Sigaw ng Gabi

Posted by

Malamlam ang bintana na aking tanaw,

Gabi ay pusikit at walang linaw,

Hinahanap-hanap iyong anino’t galaw,

Naghihintay ng iyong mga yabag at sigaw.

                       Nasaan ka na aking kaibigan,

                       Bakit hindi ka na nasisilayan,

                       Ako nga ba’y iyo nang nalimutan,

                       Sa ‘king lugar ikaw naman sana’y dumaan.

Nasasabik na sa iyong pagdalaw,

Pagnanasa ko’y sana’y mapukaw,

Ng bitbit mong buslo na may telang saplot,

Inaasam-asam ang tinda mong……balut!

(*kailan kaya may dadaang maglalaku ng balut-penoy dito sa Iowa?)

WEB-262
balut vendor (image from heritageartcentet.com)

11 comments

  1. dama ko na ang drama sa mga unang linya,
    ngunit natawa nang sa huli, balut ay mabasa! hahaha!

    makata ka pala, doc!
    ang husay!

    mas gusto ko penoy na may sabaw;
    sa balut masarap lang amniotic fluid at yolk, ayoko sisiw.

  2. Kakaiba naman itong gabing ito. Napapadpad ako sa mga blog na tumatanaw ng loob sa sariling wika. Maraming salamat sa pagkatha ng ganito kagandang tula. Ang ganda ng pagkakahabi ng mga salita.

    1. Salamat sa iyong pagdalaw. Ang tulang ito ay sanhi lamang ng panandaliang kabaliwan na dulot ng pagnanais na makita, marinig, at matikman muli ang mga bagay na kinalakihan sa iniwan kong lupang tinubuan.

  3. Buslong pala ang tagalog sa basket salamat sa bagong kaalamang aking nakamit patungkol sa ating sariling wika. Gusto mo din palang kumatha ng mainam na tula. Ipagpatuloy mo ginoong mangagamot at nakaka aliw basahin 🙂

      1. I guess I was given a different version because I knew that song this way
        “Leron Leron sinta umakyat sa papaya
        Dala dalay buslo sisidlan ng hinog
        Pagdating sa duloy lala-lalambayog
        Kumapit ka neneng baka ka mahulog

        It did not register to me that buslo means basket 🙂 It takes some sharp mind of other to enlighten me. Thanks again.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s