Sa Pilipinas ay mahigpit na ipinagbabawal ang pag-gamit o pagbebenta ng “damo” o marijuana, kahit na anong anyo nito. Maari kang makulong o magmulta ng milyon-milyong piso kapag ikaw ay nahuli at mahatulan.
Ngunit sa ibang bansa, tulad dito sa Austria na aming kamakailan lang ay binisita, ay pwede at lantaran ang pagtitinda ng damo. Pero limitado pa rin daw ang pag-gamit ng cannabis para sa “medical and scientific use” lamang at hindi pang “recreational.” Hindi mo na kailangan humanap ng pusher, dahil may sariling botika ng mga damo (photo below).

May mga bansa pa nga tulad ng Germany at Netherlands na legal pati recreational marijuana.
Ito kaya ang dahilan kung bakit masaya ang bansang Austria? Sang-ayon sa Travelandleisure.com, inilathala nito noong Hunyo 2024, na ang Austria ang pinaka-masayang bansa sa buong mundo. Huwag po sanang isipin na agenda kong ilegalize ang damo sa Pilipinas. Tutol po ako diyan. Napag-uusapan lang.
Kaya naman siguro kahit mga kabayo ay masaya at lutang na parang nasa langit dito sa Austria.

O baka naman may iba pang dahilan kung bakit masaya dito ang mga tao (at kabayo). Tulad ng magandang kalidad ng pamumuhay, malakas na ekonomiya, mababang kaso ng krimen, at mataas na antas ng edukasyon. At ang mga ito ay walang kinalaman sa pagbebenta ng damo.
Aanhin mo pa ang damo, kung lumilipad na ang kabayo?
**********
(*first photo was taken in Vienna, Austria while the second photo was taken in Salzburg, Austria; of note, Germany ranks low on the survey of happiest countries, so it definitely has nothing to do with legal marijuana.)
Noong dekada 90, nakapanood po ako ng balita kung saan sinunog ng mga sundalo taniman ng damo sa hilagang Luzon… kuhang kuha sa eksena pagka-high, o bad trip kaya ng mga kambing nakulong sa mausok na taniman kasi po lumabas sila na parang lasing – susuray-suray sa paglalakad habang nagme-meeee…
Pinausukang kambing. Sabog!