Ene Be Yen?

Noong isang araw, ay nakikinig ang aking misis ng instructional video kung paano magsalita ng French. Malay ba namin, baka bukas makalawa ay mapadpad kami sa Quebec o kaya sa Paris para mag-order ng almusal na croissant at café au lait.

Hindi ko alam kung ako lang ba o lahat ng tao na hindi Pranses, pero para sa akin ay napakahirap yatang lenguahe ang French. Parang ngongo na hindi ko maintindihan. Ibang-iba ang pagbigkas kaysa sa pagkakasulat.

Tulad nito:

English: How are you?

French: Comment allez-vous? (Pronounced as: Kumant ale-bu?)

English: Where is the bus station?

French: Où est la gare routière? (Pronounced as: Uh eh lah gah uhutiye?)

Putris na ‘yan, magpapakaligaw-ligaw na lang ako, kesa magtanong kung nasaan ang istasyon ng bus.

Pero masarap pakinggan ang French kahit na hindi ko maintindihan. Alam mo ba na ang French language ay mayroong 17 na patinig (vowels)? Anak ng tinapa!

Pero mas matindi ang Danish language. Sila ay mayroong 32 na vowels. Limang vowels nga lang sa Pilipino ay hirap na tayong magkaintindihan, 17 o 32 pa kaya?

Pasalamat tayo at mas madaling bigkasin ang ating wika, dahil lima lang ang ating patinig, at bawat isa sa ito ay iisa lang ang pagbasa at pagbigkas. Pero siguro kahit pa isa lang ang patinig ng ating wika ay kaya pa rin nating ipahayag ang ating saloobin at magkakaintindihan pa rin tayo. Totoo, kahit isang vowel lang.

Hindi kayo maniwala?

Sege, pepeteneyen ke se enye. Besehen me ete:

Eng beyen keng Pelepenes,

Lepeen neng gente’t beleklek,

Peg-ebeg ne se kenyeng peled,

Neg-eley neng gende’t deleg.

Kete me ne, neeentendehen me pe ren, kehet pereng tenge leng. Enek neng tenepe! Eng geleng geleng, ‘ne. Ene be yen?

Kehet hende ke mekepenewele, pere ngeyen beleb ke ne. Genyen kegeleng eng eteng esep, keyeng ementende kehet ne pereng gege ne eng pegseselete. Mge Pelepene leng keye eng pewedeng mekesekey neng genete? Weleng senebe eng Englesh et French se eteng Peney.

Henggeng dete ne leng et beke meteleyen neng mesere eng etek nenye. Selemet pe.

Mebehey eng Pelepene!

 

 

 

Friday the 13th

Today is Friday the 13th. For superstitious folks out there, please beware!

Many people consider this as the unluckiest day in the calendar. According to an article from National Geographic, the fear surrounding Friday the 13th may be rooted in religious beliefs. It has to do with the 13th guest at the Last Supper, who is Judas, the apostle who betrayed Jesus, who in turn was crucified on a Friday.

The fear for Friday the 13th is so widespread that psychologists even have a term for people who suffers from it: paraskavedekatriaphobia. That’s a mouthful. The irrational fear for the number 13 is called triskaidekaphobia.

Irrational or not, many buildings don’t have a 13th floor. So elevators will go from 12th floor and then skip to 14th floor. In 2002, based on an internal review of records, a report from Otis Elevator Company estimated that 85% of the buildings with Otis brand elevators did not have a floor named the 13th floor.

Most hotels have no room 13. Many hospitals have no room 13. Even our own ICU has no room 13. So you think medical institutions are not superstitious? Though I get it, I think patients or their family will freak out if they learn that they are being admitted to ICU room 13.

Speaking of ICU, I have been the ICU attending for the past couple of weeks now. It has been busy, plus you know that July is when the new residents or physicians-in-training start, so it is an added stressor to me. To destress, I blog.

It is known in the medical world that the rate of medical errors and surgical complications spikes in the month of July. The hospitals even have a name for it: the July effect. This is not due to a mystical phenomenon, but due to a very logical reason stemming from the inexperience of the newbie doctors.

Thus I am supervising and watching my residents like a hawk this time of year. And today, Friday July 13th, I will even be more vigilant.

To end, in connection to mystical events, I would like to share a story that was posted by a batchmate in the group chat:

Murder Mystery at the Makati Medical Center

There was this case in the hospital’s Intensive Care Unit where patients always die in the same bed on Sunday mornings at 11 A.M., regardless of their medical condition. This puzzled the doctors and some even thought that it had something to do with the supernatural or even murder. No one could solve the mystery as to why deaths happen on Sunday at 11 A.M.

Mr. Licauco, Fr. Bulatao and the Ateneo paranormal folks were called. They arrived armed with special photographic equipment, infra-red devices and motion sensitive radar to detect any presence.

So on the next Sunday morning, a few minutes before 11 AM, all the doctors and nurses nervously  waited outside the ward to see for themselves what the mysterious phenomenon was all about. Some were holding wooden crosses, strings of garlic, amulets, prayer books and other holy objects to ward off evil spirits.

Just then, the clock struck 11. And then……..

Mang Joe, the part-time Sunday janitor, entered the ward, unplugged the life support system and plugged in the vacuum cleaner.

Have a happy Friday the 13th folks!

happy-friday-the-13th-1

(*photo from the web)

Basagketbulero 2

Sangayon sa mga balita, kasalukyang iniimbistigahan ng International Basketball Federation ang naganap na insidente sa laro ng Gilas Pilipinas at Australian Boomers. Hindi pa alam kung anong parusa ang ibababa sa mga sangkot sa labu-labong suntukang nangyari sa basketball court.

Inakusahan ni Luc Longley, dating NBA player ng Chicago Bulls at kasalukuyang associate coach ng Australian basketball team, ang head coach ng Pilipinas na si Chot Reyes na ginatungan nito diumano ang kanyang mga players, kaya nauwi sa rumble ang laro.

Dinepensahan naman ng dating coach ng Pilipinas na si Yeng Guiao si coach Chot Reyes. Sabi ni Guiao wala raw kasalanan ang kasalukuyang coach at hindi dapat itong idiin sa mga nakakabahalang pangyayari.

Ganoon pa man, hindi nagustuhan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang naging papel ni coach Reyes sa mga kaganapan. Hindi rin nila nagustuhan ang “performance” ng ating mga manlalaro at ang estado na kulang sa “skills” at “training” ang ating mga basketbulero.

Dahil dito ay tinibag na si Chot Reyes.

Ito na ang kanyang kapalit:

(*Ang balitang ito ay hindi fake news. Totoo, peksman.)

Chilled

Last week, my partners and I went to a fancy restaurant in town. We have a candidate who is applying to join our practice that we interviewed so we took him to a place, a little pricey,  but reputable, especially when it comes to steak and chops. We don’t want to have an applicant think that we are cheap.

I am not really in to steak and chops, but after tasting their food, I would say that this restaurant have a valid reason to claim that their steak is the best in town.

Besides the entrée, some other small things are remarkable. The fresh sea food platter appetizer was nicely presented and decorated in a bucket full of ice. The drinks were cold and chilled. Those were expected, I suppose.

However, when I excuse myself from the group and went to the restroom, I found something else that was “cool.” This one I was not expecting.

IMG_6643

Do you see it? I know their urinals are not really swanky nor high-tech, yet it is classy. Though, I’m pertaining to something else.

IMG_6642

Yes, you got it. Those are ice cubes in the urinals! Why they put ice in there, I have no clue.

IMG_6644

I guess they chill the appetizers, the drinks, and yes, even the pee. Cool!

*******

Post Note:

After searching the web, I found out why restaurants and bars put ice on the urinals. No, it’s not to chill the pee. But ice is a cheaper alternative to the urinal cake. When the ice melts it flushes the urine, so no need of auto-flush. Plus, the restaurants have a lot of supply of ice anyway, and it is easier to toss the used ice, like those in their fresh sea food platter, in the urinal than tossing them outside. And lastly, it gives the men (sorry ladies, you may never understand this) something to aim for when they take a leak.

I really learned something from this post. I hope you did too.

 

Wasak!

Sa isang luxury car show, may mga tao mula sa iba’t ibang lahi ang nagkausap-usap. Habang tinitignan nila ang mga magagarang kotseng naka-display sa show, ay nagsimula silang magbidahan.

Taga-Europa: “Doon sa Europa, ang mga luxury cars, gaya ng Mercedes Benz at BMW ay hindi lang para sa mayayaman. Ordinaryo lang na pinanghaharabas at pinampapasada namin ang mga iyan bilang mga taxi.”

Amerikano: “Naku, walang-wala iyan sa Amerika. Doon sa amin, ang mga mamahaling kotse tulad ng Mercedes, BMW at Corvette, ay binabale-wala at linalaspag lang. Walang patumangga pa naming binabangga at pinapasabog ang mga ito sa mga pelikula.”

Pilipino: “Nakow, taghirap naman pala sa bansa ninyo. Walang panama iyan sa Pilipinas. Doon sa amin, ang mga bagong-bagong luxury cars gaya ng Jaguar, Mercedes, BMW at Corvette ay hindi ginagamit o sinasakyan! Pinayuyupi lang ng aming Presidente para ang bakal ay gawing tansan!”

Wasak!

48EC688E00000578-5357389-image-a-34_1517919085033

(*photo from dailymail.co.uk)

Lalamunang Butas

Bahagi ng pagiging isang masinop na duktor, ay ang pagkuha ng istorya, o aming tinatawag na history, mula sa pasyente. Dahil kalimitan, maaring ma-diagnose o malaman kung ano ang sakit sa pamamagitan lang ng history. Siyempre kailangan pa rin ng physical exam at mga ancillary testing, para makumpleto ang diagnosis. Pero napaka-importante ng history.

Kaya naman kasama sa aming training o pag-aaral bilang duktor, ay ang kung paano kumuha ng tamang history. Katulad nang kung masakit ang tiyan ng pasyente: aming itatanong kung kailan pa nagsimula, o anong oras ng araw lumilitaw ang sakit, anong klase ng sakit, anong maaring nagpapalubha o nagpapaginhawa sa sakit, kung saan mismo ang sakit, o kung ito ay gumagapang sa ibang bahagi ng katawan, kung kumain ba ng panis na pansit, at kung anu-ano pa.

Huwag ninyo sanang isipin na makulit lang ang inyong duktor dahil napakaraming tanong, na pati pagkain ninyo ng pansit ay inuusisa. Ang mga tanong na ito ay kailangan para malaman ang tamang diagnosis.

Oo nga’t mayroong mga pagkakataon na hindi kami makakuha ng tamang kuwento o history mula sa pasyente. Tulad ng mga pasyenteng tuliro o walang malay na dinala sa hospital. Marami kaming ganyang pasyente sa ICU. O kaya naman ay ibang wika o dialect ang kanilang salita, o kaya’y pipi ang pasyente, kaya’t kailangan pa namin ng interpreter.

Mayroon din namang mga pasyente na hindi makapagbigay ng tama o accurate na history, dahil lito sila, o talagang magulo lang silang kausap. Para silang laging lasing. Kaya naguguluhan tuloy pati ang duktor kung ano talaga ang nangyayari.

Saludo ako sa mga Pediatrician, na kayang malaman kung ano ang iniinda ng mga bata o sanggol nilang pasyente, kahit hindi pa ito nagsasalita. Siyempre nakakatulong din ang history na ibinibigay ng magulang ng mga bata.

Mas saludo ako sa mga Veterinarian, kung paano sila kumuha ng history. Siguro ay naiintindihan nila ang bawat kahol, meow, o huni ng kanilang pasyente. Buti na lang at hindi ako pinag-beterenaryo ng nanay ko, at baka kumakahol na rin ako ngayon.

Isang kuwento mula sa matagal na panahon nang nakalipas ang aking isasaysay sa inyo. Ito’y nangyari nang ako’y intern pa sa Pilipinas.  Isang araw ay sabik na sabik na nagkuwento sa amin ang isa naming co-intern, ng kanyang karanasan mula sa hospital ward.

Sabi niya, may pasyente raw siyang may butas sa lalamunan o tracheostomy. Siguro dahil sa cancer sa larynx, pero hindi niya ito sigurado.  Kaya’t kailangan pa rin niyang kunin ang history ng pasyente.

Kung hindi ninyo alam kung paano ang may tracheostomy, sila ay hindi makapagsalita ng maayos,  dahil lumalabas ang hangin sa kanilang tracheostomy at hindi dumadaan sa vocal cord. Minsan, yung mga may tracheostomy, ay wala na ring vocal cord, at tuluyan na silang hindi makapagsalita.

Gayun pa man, desidido pa rin ang aking co-intern na kunin ang history ng kanyang pasyente.

Intern: Kuya, ano po bang dahilan bakit ka pumunta sa ospital?

Pasyente: Heh, hasi hirahp ahoh humingah.

Intern: Ganoon ba? Eh bakit ka nagka-tracheostomy?

Pasyente: Heh hasi, hanito hiyan. Halahas haho hahihahiho. Hayah haghahooh haho hang hanser sa lahlahmunah.

Intern: Teka, teka kuya. Hindi po kita maintindihan.

Luminga-linga ang aking co-intern at nagbakasakali na may kasama o bantay ang kanyang pasyente. Inisip niya, baka makakatulong ito na magbigay ng kuwento.

Sapak naman at naroon sa may pintuan ang isang kabataang lalaki. Tinanong ng intern kung kilala ba niya o siya ba ang bantay ng pasyente.

Tumango naman ang lalaki. Natuwa ang intern.

Tinanong uli ng intern kung alam ng bantay ang kwento ng pasyente. Tumango ulit ang bantay. Lalong natuwa ang intern.

Intern: Ano ba ang nangyari sa kanya?

Bantay: Ngabi ngiya, malangas naw ngiya mangingangiyo, ngaya ngagngaroon ngiya ngang nganser nga lalamungan.

Toink!

Sa kabila nito, nakuha pa rin ng intern ang wastong history. Kinailangan lang ng konting tiyaga at pangunawa.

*********

(*Ang kuwentong ito ay tunay na pangyayari, at hindi ko po intensiyon na laitin ang may mga tracheostomy o cleft palate.)

 

Pahabol na tula:

Mga lalamunang butas,

At ngala-ngalang bukas,

Mga boses na gasgas,

Hirap silang bumigkas.

H’wag batuhin ng pintas,

Bagkus tratuhin ng patas,

‘Pagkat ‘di man sila matatas,

Isip nila’y matalas.

View Through a Battle Shield

I sat quietly surveying my field of vision like a pilot of a battle tank. And I realized that I was looking at a killing field. It mostly happened last night, but it was veiled in the darkness. I had no idea that it was this vicious, until I saw it in the morning light.

In front of my eyes lay several casualties. Perhaps in the hundreds. They were all dead. Crushed and mangled. Their innards scattered on the battle field.

Life is short. I know for them it is shorter. And it just become even shorter. Life can be unfair sometimes.

All they want is freedom. Freedom to live. Freedom to propagate. Freedom to roam on a beautiful warm summer’s night.

But I want my freedom too. And my freedom to roam clashed with theirs.

I don’t like it. Nor did I plan it. It was not my intention to annihilate them. No, not at all! They were just in the wrong place, and in the wrong time. Or was it me that was in the wrong place and in the wrong time?

Dang it! My windshield is splattered with dead bugs again!

IMG_5231

(*photo taken with an iPhone)

Bakit Mahilig ang Pinoy sa Pangalang Makulit?

Kung ikaw ay Pilipino o lumaki ka sa Pilipinas, ay sigurado akong may kakilala kang Bam-Bam, o Bong-Bong, o Che-Che, o Don-Don, o Jun-Jun, o Nene, o Ning-Ning, o Ping-Ping, o Toto. Siguro idagdag mo pa sina Mac-Mac, Mik-Mik, Mimi, Noy-Noy, Jan-JanLan-Lan, Lot-Lot, Jojo, Pen-PenTin-Tin, Ton-Ton, Kaka, RaraNana, Nini, NonoGang-Gang at Ging-Ging. Lahat ng mga pangalang binanggit ko ay mga kakilala ko.

May kilala rin akong Gaga at Gung-gung. Marami sila.

Bakit nga ba tayong mga Pilipino ay mahilig sa mga pangalang inuulit? Siguro ay makulit lang tayo kaya’t gusto natin ng inuulit-ulit. O kaya nama’y sobra lang tayo sa imahinasyon na gumawa ng makwela o mabantot na pangalan? Pero kung tutuusin uso na ang pangalang inuulit panahon pa ni Lapu-Lapu.

Hindi lang pangalan ng tao, kundi kahit mga lugar sa Pilipinas, ay may pangalang inuulit. Gaya ng Taytay, Iloilo, Guagua, Wawa, Tawi-Tawi, Sanga-Sanga, Hinulugang Taktak, at Mount Hibok-Hibok. Ako naman ay lumaki sa may Balik-Balik. Ang kulit ‘no?

DSC_0150

Meron din tayong mga pagkaing Pilipino na binigyan natin ng pangalang inuulit. Tulad ng kare-kare, bilo-bilo, tibok-tibok, pichi-pichi, kwek-kwek at poqui-poqui. Hindi po bastos ‘yung huling putahe, lutong Ilocano po iyon.

Siguro isama na natin pati tawag natin sa mga hayop. Mula sa maliit na kiti-kiti, hanggang sa malaking lumba-lumba. Andiyan din ang paru-paro, gamu-gamo, batu-bato, sapsap, at plapla. Pati nga bulaklak, gaya ng ilang-ilang at waling-waling. Bilib ka na?

At siyempe pa, pati maselang bahagi ng ating katawan, ang tawag natin ay inuulit din. Hindi lang kili-kili ang tinutukoy ko. Pati ti__, pek__, at su__. Awat na?

Aking nabasa na hindi lang daw ang wikang Pilipino ang mahilig sa mga inuulit na salita. Ang ating wika ay nagmula sa pamilya ng Malayo-Polynesian na mga lingwahe. Ang mga wikang ito ay may hilig na magdikit-dikit at magkawing-kawing ng mga kataga upang gumawa ng mga bagong salita. Maraming pagkakataon, inuulit ang unang component ng salita. Kaya siguro may Mahimahi sa Hawaii, at may Bora-Bora sa French Polynesia.

Kaya kung pinangalanan kang Pot-Pot o Keng-Keng, ay sisihin mo na lang ang ating mga sinaunang ninuno at mga tatang. Anak ng teteng talaga!

Kadalasan kapag ang isang salita ay inuulit ay tumitindi ang kahulugan nito. Kumbaga sa Ingles, ito’y nagiging superlative. Tulad ng kapag sinabing ang husay, ibig sabihin ay magaling. Pero kapag sinabing ang husay-husay, ay ibang liga na iyon at maaaring genius na ito. Kapag laksa, nangangahulugan ito’y marami, subalit kapag laksa-laksa, siguradong matatabunan ka na ‘nun. Kapag sinabing ang pangit mo, ay baka nagsasabi lang sila ng totoo. Pero kapag sinabihan kang ang pangit-pangit mo, ay insulto at away na ang hanap nito. Brod, tara sa labas!

Mayroon din tayong mga salita na tuluyang naiiba ang kahulugan kapag inuulit. Tulad ng bola, ito ‘yung isinu-shoot sa goal. Pero kapag bola-bola ito yung tinutusok at sinasawsaw. Baka iba namang tinutusok at sinasawsaw ang nasa isisp mo? Fishball tinutukoy ko ‘Te. Kapag sinabing turo, maaring tungkol sa maestra o sa paaralan. Pero pag-sinabing turo-turo, ay karinderya na ‘yan. Kapag halo lang ay parang walang dating sa akin. Ngunit kapag binanggit mong halo-halo, ay maglalaway na ako, dahil miss na miss ko na ‘yan.

Maari ring inuulit ang isang salita para ibahin ang verb tense ng isang pangungusap. Tulad ng hawak, ginagawang hawak-hawak para maging present participle tense. Kung baga sa Ingles, dinadagdagan ng –inglike hold to holding. Suot ginagawang suot-suot. At ang salitang bitbit, kahit inuulit na ito, pero uulit-ulitin pa rin.

Example: Bitbit-bitbit ni Pepe ang patpat at tingting.

Meron din naman tayong mga salita na kapag hindi inuulit ay walang kahulugan. Gaya ng sinto-sinto na ang ibig sabihin ay baliw. Ano naman ang ibig sabihin ng sinto? Medyo baliw? O kaya’y guni-guni na ibig sabihin ay ilusyon lang. Ano naman ang ibig sabihin ng guni? Kalahating ilusyon lang? O kaya naman ay kuro-kuro, na ibig sabihin ay opinyon. Ano naman ang kuro? Walang opinyon?

May mga salita ding inuulit, na tayo lang mga Pilipino ang tunay na nakakaintindi, dahil kasama na ito sa hibla ng ating kultura. Tulad ng tabo-tabo, pito-pito, tagay-tagay, at ukay-ukay.

Bilang kunklusyon, maaaring sabi-sabi at haka-haka lang ang mga nilahad ko dito. Maari rin itong bunga ng aking pagmumuni-muni o kaya nama’y guni-guni lamang. O siguro ito’y mga kuro-kuro ng isang kukurap-kurap at aantok-antok na pag-iisip. Kaway-kaway na lang kung inyong naibigan. At huwag namang bara-bara at sana’y hinay-hinay lang sa pagtawa, at baka mapagkamalian kayong luko-luko at luka-luka. Salamat po.

(*photo taken in Bagac, Bataan)

 

 

Doctor, Doctor, I am Sick

Sa isang Health Center sa maliit na barrio sa Pilipinas……

Pasyente: Doc, sumasakit po ang mata ko.

Duktor: Paanong sakit?

Pasyente: Para po siyang tinusok.

Duktor: Ah ganoon ba? Kailan pa iyan?

Pasyente: Doc, tuwing umiinom po ako ng maiinit na kape.

Duktor: Eh kapag umiinom ka ng malamig na tubig? Sumasakit din ba ang mata mo?

Pasyente: Hindi naman po.

Duktor: Kapag umiinom ka ng soft drink? O kaya ng beer?

Pasyente: Hindi rin po.

Pinagmasdan ng duktor ang pasyente, at nakitang may parang bugbog sa talukap ng mata ang pasyente.

Duktor: Alam ko na ang sanhi ng pananakit ng mata mo. Madali lang din ang solusyon sa problema mo.

Pasyente: Talaga po? Ano po iyon?

Duktor: Bago mo higupin ang kape mo, ay tanggalin mo muna ang kutsara sa tasa, para hindi matusok ang iyong mata.

********

Susunod na pasyente……

Duktor: Napabalik ka? Mabisa ba yung nireseta kong gamot sa iyo?

Pasyente: Kaya nga po ako bumalik Doc, kasi hindi po magaling iyong gamot na ibinigay ninyo. Para pa ring sinisilaban ang aking tumbong. Masasakit at gabulaklak pa rin po iyong mga almuranas ko.

Duktor: Ginamit mo ba iyong nireseta kong gamot?

Pasyente: Opo. Araw-araw pa nga po, hanggang maubos iyong nireseta ninyo.

Tinignan ng duktor ang kanyang medical chart at sinigurado kung tama ba ang binigay niyang gamot.

Duktor: Sang-ayon sa record ko, niresetahan kita ng Kontra-almuranas na suppository para sa isang lingo.

Pasyente: Oo nga po. Hirap na hirap nga po akong lunukin iyon, at ang sama-sama pa po ng lasa!

*********

Pangatlong pasyente………

Pasyente: Doc, sana po matulungan ninyo ako. Feeling ko po invisible man ako. Kasi wala po sa aking pumapansin, eh.

Duktor: Next patient please!

*********

Sumunod na pasyente………

Tatay: Doc, pakitignan naman po ninyo itong aking anak.

Duktor: Ano bang nangyari sa anak mo?

Tatay: Nalulon po niya yung pang-ahit kong blade.

Duktor: Ha?! Kailan pa?

Tatay: Noon isang linggo po.

Duktor: Bakit ngayon mo lang dinala at ano ang ginawa mo?

Tatay: Eh di ginagamit ko na lang muna na pang-ahit  ‘yung labaha po.

********

Huling pasyente………

Pasyente: Duktor, hindi po ako nireregla.

Duktor: Baka naman buntis ka?

Pasyente: Naku, sana nga magdilang anghel kayo! Pero wala naman pong lalaking pumapatol sa akin kahit anong gawin ko. Kaya sigurado po akong hindi ako buntis.

Duktor: Teka, kailan ka pa ba hindi nireregla?

Pasyente: Mula’t sapul po hindi ako dinadatnan ng pagreregla.

Mataimtim na kinilatis ng duktor ang pasyente.

Duktor: Hija, masakit ko mang sabihin sa iyo, pero hindi ka talaga magkakaregla.

Pasyente: Bakit po?

Duktor: Eh kasi lalaki ka.

********

(Ang mga kuwentong ito ay hatid sa inyo ng kabag…… sa utak. Pasensiya na po’t kailangang kong ilabas.)

Hagibis

Ako’y tumakbo kaninang umaga,

Sa amin dito sa Iowa,

Habang humahangos sa daan,

Ay aking pinakikinggan,

Maiingay na halakhak,

Ng mga ibong taratitat,

At sa aking paghingal,

Aking namang nalalanghap,

Ang mabangong halimuyak,

Ng mga bulaklak ng lilac.

Pero miss na miss ko na,

Mag-jogging sa Maynila,

Kung saan naghaharana,

Mga traysikel na umaarangkada,

At aking muling masasanghap,

Usok ng tambutsong kay sarap,

At takbo ko’y lalong bumibilis,

Parang anak ni Hagibis,

Dahil ako’y hinahabol,

Ng mga asong nauulol.

(*Hagibis means speed in Tagalog, it is also a Filipino comics hero, and the name of an all-male pop group.)