Asan Ba Ako?

pinoytransplant's avatarPosted by

Noong makalawang araw, ako ay pumasok sa isang malaki at modernong gusali. Ako ay napamangha sa establisyimentong ito na kakaiba sa aking mga nakagisnan.

Ito ang kanyang lobby:

Ako ba ay nasa Hotel? Hindi po.

Heto pa ang ibang angulo ng lobby:

Ako ba ay nasa Airport Terminal? Hindi rin po.

Heto naman ang kanyang basement:

Ito ba’y Shopping Mall? Hindi rin po.

Ito pa ang ibang bahagi ng gusali:

Ako ba ay nasa Museum? Hindi pa rin po.

Bibigyan ko kayo ng mga palatandaan at suriin ang mga larawan sa ibaba. Sino ba ang mga naglalakad sa building na ito?

Sirit na?

Asan ba ito? Oo, Asan ito. Ang big kong sabihin ay nasa Asan Medical Center ako. Ito ang pinakamalaking ospital sa South Korea, at isa rin sa pinakamalaki sa buong mundo.

Walang binatbat ang ospital na aking pinagtratrabahuhan dito.

Asan. Wala ka nang hahanapin pa.

**********

*Asan Medical Center has a bed capacity of about 2700, and treats 11,000 outpatients daily. Visited here for a friend who is waiting for a lung transplant.

6 comments

    1. Salamat. Sana ganito kaganda ang lahat ng ospital, hindi mo feel na nasa ospital ka. Kaso baka ayaw nang umalis ng mga pasyente, lalo na’t covered ng gobyerno sa South Korea ang halos lahat ng kanilang hospital expenses.

      1. How blessed and lucky they are.Dito pahirapan daw makapasok sa government hospitals. My kids enrol me every year at Intellicare so it is convenient that you don’t have to pay lab tests and consultations pero ang cost ng gamot sky high.🌿🍂

    1. Bisitahin mo. Iba talaga. Napakadisiplinado ng Koreano. Isa sa aking hinangaan ay may mga public toilet kahit saan, malinis pa! Kaya hindi mapanghi ang mga pader nila😝.

Leave a Reply