Don’t Take Your Valuables

Last summer, we took a long road trip that took us from the cornfields of Iowa, to the mountainous wilderness of Montana, and to the concrete jungle of Los Angeles California. As we were pulling up into a parking lot in Los Angeles, we saw this sign that said, “Please take your valuables with you.”

I think that is a fair warning, as they don’t want you to lose something that is important. Or perhaps they just don’t want to take responsibility of any theft that will happen. Or perhaps they don’t want you to tempt others of bad thoughts by displaying something valuable, or something that they would think is valuable, inside your vehicle.

I don’t think this warning applies in Los Angeles only, as it is true in many parts of America and the rest of the world.

I remember when we were still living in New York City, somebody tried to break in into our parked car, and in the process broke the door lock of our car. And there’s really nothing of value inside, except maybe the car itself. They took my tire hub caps and antenna instead. Then we had some friends whose car windows were shattered just to get some change of coins and some barely valuable things inside their car. Maybe the thief needed coins so badly for a cup of coffee or for a ride on the subway.

Same in the Philippines. When I was still living in Manila, there’s an instance that me and my dad witnessed a car theft while we were parked near Binondo. It happened in a blitz, and they acted so smoothly that we think these guys were “professionals.” Bad use of their skills and talents, I guess. With dexterity and quickness like that, they could be show-time magicians. On second thought, they were already magicians, making things disappear!

Back to the parking lot in Los Angeles, we kind of chuckled when we read the sign. Not because it was funny nor it was an unreasonable or unusual sign. To us it was just interesting that few days before that, when we were in a national park in Montana, we read several signs that contain a completely different warning.

The warning sign when we were in the wilderness of Montana states, “Please take your trash with you.”

img_3079

It was just sensible that they don’t want you to litter in such a pristine place. Plus the wild creatures, like bears, can get attracted to your trash and rummage through them. This may endanger their well-being. More so, your well-being and your life may get endangered as well, if the bear cannot find what it’s looking for (a jar of honey?) and is not happy with your trash and attacks you.

It was a totally different perspective. In one, “take your valuables with you.” In the other, “take your trash with you.”

Yes, there are places in this world that they don’t care about your valuables. It does not matter whether you’re lugging a Louis Vuitton bag or a DSLR camera with an ultra zoom lens. Just don’t leave your trash too!

This made me think, in this life, there are things that we consider our valuables. Like our fancy jewelries, our expensive toys like our cars and gizmos, our pricey wardrobes, our houses and estates, our bank accounts, and other worldly treasures. And it’s not only that there are places that they will not matter, but there will come a time as well, that all of these will be deemed worthless. Rubbish. Garbage. Trash. For you cannot take them forever with you.

I do hope that we discern what really are the important things in this life. The “valuables” that no thief nor anybody can take from you.

(*photo taken last summer in Montana)

 

Weekly Photo Challenge: Atop

Me atop of the world.


Standing at 1450 feet tall, the Willis Tower, or previously known as Sears Tower, is the highest building and the most prominent structure in the Chicago skyline.


It was the tallest building in the world from 1973 – 1998, until it was surpassed by Petronas Twin Towers in Malaysia. (The reigning tallest building in the world since 2008 is the Burj Khalifa in Dubai.)

The view from Willis Tower Skydeck is breathtaking. Though it is an expensive elevator ride ($23) to get to the viewing area. I wonder if you get a bargain price if you climb the stairs to the Skydeck, which is a mere 103 floors.


(*Photos taken during our recent trip to Chicago.)

Ang Aking Bakyang Tsinelas

Noong makalawang araw ay napansin ng aking misis ang aking pambahay na tsinelas. Pudpod at gulagulanit na raw ito. Oo nga naman, mahigit sampung taon ko na ring gamit gamit ito. Naghihingalo at nagmamakaawa na ang aking tsinelas. Humihingi na ito ng kapalit.

Marami akong naging tsinelas mula nang ako’y bata pa. Aaminin ko nagsuot ako ng bakya noong  nasa Pilipinas pa ako. Pero bago ko sabihin kung bakit ako nagsuot ng bakya, ay talakayin muna natin ang tungkol sa tsinelas.

Tayong mga Pilipino ay may magiliw na relasyon sa ating mga tsinelas. Marami tayong klase ng tsinelas na iba’t ibang uri at yari. May goma, abaka, alpombra, balat (leather), kahoy (gaya ng bakya), plastic at iba’t iba pa.

Kung ikaw ay dadalaw sa isang bahay sa Pilipinas, ang unang bubungad sa iyo ay ang mga iba’t ibang kulay ng tsinelas na nagkalat sa may pintuan ng bahay. Kung ikaw ay bisita, kapag hinubad mo ang iyong sapatos pagpasok sa bahay, ay maaring alukin ka rin ng tsinelas na pambahay para iyong isuot.

slippers

photo from jllanderal.wordpress.com

Dahil na rin siguro sa ating maiinit na klima, kaya tsinelas lang ang ating parating gamit. Kung mamamalengke, o mamamasyal, pupunta ng mall o bangko, tsinelas lang ang suot ay sapat na. Marami ngang mga manggagawa ang nakatsinelas lang sa kanilang trabaho. Siyempre pagpupunta sa beach, ay tamang-tama ang tsinelas. Kung hindi naman beach, at sa baha ka lang lulusong, ay okay pa rin ang tsinelas.

Hindi ko sigurado kung sinong unang nag-imbento ng tsinelas. Maraming prueba na kahit noong maagang sibilisasyon ay may gamit ng saplot sa paa ang tao. Ito ay yari sa dahon, o hibla ng halaman, o kaya ay balat ng hayop. Ang ancient Egyptians ay nagsusuot na ng tsinelas na tulad ng modern-day flip-flops mula pa 1500 B.C. Ang mga sundalong Romano naman ay may sandalyas na may tali hanggang binti, na ang tawag ay caliga.

Sa kasaysayan rin ng China ay matagal nang gamit ang tsinelas. Sila rin yung nagpauso na ginagapos ang paa ng mga batang babae para manatiling maliit ang kanilang mga paa. Maganda raw sa panahon na iyon ang maliit ang paa. Yung kapitbahay namin sa Maynila na Instik, ang kanilang lola ay maliliit ang paa, dahil siguro sa pagsusuot ng bakal na tsinelas.

Ang salitang tsinelas ay galing sa salitang Kastila na “chinela” na nangangahulugang slipper or sandal. Panahon pa ng Kastila ay usong-uso na ang tsinelas sa Pilipinas.

Kahit si  Jose Rizal ay may kwento tungkol sa tsinelas. Isang araw nang bata pa raw si Rizal, siya at ang kanyang kuya ay sumakay sa bangka. Habang sila’y nasa bangka, nahulog ang isang tsinelas ni Rizal sa ilog, at ito’y inanod papalayo. Nang malaman niya na hindi na niya ito makukuhang muli, ay itinapon na rin niya ang natitirang pares sa ilog. Paliwanag niya sa kanyang kuya, dahil hindi na niya magagamit kung isang pares lang, subalit baka sakaling may makapulot ng dalawang pares ng kanyang tsinelas, at ito’y mapakinabangan muli. Bayani talagang mag-isip si Rizal.

Dahil sa papularidad ng tsinelas sa ating bansa, may mga bayan na may piyesta ng tsinelas. Sa Liliw Laguna, tuwing Abril ay may “Gat Tayaw Tsinelas Festival,” at sa Gapan Nueva Ecija naman, tuwing Agosto ay mayroon din silang Tsinelas Festival. Sa mga piyestang ito kanilang ipinagbubunyi ang mga lokal na yaring tsinelas, at dito rin makikitang pumaparada ang mga higanteng tsinelas.

9ed95689e383d2cc85db4bee278dc465

Tsinelas Festival, Liliw Laguna (photo from yahstar.com)

Noong ako’y bata pa, kahit nasa loob lang ng bahay ay naka-tsinelas kami, na kadalasan ito ay yari sa alpombra. Taga-Marikina ang ninang ng aking ate, kaya kung Pasko o kapag dumadalaw siya sa amin, lagi itong may regalong tsinelas na yaring Marikina para sa aming magkakapatid.

Noong nasa elementarya kami ay may naging project kami na gumawa ng pambahay na tsinelas. Ito ay yari sa lubid ng abaka na idinikit namin sa cardboard na hugis ng aming paa. Ilang araw ko lang ito nagamit dahil ito’y bumigay kaagad. Hindi kasi pulido ang aking pagkakagawa. Kaya siguro hindi ako naging sapatero.

Paglalabas naman ng bahay, ay rubber na tsinelas ang aking ginagamit. Kahit nagbabasketball ako sa kalsada, ay nakatsinelas lang ako. Napakarami kong tsinelas na napudpod, napigtal, o nasira sa pagbabasketball. Nasubukan mo bang lagyan ng perdible (safety pin) o alambre yung napigtas mong tsinelas? Gawain ko iyon noon.

Isa sa gusto kong tsinelas noon ay Spartan, dahil sa tingin ko ay medyo matibay ito. Sabi nga ng kanilang commercial, “Nasaan ang tibay mo?” Ang ibang mga brand noon ay  Bantex, Beach Walk at Islander. Mayroon ding Rambo na brand, na nauso noong naging sikat ang pelikulang Rambo. Hindi ko lang alam bakit ito ang pangalan, dahil naka-combat boots naman si Rambo at hindi nakatsinelas.

Gamit ko rin ang aking tsinelas sa paglalaro ng tumbang preso. Ito yung laro kung saan pinupukol mo ang lata ng iyong tsinelas. Ilang mga bata kaya ang nawala ang tsinelas sa paglalaro ng tumbang preso? Naglalaro din ako ng sipa (tingga at balot ng kendi) kahit nakatsinelas. Pipihitin ko lang sa may sakong ang aking tsinelas, ay sapak na sapak nang maglaro ng sipa.

Maniwala ka man o hindi, ang aking tsinelas ay akin ding naging sandata. Hindi sumasabog ang aking tsinelas at wala rin itong patalim na gaya ng sapatos ng kalaban ni James Bond. Hindi ko sa kaaway ginagamit ang tsinelas. Ang tisnelas ay sandata ko laban sa mga tinginingining na mga ipis! Aking aapakan o hahambalusin ang mga gumagapang na ipis, o kaya naman ay babalibagin kung sila ay air-borne.

Ang nanay ko naman, gamit din ang tsinelas (see previous post) para pamalo sa amin, kapag kami ay makukulit. Buti na lang nga at tsinelas na pambahay lang ang gamit niya, at hindi yung palu-palo sa paglalaba.

Ang dami talagang silbi ng tsinelas para sa ating mga Pilipino. Pero kung minsan, ang antas ng ating buhay ay hinuhusgahan sa ating suot na tsinelas. Maaring nakatsinelas nga pero Havaianas o kaya’y Birkenstock ang tsinelas. Sosyal! Kaya naman ‘di magkaugaga natin silang pagsilbihan at bigyan pansin. O baka dahil mumurahin lang o kaya nama’y gusgusin at sira-sira ang suot na tsinelas, kaya’t binabalewala lang natin sila, o tingin natin sa kanila ay bakya. Hindi ‘yung sinusuot, kundi bakya na ibig sabihin ay low-class o cheap.

spartan

Sana naman ang pagtingin natin sa tao ay pantay-pantay. Sosyal man ang tsinelas o bakya. May tsinelas man o wala. Sa paningin ng langit, tayong lahat ay pare-parehong nakayapak at walang dapat ipagyabang.

Mabalik tayo sa aking bakya. Oo, gumagamit ako ng bakya noon. Hindi ko ito suot papuntang palengke o kapag lumalabas. Hindi ko rin ito ginamit pangbasketball. Pero kung maapakan ka ng bakya kung nagbababaskeball? Siguradong patay. Patay ang kuko!

Ang gamit kong bakya noon ay sa loob lang ng aming bahay. Sirit na?

Tulad ng mga banyo sa Pilipinas, ang aming banyo’y laging basa ang sahig. Dahil ayaw naming magputik ang sahig, at dahil ayaw ring mabasa ang paa, kaya’t may bakya kami sa banyo, na para sa loob ng banyo lang. Aminado ako, ginagamit ko ang bakyang ito kapag ako’y gumagamit ng banyo.

Akala ninyo si Neneng lang ang nagbabakya?

(*comic strip is from Pugad Baboy)

Weight on My Shoulder

Ever since I have chosen this career, I have this feeling of weight on my shoulder every time I am at work. There’s always something around my neck.

It’s not that I feel like Atlas, the Titan in Greek mythology who was condemned to hold up the sky for eternity. No, nothing like carrying the world on my shoulder.

I know this profession can be stressful. And in fact it is always in the top 10 of most stressful jobs in the world. Though it may not be as much stress as police officers, fire fighters, and enlisted military personnel.

On the other hand, at least our profession is handsomely compensated. I agree though that the salary for police officers, fire fighters and the military should be increased, for the services they provide and the risks they take just to perform their duties.

But this weight on my shoulder and this feeling of something hanging around my neck could be a badge of pride as well. A symbol of our profession if you will.

Come to think of it, there may be other ways to bear this, but this is the easiest way to carry this load. That is around our neck. Thus I would always carry this weight on my shoulder, perhaps until I change career or until I retire.

Like what the Beatles’ song say:

Boy, you gotta carry that weight,
Carry that weight a long time,
Boy, you gonna carry that weight,
Carry that weight a long time.

If you’re wondering what is this weight on my shoulder?

I am just pertaining to the stethoscope that I always carry around my neck when I am working.

Were you thinking of the load of responsibility that we are burdened with? Well, that too. Especially when we’re in charge of the ICU.

By the way a stethoscope only weighs 6 ounces, which is not even half a pound. Unlike the taho vendor in the Philippines who has to carry that enormous weight on their shoulders as they go through streets after streets, just to make a living.

I really have nothing to complain about.

 

Pampalaglag

A post-Valentine’s story……

Sa isang maliit na barrio sa Pilipinas, isang babae ang nagpatingin sa duktor. Siya ay desperada.

“Doc, sana po ay matulungan ninyo ako. Wala po akong ibang mapupuntahan. Gusto ko pong magpalaglag,” ang halos na umiiyak na sambit ng babae.

Tinanong ng duktor ng ilang mga katanungan ang pasyente.

“Hija, ano ba ang iyong nararamdaman?”

“Kasi po lumalaki na ang aking tiyan, at para po itong laging humihilab,” sabi ng babae, “at lumalakas din po akong kumain.”

“May asawa ka ba,” ang tanong muli ng duktor.

“Wala po, pero mayroon po akong nobyo,” ang sagot ng babae.

“Anong sabi ng iyong nobyo tungkol sa problema mo,” and uling usisa ng butihing duktor.

“Hindi raw po muna siya makikipagkita sa akin, hangga’t hindi ko po raw nalulunasan ang problemang ito,” ang malungkot na dagdag ng babae.

“Ano naman ang payo ng iyong mga magulang,” ang tanong pa ng duktor.

“Ayaw ko pong malaman nila, at baka hindi po nila ako matanggap,” ang mahinang sagot ng kaawa-awang babae.

Marami pang naging tanong ang magaling na duktor, at sinagot naman ng babae ang lahat ng mga ito sa abot ng kanyang makakaya.

Matapos makuha ng duktor ang buong kuwento, ay kanya nang in-eksameng mabuti ang pasyente. Naging detalye at masinop ang duktor sa kanyang eksaminasyon.

Sumulat na ng reseta ang duktor at ito’y inabot sa kanyang pasyente.

“Hija, ito na ang mabisang gamot para sa iyo. Inumin mo ito ngayong gabi at bukas na bukas din, sigurado akong mawawala na ang iyong problema,” ang kumpidanteng sabi ng mabuting duktor.

Dali-daling nagtungo sa botika ang babae at binili ang niresetang gamot ng duktor.

Nang kinagabihan na, ay ininom ng babae ang resetang gamot sa kanya. Tatalab kaya ito? Malulunasan kaya ang kanyang problema? Ano kaya ang sasabihin ng kanyang mga magulang? Ano kaya ang magiging opinyon ng mga ibang tao? Makikipagbalikan na kaya sa kanya ang kanyang boyfriend?

Nang kinaumagahan na ay nakaramdam ng matinding sakit ng tiyan ang babae. Parang umiikot at gumigiling ang nasa sa loob na kanyang dala-dala. Butil-butil ang kanyang pawis at para baga siyang nanglalamig. Pakiramdam niya ay para siyang nakakain ng panis na pansit at kailangan niyang ilabas ang sama ng loob. Hindi na niya mapigilan.

Mabilis siyang tumakbo sa banyo. At sa kanyang pag-upo ay biglang lumuwal ang isang malaking kulapol ng patay na………..

Bulate!

Ang niresetang gamot? Combantrin.

(*Ang kathang isip na kwentong ito ay sanhi ng aking pagkalipas gutom.)

 

 

Short Time sa Sogo

(Ang sumusunod na artikulo ay rated PG-13.)

May mga establisimyento sa Pilipinas na hindi maganda at medyo makulimlim ang kanilang reputasyon. Makatarungan man o hindi, ay atin silang tinatagurian na hindi dapat puntahan ng mga taong may dangal. Kasama dito ang mga sauna, massage parlor, at motel. Ating iniisip na may mga nangyayaring “kababalaghan” sa mga establisimyentong ito.

Pero kung tutuusin ay mararangal naman ang mga ito. Dito sa Amerika, ay walang malisyang iniisip kung ikaw ay pupunta sa sauna o sa massage parlor. Sa Pilipinas lang kaya may mga extracurricular at happy ending na mga pangyayaring nagaganap sa mga lugar na ito?

Ang motel naman ay galing sa katagang “motorist hotel.” Ibig sabihin ito ay para sa mga manlalakbay. Muli, sa ibang bansa tulad ng Amerika, walang konotasyong masama kung ikaw ay matutulog sa motel. Ngunit sa ating bansa, ito ay kilala para sa “short time” lang. Tinatawag din natin itong “biglang-liko” sabay “biglang-yuko.” Dahil ba para sa mga naglalaro ng apoy lang ang lugar na ito, at tagpuan lang ba ito ng mga bawal na pag-ibig?

Lahat ba ng tao na pumupunta sa sauna, o massage parlor, o sa motel, ay may kabulastugang ginagawa?

Ako’y magkukumpisal: ako ay nag-short time sa Sogo. Oo, ‘yung kinikilalang “lover’s hotel” na hindi mo dapat puntahan, kaya No Go.

Pero bago ninyo ako husgahan, ay inyo munang pakinggan ang aking kuwento.

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas nang ako’y biglaang umuwi ng Pilipinas, dahil malubha ang kalagayan ng aking ina. Siya ay naratay sa ospital ng UERM sa may Aurora Boulevard. Doon namin napag-alaman na kumalat na ang kanser sa kanyang boong katawan. Iyon na ring uwi kong iyon ang huli naming pagkikita ng aking ina.

Pangatlong araw matapos kong lumapag sa Pilipinas, at matapos kong lumagi sa UERM para bantayan ang aking nanay, ay sumaglit ako sa SM City Santa Mesa na katabi lang ng ospital, para mananghalian. Solo flight lang akong lumabas. Matapos kong kumain, ay bigla akong inatake ng napakatinding antok. Wala naman sigurong pampatulog ‘yung Jollibee na kinain ko. Marahil na rin sa aking pagod sa paglalakbay, pagod at puyat sa pag-aasikaso sa aking nanay, at grabeng jet-lag, ay hindi ko nakayanang labanan ang sobrang antok.

Aking inisip na kung babalik ako sa UERM, ay wala akong tutulugan doon. Kung ako’y maglalakbay patungo sa tirahan ng aking kapatid sa Quezon City kahit pa malapit lamang ito, ay baka hindi ako umabot at ako’y makatulog sa daan. At kahit pa sabi ng aking tita na malugod akong inaanyayahan na tumambay sa kanila sa may Pasig, ay lalong hindi ako aabot doon, at baka sa LRT pa lang ay mawalan na ako ng malay, dahil nahihilo na ako sa sobrang antok. Kung puwede nga lang humilata sa mga binibentang mattresses doon sa mall ay ginawa ko na.

Dito ko nakita ang Hotel Sogo na kadikit lang ng SM City Santa Mesa. Alam ko ring maraming mga motel (biglang-liko?) na malapit sa Santa Mesa, pero hindi ko na kailangan pang lumayo, dahil kaharap ko na mismo ang Sogo.

Hindi ko inalintana kung ano man ang persepsyon ng mga Pinoy sa lugar na ito at kung ano pa man ang sasabihin ng iba. Unang-una, wala naman akong tinatago. Isa pa, wala rin namang nakakakilala sa akin doon. Kaya’t binaybay ko na ang daan patungong Sogo.

Sa aking pagpasok at paglapit sa front desk, ay tinanong ako ng receptionist kung anong klaseng kwarto ang gusto ko, at kung gaano katagal ako lalagi doon. Dahil ang nais ko lang ay matulog ng ilang oras, kaya’t short time lang ang aking pinili, at basta ba may kama sa kuwarto ay sapat na sa akin. Hindi ko kailangan ng jacuzzi, o complimentary champagne, o ng disco ball, o ano pa mang romantic amenities.

Hindi ako tinanong ng receptionist kung may kasama ba ako. Siguro alam na nilang maraming nagche-check-in sa hotel ang hindi magkasabay kunwari sa pagdating, para hindi mahalata kung mayroon man silang tinatago. Siguro mayroon din silang “no questions asked” na policy para sa privacy ng kanilang mga customers.

Ako’y pumanhik sa silid na ibinigay sa akin. Maliit lamang ito, at kasya lang ang isang kama. Mala-bartolina ito dahil wala itong bintana. Mayroon naman itong gumaganang aircon at mayroon din itong TV, pero hindi ko na tinangkang buksan ang TV dahil wala naman akong balak manood. May maliit na banyo rin itong kasama na may shower. Malinis din naman ang silid, at tulad ng slogan nila, “so clean, so good.” (Wala po akong komisyon galing sa Sogo.)

Sa aking pagbulagta sa kama, ay tinakasan na ako ng aking ulirat. Nahulog na ako sa napakahimbing na pagtulog, at wala na akong namalayan pa sa aking kapaligiran. Para akong na-knock-out ni Pacquiao. Kung may mga kakaibang kaluskos, indayog, ungol, hikbi, sigaw o ano pa mang mga kababalaghan sa mga katabing kuwarto ay wala na akong alam.

Matapos ang tatlo o apat na oras ng malalim na pagtulog ay ako’y muling nagkamalay. Namalikmata ako sa aking pag-gising. Mga ilang sandali rin ang lumipas bago ako natauhan kung saang lugar ako naroroon.

Naninimbang akong lumakad na parang lasing patungo sa banyo. Matapos ang malamig na shower ay tuluyan na akong nagising.

Aking kinulekta ang aking gamit, at nanaog na sa lobby ng hotel. Aking sinauli ang susi ng kuwarto sa receptionist. Maaring nagtatanong ang tingin nito kung sino at nasaan ang aking kasama, o kalaguyo, o kulasisi. Wala akong imik na lumabas ng hotel, at hinayaan ko na lang ang mga matang nakamasid na humabi ng mga kwentong mula sa kanilang malikot na pag-iisip.

So long, farewell, and so I go, Sogo.

sm-centerpoint-sta-mesa

SM City Sta. Mesa and Hotel Sogo (next building)

(*photo from the web)

 

False Promise of Spring

Even though winter here in the northern hemisphere has officially more than a month to go, here in Iowa, we are getting a break from the cold. In fact it was so warm this weekend that people went out without the need of a jacket. And some even wore shorts.

Yesterday I saw flocks of geese in their majestic V-formation flying northward, which means they are coming back home. I saw children playing  at the park. And even the bikers were out cruising down the road. These are definitely not a February scene. Not in Iowa anyway.

February here is usually one of our coldest months, with the average temperature of 20-30’s Fahrenheit, and can even dipped down to the single digits or even below zero degree Fahrenheit.  We should still be subfreezing at this time and we should still be buried in snow. Yet the pile of snow at the side of our driveway from last week’s snow storm, have all melted away. We are experiencing close to summer-like temperature today.

I should not be complaining, right?

But I know that this warm respite is not going to last that long. Sooner or later, the cold wind will be back, and we’ll be facing the freezing reality again. For the record, there’s a forecast of snowstorm with possibility of several inches of snow accumulation, by the end of this week.

I too joined the multitudes of people who took advantage of this beautiful not-like-winter weather. I went out to run this morning. As I looked around, I could already see some buds coming out from the bare branches of the trees.

However I feel for the trees and plants who may be getting a little confused. Due to the out-of-season weather, the hibernating buds and flowers may be awakened too early by this warm temperature, thinking that it is already spring.

I know few years ago the same thing happened. Too early in the season, it became unseasonable warm. The buds and blossoms sprouted. Only to be frozen and coated with ice, as the cold snap came back. It killed them. That year we did not have much flowers, and in fact there were no cherry blossoms when the real spring came.

img_3863

branches coated with ice

That’s what I’m afraid would happen again. A false hope of spring. A promise of warmth that it cannot keep.

I know some of us have experienced those untruthful promises before. Some of us have been given false hope. In my native language we even have a term for that, “pinaasa lang.” 

Those empty promises and false hopes killed our buds. It crushed our expectations. But you know what? For the time being, we may have lost our flowers and our trust for humanity. But we learned our lessons. We may have become cynical, but it made us strong. Life continued, and in due time we blossomed once again.

As you might surmised, I am not just talking about the seasons here.

So I am watching this weather with a guarded hope for spring. I wish the plants and the trees are too. I’m definitely not putting away my winter coat yet.

(*photo taken after an ice storm few weeks ago)

I’m Fine Thank You

As I did not grow-up here and I came from a different culture, there is one question that I still don’t know how to answer truthfully even after two decades of being in the US.  I am being asked this question several times a day too. I don’t think many people answer this question right as well. And it is a question that we may be asking people to lie.

You might be thinking it must be some kind of a difficult question or a complicated one. What is the question?

The question is the run-of-the-mill, perfunctory “How are you?”

Yes, we are being asked “How are you” several times a day. When we walk down the street, or down the hallway, or as we enter our workplace, or just about anywhere, people greet us with “How are you?”

I know most of the times we ask this question just to be polite. I know as well that there’s some variances in the question in some parts of the country, like “how ‘s it going” or “what’s up” or “howdy” or “hey’all.”

When I was still living in New York City, I don’t think people ask “how are you” that often, or greet that much for that matter. Or perhaps they just mind their own business. I would admit though that since I moved to the Midwest, I am being asked this question more everyday, even by people who I don’t know.

So how do you answer this question?

Do you answer also with the perfunctory “good” or “fine?” Or maybe you are really doing well so you can answer “great!” Or do you give a more honest answer, like “not good” if you’re really not feeling fine. But I don’t think people are expecting an answer different from “I’m good.” Besides we don’t want to burden other people of our own problems, right?

What would happen if a person whom you barely know, would answer you “I feel awful,” or “I feel bad.” You may think they are whiny or a grouch. But you asked them “how are you,” and they just gave you a truthful answer. Perhaps if you really don’t want to know, then don’t ask.

This is the reason, I really don’t ask this perfunctory question that much. If I want to greet someone, or be polite, or exchange pleasantries, I greet them with “good morning,” or “good afternoon,” or “good evening.” Though I may be lying with that greeting too, as it may not be really a “good” morning or evening. But at least I’m not forcing anybody to say “I’m good” when they may not be feeling good.

However due to my work, I still ask this question every day. But when I ask this question to my patients, especially in the hospital, I expect them to give me an honest answer. In fact I would be surprise if they say “I’m fine.” For if they are fine, they would not be seeing a doctor in the hospital in the first place.

So I can truthfully say that when I asked this question, I really meant to know how you are doing.

Or perhaps I am just so cynical, thinking people ask “how are you” or “how do you do” without really meaning it. Maybe they really do care to know how you feel.

In the song “What a Wonderful World” by Louis Armstrong, it says:

The colors of the rainbow so pretty in the sky,
Are also on the faces of people going by,
I see friends shaking hands saying, “How do you do?”
But they’re really saying, “I love you.”…….

And I think to myself, what a wonderful world.

Maybe I got it all wrong. And maybe this is really a wonderful world.