Ang Pagbabalik (Bittersweet Homecoming)

Posted by

Nuong isang buwan ay umuwi ako at ang aking pamilya para mag-pasko sa Pilipinas. Ipinagpalit ko ang aking “White Christmas” sa “Warm Christmas” (just like the ones I use to know). Matapos ang labing limang taon ng pagce-celebrate ng pasko sa ibang bansa, ay matamis na muling maranasan ang pasko sa sariling bayan.

Natikman ko uli ang bagong lutong puto bumbong at bibingka, sabay higop sa mainit na salabat. Muli kong napagmasdan ang mga kumukutikutitap na parol na nakasabit sa mga bintana ng mga bahay. Masarap uling makantahan ng “sa may bahay ang aming bati, merry christmas na maluwalhati” at “tenkyu, tenkyu, ang babarat ninyo, tenkyu”.

At siyempre muli kong nakita ang mga ngiti at naramdaman ang mga yakap ng aking nanay, ate, mga tita, tito, pinsan, kumare, kumpare, kapitbahay at kaibigan. Nagmano naman ang sangkatutak na pamangkin, inaanak at mga apo (apo sa pamangkin; hindi pa ako ganun katanda). At kahit nabutas ang aking bulsa, ay naging masaya naman na muli kong makasama ang mga mahal sa buhay na matagal ko nang hindi nakita.

Nadagagan pa ang kasiyahan ng aking pag-uwi dahil ginanap ilan araw bago mag-pasko ang aming ika-dalawampu’t limang anibersaryo ng highschool gaduation. Mula sa iba’t ibang sulok ng lupa (5 galing sa ibang bansa) ay muli kaming nagsama-samang magkaka-klase sa isang mahiwagang gabi ng reunion. Pagkatapos ng mahabang panahon, ay muli kong nakita si patay, si kuto, si kambing, si bubuli, (sa reunion ba ako pumunta o sa freak show?) at iba pang dati kong mga kasangga at kasama sa hirap at ligaya ng highschool life.

Matamis muling sariwain ang mga ala-ala ng nakaraan.

Ngunit may malungkot na bahagi rin ang aking pag-uwi. Habang ako ay nasa Pilipinas, ay naospital ang aking ina. Dalawang gabi rin siyang naglagi sa ospital (isang gabi rin akong natulog sa ospital upang magbantay, daig pa ang mamahaling hotel sa gastos).

Rectal cancer ang naging hatol sa aking nanay.

Maraming mga tanong ang naiwang nakabitin, kasama na rito ang walang kasiguraduhang bukas. Kaya’t nang ako’y magpaalam na upang magbalik sa Amerika ay hindi ako mabitiwan na aking nanay. Tanong niya “Anak, magkikita pa ba tayo ng ako’y buhay?” Mahirap lunukin. Parang tinik sa lalamunan na hindi maalis. Sino nga ba ang may alam ng kasagutan sa tanong ng aking ina.

Matapos kong muling maranasan ang sandaling kasiyahan ng pag-babalik bayan, at aking muling lisanin ang aking mga kamag-anak at ang maysakit kong ina, hindi maiaalis na muli kong tanungin ang aking sarili kung tama nga ba ang aking pasyang manirahan sa ibang bansa.

Panahon lang ang makapagsasabi.

3 comments

  1. Sayang talaga at hindi kami naka-uwi nung December para dumalo sa 25th High School reunion natin, at makapagbakasyon na rin at the same time. Siguradong nag-enjoy din sana kami katulad n’yo. It took us (Del and I) 21 years para maka-uwi ulit noong 2007, going back again was just too soon (financially). Kahit hindi ako nagre-respond o nagko-comment, nasusubaybayan ko naman ang lahat ng pangyayari sa mga pictures at mga video na pinost ng mga iba-iba nating mga kaklase. Sayang talaga.

    Sorry to hear about your mom. We’ll pray that she would have a successful surgery and a quick recovery.

    God bless you and your family always.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s