Lakad ko’y matulin, mabibilis ang hakbang,
Laman ng pag-iisip ko’y iisa lamang,
“Di alintana, mga kilalang nakasalubong,
Pagka’t sa pakay kong lugar, kailangang pumaroon.
Nanggigigil ngunit hininga’y pinipigil,
Nangingilabot, ako’y napapabaluktot,
Kalamna’y nanginginig, gabutil ang pawis
Humahangos, sana paa ko ay may bagwis.
Ako’y naiinis, loob ko’y nangririmarim,
Kailangang ilabas kabulukang kinikimkim,
Sikmura’y umiikot, bituka’y gumigiling
Bwisit na tira-tira, dapat di ko na kinain!
(written after being relieved by Imodium.)