Kung may gusto akong magkaroon sa Pilipinas, itong tindahang ito ang nararapat sa atin. Kailangan natin ng “Andar.” Yung hindi tayo nakatirik lang at napag-iiwanan. Dapat tayong umandar, lumago, at umasenso.

Subalit ang masaklap sa ating bansa, marami sa ating mga lider ay gusto lang pumapel ngunit walang naiaambag sa ating pag-unlad. Sila’y hanap-pansin at nagpapalapad lang ng kanilang pangalan. Sa ibang salita, sila ay mga “Epal” lamang.

Pero may mas malungkot pa. Marami sa ating mga pulitiko at tauhan sa gobyerno, ay nagpapayaman lang at nilulustay ang kaban ng bayan ng walang pakundangan. Ang “Kappahl” talaga nila, at wala silang kahihiyan.

Pero may mas masaklap pa sa lahat ng ito. Dahil sa mga korap na mga pulitiko at tauhan ng gobyerno, ang mga mamamayan ang naghihirap at ang bansa natin ang nagdudusa. Subalit pagdating ng eleksiyon, dahil lang sa konting suhol, bakit parehong mga tiwaling pulitiko pa rin ang ating inihahalal? Siguro nga tayo ang “Gago”.

**********
(*my apologies to the named stores above, I know they are all reputable stores; first photo taken in Seoul, second in Reykjavik, third was in Tromso, and last photo is not mine, but the boutique is in Aix-en-Provence.)
I like your wit, Doc. Pero ganyan nga ang pakiramdam ng maraming Pilipino.
Yes, funny, but not funny in reality.
Hahaha!!! Salamuch Doc in making us smile always…then sad with the realities. Pray for us always. Hindi siguro puwede mga tindahan na mga iyon dito… alam ninyo na.
Yes, we need to pray for our country.
Sakto po Doc. Sigh.
🙂
As what my father said: it is good that none of their kids are still in philippines.. but there is also corruption here in germany actually.. 😰
I’m sure there’s corruption anywhere, even here in the US. But they pale in comparison to what I’ve witnessed in our homeland.