Nuong isang araw ay bumili ang misis ko ng raspberry na kulay dilaw, na pang karaniwan ay kulay pula. Ngayon lang ako nakakita nito at medyo kakaiba rin ang lasa nito. Naging paborito na ng aking mga anak ang mga prutas na tulad ng blackberry (hindi yung smartphone!), blueberry, strawberry, grapes, cherry, at raspberry.
Pero hinahanap-hanap pa rin ng aking panlasa, na parang buntis na naglilihi, ang mga nakagawiang kong mga prutas ng Pilipinas. Kahit galudgurin ko ang buong Iowa, ay hindi ko makikita ang mga ito.
Ito ang mga prutas na matagal ko nang ibig matikman muli:
10. balimbing (hindi yung mga pulitiko!)
9. camachile
8. chico
7. atis (kahit pa sangkatutak ang buto nito)
6. santol (matamis o maasim man)
5. duhat (yung kinalog sa asin)
4. aratiles
3. sineguelas
2. kaymito
1. lanzones (I’ll kill for this!)
(Sa aking pagsulat nito, ay hindi maiwasang mabasa yung keyboard ng aking computer sa tulo ng aking laway.)
*hands pinoytransplant a bimpo pampunas ng laway* Kung di lang bawal sa Customs ninyo, dadalhan ko kayo ng mga iyan 🙂
Mr Enriquez, I’m hoping na hindi mo pa nalilimutan ang lanzones ng Ontario ha. Kung nalimutan mo …..ang solusyon ay dalawin nyo kami dito at hindi lang lanzones ang ihahanda namin sayo, gagalugarin ko ang China town sa downtown Toronto para hanapin yang nasalistahan mo.Meron ditong balimbing,at atis plus the lanzones, at least naka tatlo out of ten :)!!!
Sige, dadalaw na lang ulit kami sa inyo. Lalo na kung may lanzones!