Hugot Lines sa Jeepney

Posted by

Kung minsan ay may mandurukot sa loob ng jeepney. Mag-ingat po tayo sa kanila. Pero hindi po ‘yung mga nandudukot ang tema ko ngayon, kundi ‘yung mga humuhugot kahit na sa jeepney. Unawain na lang po natin sila.

Kung hindi ninyo maibigan, ay ipagpaumanhin na lang po sana. Wala na lang pong kokontra.

Hugot #1

Driver: Heto po ‘yung sukli nung isang Quiapo.

Pasahero: Hindi na bale mama, nasanay na po akong hindi nasusuklian.

Hugot #2

Driver: Pakiabot na nga lang po.

Pasahero: Matagal ko nang pinapaabot kuya, pero dedma pa rin. Wala pa rin marating.

Hugot #3

Driver: Saan po itong bente pesos?

Pasahero: Diyan po sa may PAG-ASA. Kahit wala naman talaga.

Hugot #4

Driver: Saan po papunta itong bente?

Pasahero: Isa pong pa Balik-Balik. Walang ngang kadala-dala eh. Hindi pa rin natututo.

Hugot #5

Pasahero: Manong, kulang po yung ibinigay ninyong sukli.

Driver: Kulang? Lagi na lang akong kulang! Kailan ba makokontento?

Hugot #6

Driver: Ilan po itong isang daan?

Pasahero: Isa na lang po. Dalawa po sana, pero iniwan na niya ako.

Hugot #7

Driver: Bawal po ang sabit.

Pasahero: Alam ko namang sabit lang ako eh. Hindi ko lang talagang kayang bumitaw.

Hugot #8

Driver: Saan po itong singkwenta?

Pasahero: Diyan po sa Monumento. Pero pwede rin sa Luneta. Lagi na lang kasi akong nagpapakabayani. Pwede na akong tayuan ng Monumento.

Hugot #9

Pasahero: Para na po mama.

Driver: Sandali lang po, itatabi ko lang kayo.

Pasahero: Ganyan naman talaga kuya, lagi na lang ako sa tabi.

Hugot #10

Driver: Paki-usog na lang po diyan sa kaliwa, kasya pa isa diyan.

Pasahero: Hindi bale na lang po. Kahit pagsisiksikan ko ang sarili ko, wala pa rin akong puwang sa kanya.

Hugot #11

Driver: (*nagtatawag ng pasahero habang nakaparada ang jeep) Antipolo, Antipolo, Taytay, Antipolo!

Pasahero: Kuya, male-leyt na ako. Pwedeng tayo na?

Driver: Tayo na, Miss? Sige, sabi mo eh.

Matapos ang ilang minuto lang……..

Pasahero: Para na. Dito na lang ako.

Driver: Hanggang dito na lang? Pero salamat pa rin, dahil kahit sandali ay naging tayo.

Hugot #12

Driver: (*sa pasaherong sumasakay) Konting bilis at kapit na lamang po. Lalarga na tayo.

Pasahero: Ang higpit na nga po ng kapit ko. Pero lagi pa rin akong laglag, kuya.

Hanggang dito na lang po, boundery na. Magkakarga lang po ng krudo….este, kape. Sige, laglagan na.

photo from here

(*blaming my jet-lag for this transient craziness)

6 comments

  1. Kapag narinig ko ‘yung Hugot#1 from kapwa pasahero, siguro mapapa-facepalm ako tapos ako nalang ‘yung kukuha nung sukli n’ya. Hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s