Noong isang umaga, habang ako’y tumatakbo sa aming lugar, ay napadpad ang aking isipan sa lugar na aking kinalakihan. Ang aming kalye ay masikip at ang mga bahay ay dikit-dikit.
Ito ang kalye kung saan ako nanggaling, at ito ang dati naming mga kapitbahay sa Sampaloc, Manila. Hindi lang mga batang paslit ang laman ng kalye kundi may mga lalaboy-laboy na hayop din sa dating naming lugar.
Ito ay mga askal (asong kalye). Kapag sinamang-palad, nagiging pulutan sila ng mga nag-iinuman doon sa kanto. Ngunit iba na ang mundong ginagalawan ko ngayon. Layu-layo ang mga bahay at malalawak ang mga bakuran at bakanteng lupa.
Ito ang isa sa aming kapit-bahay, isang barnhouse, na nasa gawing likod ng aming tahanan dito sa Iowa. Ito naman ngayon ang mga lalaboy-laboy na usa (deer) sa aming lugar ngayon. Maaring sabihin na mas masarap na pulutan ito kaysa “asosena.”
Kahit paano ay nami-miss ko pa rin ang dati naming lugar at mga kapit-bahay. Maliban sa mga maiingay na lasing doon sa kanto.
(*photos taken with an iPhone)
mukhang medyo malayo sa kabihasnan yung lugar nyo ser. pero masarap dyan, close to nature!
Maaari na akong ituring na “promdi.”