Question and Answer: Hindi Maubos na Ubo

Posted by

May kanta ang Eraserheads na nagsasabi: “Hanggang sa dulo ng mundo, hanggang maubos ang ubo.” Pero ang tanong na tatalakayin natin ngayon ay ang hindi maubos na ubo.

Doc,

Good AM po. Ako po ay may ubo, matagal na po pero hindi pa rin naaalis. Akala ko dahil sa sumugod ako sa ulan kaya po ako inubo. Sumasakit na din po minsan ang aking likod pag ako umuubo, tas noong isang araw may bahid po ng dugo plema ko.

Hindi naman po ako nilalagngat. Sabi ng asawa ko pumapayat po raw ako, pero baka kulang daw ako sa bitamina. Ano pong dapat kong gawin? Sana po matulungan ninyo ako.

Toto

Dear Toto,

Maraming dahilan kung bakit tayo inuubo. Una sa lahat ang ubo ay hindi mismo sakit. Ito ay palatandaan o sintomas lamang na maaring tayo ay may sakit.

Ang ubo, ay isang reflex o protective response ng ating katawan sa isang bagay na maaring magdulot ng pinsala sa ating sistema. Tulad nang kapag ikaw ay nasamid, ibig sabihin, maaring may butil ng pagkain, o tubig, o laway o anumang foreign body ang nag-trespassing sa ating trachea or windpipe. Tayo ay uubo upang matangal ang anumang nakabara sa daluyan ng ating hangin.

May mga taong hindi makaubo o kaya’y mahina ang kanilang cough reflex, tulad ng mga na-stroke, o kaya’y mga nawalan ng malay, gaya nang sa sobrang kalasingan. Sila ay maaring mag-develop ng aspiration pneumonia. Ito ‘yung mga secretions mula sa kanilang bibig ay nakapuslit at naligaw papuntang baga. Dahil hindi sila makaubo ng maayos kaya nalulunod sila sa sarili nilang laway.

Umuubo rin tayo kung maraming plema sa ating daluyang ng hangin at baga. Ang ubo ay paraan upang maalis ang mga plema. Kaya’t hindi maganda kung atin laging pipigilan ang ubo. Kalimitan ang mga gamot na cough suppressants ay hindi kailangan, maliban kung talagang malala na ang ubo na para na tayong asong kumakahol at hindi na tayo makatulog.

the big yawn

Isa sa pinakamalimit na dahilan ng ubo ay infection. Dahil sa inflammation na sanhi ng infection, tumitindi ang mucus production sa ating daluyan ng hangin. Kadalasan ay virus ang sanhi nito, at wala masyadong mabisang gamot sa viral infection. Lilipas lang din naman ito. May mga medisina na maaring magpalabnaw ng plema, lalo na kung malagkit na parang kalamay, upang mas madali natin itong ilabas. Makakatulong din ang pag-inom ng maraming tubig.

Minsan ang infection ay dahil sa bacteria. Ito ang sanhi ng bacterial bronchitis o pneumonia. Dito maaring kailangan na natin ng antibiotics upang labanan ang infection. Pero minsan hindi lang bacteria, pero maaring fungal (amag) o mycobacteria (tulad ng tuberculosis o TB) ang sanhi ng infection. Sa pagkakataong ito, kailangan na talaga ng subaybay ng duktor para malunasan ang mga infection na ito.

May mga sanhi rin ng ubo na ang dahilan ay hindi infection. Tulad ng asthma, allergy, at gastroesophageal reflux disease (GERD). Sa asthma, maaring ang ubo ay katumbas ng bronchospasm o paninikip ng airways. Maari ring mamaga ang daluyan ng hangin dahil sa hika, kaya mayroon ding plema. Inhalers o tinaguriang bomba de hika ang makakapagbigay ginhawa dito.

Sa allergy naman, maaring maraming mucus o sipon galing sa ilong ang tumutulo sa lalamunan (post-nasal drip), at ito ay umiirita sa ating lalamunan. Maaring makatulong ang mga nose sprays at allergy medications.

Sa GERD naman, ang maaasim na asido mula sa stomach ay maaring umakyat papuntang lalamunan at ito ay umirita sa ating daluyan ng hangin. Makakatulong ang mga antacids na gamot para sa pesteng ahem na ito.

Isa pa sa mga dahilan ng ubo ay ang paninigarilyo. Nagrerebelde ang ating airways, at ang ating katawan ay naglalabas ng maraming mucus para protektahan ang sarili sa umaatakeng iritante. Ito ang sanhi ng tinatawag nating “smoker’s cough.” Siyempre maari rin magkaroon ng COPD or emphysema sa paninigarilyo, at hindi lang ubo ang sintomas nito, kundi kasama na pati ang paghingal at maingay na paghinga na parang nakalunok ng pusa.

Maari rin magkaroon ng kanser sa baga dahil sa paninigarilyo. Ang kanser ay isang sanhi ng ubong hindi maubos-ubos, hanggang maubos pati hininga. Sa katunayan, kapag kanser ang sanhi ng ubo, kalimitan ang kanser sa baga ay nasa advanced stage na. Sa ibang salita, mi ultimo ubo.

Balik ako sa kaso mo Toto, sabi mo medyo matagal na ang ubo mo. Ito ba’y ilang linggo na o ilang buwan na? Isa pa, ikaw ba ay naninigarilyo? Nababahala ako sa sabi mong may bahid ng dugo sa iyong plema. Maaring magkaroon ng dugo sa plema sanhi ng infection o iritasyon ng daluyan ng hangin. Pero maaring mas malala rin ang sanhi nito, tulad ng kanser.

Isa pa sa kinababahala ko ay sabi mo, pumapayat ka. Maaring dahil wala ka lang ganang kumain, o dahil na rin sa iyong sakit kaya nahuhulog ang iyong katawan.

Sa aking listahan ng maaring sanhi ng iyong ubo, infection ang isa sa aking hinala, kasama na rito ang TB, dahil medyo palasak pa rin ang TB sa Pilipinas. O kung ikaw ay naninigarilyo, dapat natin isaalang-alang na puwede itong kanser. Hindi sa tinatakot kita, ako’y nagaalala lamang.

Kaya ang payo ko sa iyo, magpatingin ka na sa iyong lokal na duktor kung hindi mo pa ginawa ito. Siguro kailangan mo na rin magpa-chest x-ray. Itigil mo na rin ang sigarilyo kung ikaw man ay naninigarilyo.

Buti pa kanta na lang tayo:

Hanggang sa dulo ng mundo,

Hanggang maubos ang ubo,

Hanggang gumulong ang luha,

Hanggang mahulog ang tala.

(*photo from the web)

 

18 comments

  1. Ako din po matagal na Ang ubo isang buwan na po ata, marami along plema per sa xray ko normal chest naman po,

  2. Hello doc.. Ang ubo ko di nawawala nong una sabi ng dktot allergy tpos dry cough aftr ngtake ako ng gamot nging wet cough na. Ilang. Months msy ubo pa rin ako puting plema. Pero di nmn worst na ubo. No fever no headache. Dami ko ng nainum na cough syrup.

  3. hello po doc. tanong ko lang po ung asawa ko matagal na pong inuubo .. ilang buwan na at siya ay medyo nangayayat .. minsan nawawalapo ang ubo at babalik po ulit pa sumpong sumpong po. pag inuubo may kasama konting hingal pag nawala naman okay naman po. malakas naman po kumain tulad pa rin po ng dati wala naman pong ibang nagbago kundi pagpayat lang ng bahagya at paguubo

  4. Doc, gudeve, tatlo linggo na po ang ubo ko pero now paisa isa nalang na prang may maliit na lang na plema na d makalabas nakabitin sa lalamunan ko..sa gabi para akong malulunod pag nakahiga kaya natagilid ako..anu po kaya ito?

  5. doc ako po may ubo din 3 months na po nung sept 2020 po kasi nag ka acid reflux po ako. inubo ubo napo ako non taposng hanggang ngayon po na dec meron parin po akong ubo nawawala namn po sya pero pag nalalamigan po ang likod ko sumasakit po ayon po balik ulit ang ubo ko doc. masakit po lagi na part sa likod ko sa nay kaliwa po sa parang ilalim po ng wings ko doc hirap po kasi explain. salamat po

  6. Hello po, ako po ay may dry cough at parang almost 3 weeks na pong ganito tapos makati din lalamunan ko kaya umiinom po ako ng lemon with honey pero parang hindi po effective, minsan nababahala or napaparanoid po ako kase dahil pandemic ngayon pero hindi naman nako nillaglagnat.Never pa po ako nagpatingin sa doktor kase natatakot po ako baka ideclare nilang covid. Paadvice nalang po kung anong magandang gawin.Salamat.

    1. From your comment, you said “hindi nako nilalagnat.” Does this meant you had a fever before? It does not sound that your cough is that bad. Even if you got COVID, if you are not having fever now, then nothing to be worried. It is not unusual to have cough linger for 3 weeks or more even with viral infections. Just continue to stay hydrated. Thanks.

      1. Yes po,wala po akong fever before and I was thinking dahil sigurong malamig lang talaga dito sa Baguio, anyways thank you po.

  7. Gud day po dok….ask ko lng po….ilan taon po b ang buhay nnitinatagal ng my sakit n neumonia?….

  8. Sana po may maka tulong meron akong ubo na tatlong buwan na mahigit di naman ako naninigarilyo malakas din ako kumain hindi rin namamayat at minsan pag umuubo ako merong kasamang plema na maliit lang naman na walang kulay na sobrang dikit minsan naman may pagka dilaw yung parang slime po ang texture pero tansparent paden nag exercise naman po ako, dilang po talaga nawawala meron ding araw na di ako na ubo isang araw lang naman tas bukas meron uli, pero mas malala po ang pag ubo ko ay pag matutulog na pero di naman po araw araw na ganon.
    umiinon ako nang madaming tubig and vitamin C at pati narin po gamot sa ubo di naman po nagaling tulad nang solmux iba pa, ngayon naman po ang iniinom ko ay pluradec na brand yung may sangkap na especturant / nasal decongestant / antihistamin ok naman po nakaka tatlong bote nako hehehe at mas nalabas yung maliliit na plema pero di padin nawawal pero mas gumanda naman po ang aking pag ubo hindi na yung minuminuto, ano po kaya iyong ubo ko salamat po sana matulungan nyo ako.

    1. You mention your cough is worse at night or when you’re going to sleep. I suspect your cough is due to reflux disease. Try over the counter anti-reflux and take it for 3-4 weeks. Or better yet, see a doctor if you haven’t yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s