Nuong pasko, nang kami ay nasa Pilipinas ay niregaluhan ng kapatid ko ang aking anak ng turumpo na kumakanta at umiilaw. Nakakaaliw.
Naalala ko tuloy yung aking turumpo nang ako’y bata pa. Gawa ito sa binilog na kahoy, na may pako na nakabaon sa gitna. Ipupulupot ko yung tali, na may tansan sa dulo, sa aking turumpo, at saka ibababato ito sa lupa. Iikot na ito. Kahit hindi ito humuhuni o umiilaw, nailalaban ko naman ito ng batbatan sa mga ibang batang may turumpo. Nakakaaliw (kahit puro konyat na ang aking turumpo).
(Tanong)
Sino ang gumagamit ng ultraelectromagnetic top bilang armas sa pakikibaka sa mga kalaban?
A. Mazinger Z
B. Voltes V
C. Daimos
D. Darna
Voltes V! It came out of his chest. Do I get a prize for giving the correct answer? 🙂
Hahanapin ko pa yung turumpo ko. Yung tansan na lang yata sa lubid ang na-itago ko. OK na ba yon as prize?
Si Vilma Santos yata, di ba kasi si Darna sya! Sino nga ba?