Kausap ay Langaw

Mag-tatatlong linggo na ring tahimik sa aming bahay. Walang naghahabulan at nagsisigawang bata. Walang nagbabangayan at nagsusumbungan. Walang kumakalabog at walang nagkakalat. Radyo, TV at washing machine lang ang nag-iingay. Nakakabingi at nakakabuwang ang katahimikan.

Nami-miss ko na ang aking pamilya. Sawa na akong kausapin yung langaw doon sa dingding. Ayaw na akong sagutin ng aking anino. Ayaw na ring makipag-kwentuhan sa akin yung mga sapot ng gagamba sa kisame. Humilagpos na yata ng tuluyan ang katinuan ko?

Pero isang tulog na lang, at narito na muli ang aking asawa’t mga anak. Magiging maingay na muli sa aming bahay. Magiging magulo na ulit ang aking mundo. Ito ang mga ingay at gulo na aking ikina-liligaya, pina-hahalagahan, at pina-sasalamatan. Ito rin ang nagpapanatili sa aking tamang pag-iisip.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s