Mula Palayan Hanggang Maisan (From Ricefields to Cornfields)

Posted by

Nagsimula sa isang malawak na palayan sa probinsiya ng Norzagaray, Bulacan. Ay  may isang batang nangarap. Habang ang kanyang pastol na kalabaw ay nagpapahinga sa ilalim ng puno ng kawayan at ang mga magsasaka nama’y abalang nagtatanim ng palay. Duon siya nangarap, na makapag-aral, makapagtapos ng kolehiyo, at tapos ay makipagsapalaran sa Maynila.

Maraming taon ang lumipas….. at ang pangarap niya ay natupad. Ang batang ito, ay ang aking tatay.

Sa isang masikip na kalye ng Sampaloc, Manila. Ay may isang batang nangarap. Habang mga traysikel ay umamarangkada at ang mga tambay ay nag-iinuman duon sa harap ng maliit na tindahan . Dito siya’y nangarap, na makatapos ng pag-aaral, magpakadalubhasa, at pagkatapos  ay marahil makarating sa ibang bansa.

Maraming taon ang lumipas……..ang pangarap niya’y natupad din. Ang batang ito’y walang iba, kundi ako.

Nakarating sa Amerika.  Tumira sa isang magulo at maingay na kalsada ng New York City. Dumudungaw sa bintana, habang umaalingawngaw ang serena ng pulis at ambulansiya, at dumadagundong naman ang nagdaraang subway train (Subway line 7, sa Queens). Sa magulong mundong ito ako’y muling nangarap, na mamuhay at magpalaki ng aking pamilya sa tahimik at mas mapayapang mundo.

Ilang taon ang lumipas…..ang pangarap ko’y muling natupad.

Sa isang matahimik na lugar ng Iowa. Ay may mga batang  nangangarap. Sila’y nakatanaw sa malawak na bukid ng mga mais. Habang ang mga ibong ligaw ay naghaharana, at ang mga tanaw na magsasaka, sakay ng kanilang traktora, ay nag-aani ng mais. Ang mga batang ito, ay ang aking mga anak. Ano naman kaya ang kanilang mga pangarap? Saan naman kaya sila dadalhin ng kanilang mga pangarap?

Alam kong sa paglipas ng maraming taon…….ito ay matutupad rin.

(*all photos from internet)

4 comments

  1. Full circle by the third generation back to green fields, the smell of earth, peace and sky. Yet the third generation are growing up in a better place with more opportunities to look forward to, thanks to the efforts of the first and second generations. 🙂 Give yourself a pat on the back, Amer, and one for your father, in spirit. 🙂

  2. hello, dok,

    from the farm to the big city to a far, even bigger big city to the suburbs – tama ba? 🙂 palagay ko, people will keep on moving until they find the best place to live and to raise their kids … parating maghahanap ng balanse ang tao. hindi lang siguro pare-pareho ang landas na tatahakin at ang tagal ng byahe ng bawat isa. ^^

    perhaps, all of us want to go home to a village. sabi, it takes a city to get acquainted with jungle life and it takes a village to raise a child… parang gano’n ang dinig ko… 😉 regards to you and your family 🙂

  3. How wonderful it is to see and experience such stories, to build and fulfill such dreams, to share and live long enough so that others may know.

    Great post !

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s