Hugot Lines Sa Valentine’s

Posted by

Heto na ulit ang inyong lingkod, muli na naman pong huhugot. Ipagpaumanhin n’yo na lamang, aking panandaliang kahibangan. Utak ko kasi’y nakukurta, sa buwisit na pandemiya. Hinahandog ‘tong mga Hugot Lines, sa mga walang ka-Valentine’s.

**********

Buti pa ang buwan ng Pebrero, kahit na pinakamaiksi sa kalendaryo, kulang nga sa araw, pero meron namang Valentine’s. Ikaw? Linalangaw!

**********

Pare, Valentine’s na naman, hindi ka pa rin maka-score. Payo ko sa iyo, tennis na lang ang atupagin mo. Kahit score mo ay itlog, meron ka pa ring Love.

**********

Buti pa ang Pag-IBIG Fund, may pondong pwedeng ipahiram. Ang iyong pag-ibig, bankrupt na, puro pa paasa.

**********

Bobo ‘tong si Kupido, asintado nga, pero bakit isa lang ang pinana? Puso ko lang ang tinamaan. Ang puso mo ba, papanain din kaya niya?

**********

Buti pa ang palm tree sa Middle East, kahit nasa disyerto at lupang tigang, pero may dates. Hindi tulad ko, tigang na, wala pang date.

date palm

Buti pa ang patalim, kahit na nakakasugat, kinakapitan kapag nagigipit. Sa ating pag-ibig, hindi pa nagigipit, bumitaw na kaagad, wala pa ngang sugat.

**********

Mabuti pa ang sinaing, binabantayan at hindi maiwan-iwan. Ako? Pakulo na nang pakulo, umaapaw na nga, pero hindi mo pa rin pinapansin.

**********

Buti pa sa funeraria, maraming nagpapadala ng bulaklak. Eh ikaw, iyak ka na nang iyak, wala ka pa ring bulaklak.

**********

Sana ang puso ay kagaya ng puso ng saging. Kahit na biniyak at tinadtad, pero ginagata at linalasap. Hindi tulad ng aking puso, biniyak, tinadtad, tapos ibinasura mo lang.

**********

Buti pa ang chocolates, may Kisses. Ikaw, wala ng chocolates, wala pang kisses. Payo ko, Mars chocolate, ikaw ay kumuha. Kasi ang mahal mo, nasa ibang planeta. Puwede rin ‘yung “M&M” – puro Muntik-Muntik lang.

**********

Huling hugot:

Pero sa totoo lang po, ang Valentine’s ay hindi lang para sa may mga jowa. Ito ay para sa lahat ng nagmahal, nagmamahal, minahal, minamahal, at kahit na sa hindi kamahal-mahal. Kaya sige lang, hayaan mong maglayag ang iyong pag-ibig. Kahit pa hindi ito babalik.

Ika nga ni Alfred Lord Tennison, “It’s better to have loved and lost than never to have loved at all.”

(*photos from the web; but all Hugots are original)

4 comments

  1. Ang funny nang mga hugot lines nyo doc ah! Bawat situation, merong pwedeng hugutin πŸ˜‚

    But totoo yang sinabi nyo, it’s better to have loved talaga kahit nganga at hindi naman nasuklian… masarap kayang magmahal kahit bigo ❀️ πŸ’œ β™₯️

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s