(Limang taon na pala ang nakaraan nang isulat ko ang tulang ito.)
**********
Alam kong hahantong sa ganito,
Hindi sa dahil hindi ko napagtanto,
Ngunit kahit pilitin ko mang itanggi,
Tuloy pa rin itong mangyayari.
Yakapin man kita nang mahigpit,
Hihilagpus ka pa rin sa aking bisig,
At ayaw man kitang bitiwan,
Takda ka pa ring lilisan.
Tinangay na nga ba ng kahapon,
O tinalikuran na ng panahon,
At wari bang ako’y iyo nang iniwan,
Sigabo ng aking kalakasan.
Habang sa salamin aking pinagmamasdan,
Ang anino na nasa aking harapan,
Anyo at kasagsagan ng kasiglahan,
Ay bakas na lamang ng nakaraan.
Ngunit hindi ko dapat ipagluksa,
Kun’di dapat pa ngang ipagsaya,
Kaibigan, minsan nating pinagsamahan,
Kaya’t paalam na, o aking kabataan.
(*thoughts when I hit half century of life; an ode, or maybe a eulogy, to my lost youth)
(**photo taken few months ago)
Honestly kahit 55 ako wala akong feeling na lost ang youth ko….bumata ako ng 20 taon, gawa ng pagligo sa yelo. Magandang tanawin iyan, Gresya yata
Good for you. Yes, that Aegean Sea in Greece.