis kesa Tagalog 🙂 Will be following your posts.:-)
Salamat at ika’y napadaan. Nawa’y nasayahan sa iyong natuklasan. 🙂
hi,… nakatuwa nman ang blog mo…. magstart pa lang ako mag-blog as I browse your site…. glad to see this… 🙂
salamat sa pagdalaw. balik lang ulit.
Ang tindi mo pala!…may mababasa na akong nakaka-aliw! thanks sa pag-like mo, nadiskuber tuloy kita….
Salamat din sa pagdalaw, kabayan.
Congratulations, PINOYTRANSPLANT! 😀
I have nominated your blog for the Wonderful Team Membership Award.
More about this nomination is at
http://jessasmiley.wordpress.com/2014/06/02/wonderful-team-member-readership-award-nominee-with-gratitude-to-my-dear-kitty/
hindi ko po naedit yung pangalan sa itaas sa nauna kong comment, pasensya na >.<
Thank you for the nomination. And congratulations to you for receiving the award as well. Happy blogging! 🙂
party party na ito haha 😀 joke lang po
pero ang galing, nanominate tayog dalawa 😀
Nagagalak ako dahil marami akong nakikilalalng kababayan dito sa WP (kahit virtual lamang). Di ko inakalang may Filipinong gugusto sa mga katha ko. Maraming salamat at nais kong malaman mo na ang mga likha mo ay tunay na nakatutuwa at nakatatawa. i’ll definitely be back for more of your delightful posts, i like your style – playful and light. glad to let you know, am now a follower ;D
Salamat kabayan at iyong naibigan, ang aking likha na nagdulot ng tuwa. 🙂
Ako’y isang blogger na pagala-gala sa kung saan-saan dito sa mundo ng blogging. Noong una akala ko kung anong blog lang ito pero hanep, ibang klase pala. Kasabay noon na hindi mo ginagamitan ng masyadong malalalim na salita ang mga katha mo, mas marami ang makakabas at mae-engganyo na magbasa nito. Nakakatuwang ring isipin sa napakahabang prusisyon ay doktor ka na ngayon. Sana ako rin magtagumpay. 🙂 Kudos to you Doc.
Salamat Crysh sa iyong pagdaan at pag-iwan ng bakas. Kung kayang pangarapin, kayang abutin. Tiayagaan lang.
ahaha, Salamat po. Sisiguraduhin ko na magiging doktora ako balang araw. Konting kembot na lang makakapasa rin ako sa battery exam.
hello PT, akalain mo pati asawa ko tuwang -tuwa sa iyo at sa mga isinusulat mo! galing opisina, ikaw ang pinagkukuwentuhan namin – sana’y ‘di ka nasasamid.
;D
Kaya pala masamid-samid at halos mabulunan pa ako. Salamat sa masigabong pagtangkilik.
pasensya na sa mga samid at bulunan, tagahanga mo kasi kami
;D
Hi! Filipina here! Nakakaaliw naman ang mga post mo dito HAHA dagdagan pa natin ang Filipino species dito sa WordPress! 😀
Salamat sa pagdaan, mabuti at iyong naibigan. Ating lahi ay iwagayway, ipakita ang ating husay.
Helooooo, hope you won’t mind..I nominated you for the Sunshine Awards ehehehehe https://aysabaw.wordpress.com/2015/05/10/sunshine-award/
Thank you for the nomination for the Sunshine Award. I hope my articles brings sunshine and warmth to those who pass by, even when it’s cloudy or even stormy outside. Again, thank you.
Spent a few night drinking with friends on the narrow streets of Sampaloc and watching allot of street basketball matches on the same 🙂 I’ve fond memories of Sampaloc.
I spent most of my early life playing lots of street basketball, and watching guys merrily drink in the narrow streets of Sampaloc. 🙂
You wouldn’t happen to know the Mausisa family would you?
No, I did not have the privilege of knowing them.
Hello!….from pinoy in Muscatine,IA
Kamusta kabayan! Salamat at napadaan ka.
Ang ganda naaaliw ako magbasa ng post mo… Simula sa ara na ito ako ay iyong masugid na taga subaybay. 🙂
Salamat kaibigan, at iyong naibigan. Ang iyong pagsubaybay, sa aki’y ligayang taglay.
Cool description! 👌
Hey, salamat sa pagdaan mo sa blog ko!
Salamat din sa iyong pagdalaw.
Are you a Transplant Doctor? 😀
Yes, I perform brain transplant. Not! 🙂
Paano po kayo nakapunta diyan? Gusto ko na rin mag-abroad e hehe. Nice blog po. Just followed.
Thanks for the follow. I was able to come to America after being accepted for post-grad training. Medyo open pa kasi noon for my line of career. IT may still have some opportunities to go abroad, just keep your eyes and mind open.
Oo nga e sana swertehin
Hi! Parang may nabasa ako sa info mo na ang iyong magulang ay naging kawani ng National Parks Development Committee? Sino kaya siya? 🙂
Tatay ko ay naging Chief Accountant at naging Assistant Director ng NPDC from 1970’s – 1987. Director pa si Valencia noon.
Welcome to Iowa, I have lived here many years, but am retiring else where. I love reading your post. Thank you
I call Iowa my home now. Embracing it, including the frigid weather. 🙂
nakaka- aliw naman! Sobrang creative niyo po 🙂
Salamat sa pagdaan.
Where in Iowa did you land?
Central Iowa – in Metro Des Moines area.