Sakit sa Balakang: Final Answer

Mula nang aking isulat ang “Question and Answer: Sakit sa Balakang” bilang katugunan sa tanong ng isang reader, ay naging isa ito sa pinakamabenta na entry sa aking blog. Laging mahigit sa isang daan visitors ang sumisilip nito araw-araw.

Mahigit sa dalawampu’t pitong libo (27,000) na ang bumasa ng artikulong ito mula nang aking iakda ito noong Septyembre 29, 2016. Meron na ring mahigit kumulang isang daan (100) na readers ang sumulat sa akin ng katanungan na may kinalaman sa sakit sa likod at balakang simula rin noon.

Base sa mga bilang na ito, ay aking napag-alaman na marami pa ring mga tao ang naliligaw sa aking munting blog. Hindi pa rin naman nilalangaw at may sumusubaybay pa ring mga mambabasa. Marami pong salamat sa patuloy ninyong pagtangkilik.

Akin ring natuklasan na napakarami palang mga Pilipino ang may sakit sa balakang. Bakit kaya? Ano bang pinagkakaabalahan nating mga Pilipino at marami ang may sakit sa balakang?

Sa mga sumulat at nagtanong, wala namang nagsabi na sila ay nagtatanim ng palay. Alam kong maaring sanhi ng sakit sa likod at balakang ang pagtatanim ng palay. Ika nga ng ating folk song:

Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko,

Di naman makaupo, ‘di nama makatayo.

Sa lahat ng mga sumulat at nagtanong, ay akin naman po itong sinikap na sagutin sa abot ng aking makakaya, kahit halos magkakatulad naman ang inyong mga katanungan. Siguro kung talagang sumingil ako ng 5 choc-nut sa lahat ng nagtanong, tulad ng aking binaggit sa aking artikulo, ay marahil may ‘sangkatutak na garapon na ako ng choc-nut ngayon.

Ngunit hindi po ito tungkol sa choc-nut, o anumang bayad na aking sinisingil sa mga nagtatanong at kumukunsulta.

Akin pong inilathala ang artikulong “Question and Answer: Sakit sa Balakang” upang magbigay ng pangkalahatang kaalaman tungkol sa sakit na ito. Hindi ko po intensiyon na mag-diagnose ng indibiduwal na sakit ng isang tao, at lalong hindi ko po intensiyon na magbigay lunas sa indibiduwal na tao.

Isa pa, sa aking tingin, ay hindi po ligtas na magbigay ako ng espisipikong opinyon o diagnosis sa isang taong may sakit, lalo na’t hindi ko alam ang buong salaysay ng mga pangyayari, at hindi ko rin naman nakita o na-examen ang pasyente.  Sa halip na makatulong ay maari ko pa kayong mailigaw ng daan.

Dahil po rito, ay hindi ko na po masasagot ang mga magtatanong tungkol sa kanilang espisipikong sakit, o kung ano ang kanilang iniinda, o kung ano ang espisipikong gamot sa inyong sakit. Huwag naman sana ninyong ikagalit kung hindi ko na po sasagutin ang iyong mga tanong. Kahit pa isang buwang supply ng choc-nut po ang ialok ninyo sa akin.

Ang pinamabuting payo kong maibibigay sa inyo sa ngayon ay matapos ninyong basahin ang artikulong “Sakit sa Balakang” at kayo ay mayroong sakit na iniinda, ay magpatingin po kayo sa inyong lokal na duktor, at sila ang magda-diagnose at gagamot sa inyo. Sana po ay inyong maunawaan ang mungkahi kong ito sa inyo.

Maraming salamat po.

*********

PS. Sa mga nagtatanong din kung paano gumawa ng gayuma o ng anting-anting, o kung paano mang-kulam o labanan ang kulam, ay huwag na ninyo akong gambalain pa at hindi ko naman kayo matutulungan tungkol diyan.

 

6 thoughts on “Sakit sa Balakang: Final Answer

  1. Hello po..Itatanong ko lang po kung anonpo angnpwedeng maging lunas kapag yung buto sa balakang ay nagkikidkisan daw po.. Hirap po kc lumakad ang mother ko at sabi po wag ilalakad .kaso pain reliever lang po ang inireseta..Nagyon po masakit palagi ang mga paa at yung buto..Ano po ang next na dapat pong gawin? Salamat po..Sana po mareplyan nio po…

  2. Hello po sana po mareplyan nyo po ako I would really appreciate it. Ask lang po for other optoins about my 11 yr old son na injury po sya playing basketball noong May 25 2019 lumagapak po ang puwet nya sa semento tapos naka tayo pa sya pauwi nakapagkwentuhan pa kami. Pero diko pa po alam na nangyari yung accident nung time na yun, a few hours later nilagnat na po sya dun ko lang nalaman na bumagsak ang puwet nya sa B Ball tapos one day lang yung fever nya pinainom ko lang sya ng tempra kinabukasan wala na po yung fever. He was sore and in pain sa butt, legs and groin with swelling sa butt cheeks and he couldn’t properly walk because his legs are weak. I took him to the Dr. they did Xray and CT scan on his lumbosacral spine ok naman po lahat sabi ng Dr. pero hanggang ngayon walang pagbabago sa paglalakad nya kahit na nag subside na at minor pain na lang sa butt, legs at groin ang nararamadaman nya at hindi rin naapektuhan ang pagtulog nya dahil sa pain at walang rin po syan incontinence sa bowel at urinary nya at wala rin po akong napansin na blood sa stool or urine nya..

    Sabi ng anak ko nanghihina daw ang legs nya kapag naglakad sya at visible talaga na may weakness kasi wobbly ang knees nya pag pinagmamasdan ko ang paglalakad nya. I dont know what other options I have and its draining me of all my energy giving me a lot of anxiety and stress anyway I am getting derailed here. Niresetahan sya ng dexamathazone corticosteriod hindi tiyak yung Dr. kung bakit ganun pa rin sya maglakad even though the swelling is probably 80 or 90 percent gone if I have to guess (No visible swelling anymore) and with minimal pain na lang. Sabi ni Doc baka daw nerves but I dont think she is 100 percent sure about it.

    Pwede po ba ma uwi sa pagkalumpo or maging permanent na ang ang paglalakad nya I am really worried kasi hirap sya maglakad kailangan nya ng mahahawakan para makapag lakad ng maayos. Plus gusto din po ipahilot ng mama ko yung anak ko kaso natatakot ako baka lalong lumala, your thoughts po about sa hilot .

    I forgot to say na kapag nasa loob kami ng vehicle papuntang ospital at biglang napadaan sa lubak sumasakit daw yung left side ng neck nya. I am not sure if it nerves or muscle or both. Thank you sa pagbabasa I really hope you can give me feedback.

    • 3 weeks after an injury, there can still some soft tissue swelling. If symptoms are not improving, I suggest an orthopedic evaluation. May not need surgery itself, but can give you their expert opinion. My gut thinking is madadaan iyan sa physical therapy. I don’t think mauuwi sa pagkalumpo since he’s able to walk. Salamat.

  3. Thanks for the feedback! My sons Dr. actually referred us to an Ortho and we wil go there and see. About the Hilot po I am very cautious about it, I am not planning on taking him to get a Hilot baka lalong lumalala. Saka po last na question pwede po ba ako mag request sa neurologist nya ng EMG at nerve conduction test kasi po nabasa ko na it can help pin point the problem at kung sakali pwede ko po ba yun gawin without the Dr. request? Salamat po ng marami ulit for taking the time.

    • Not all “hilot” are equal. So it may be better to wait for the orthopedic evaluation and then referral for Physical Therapy. As for the EMG and nerve conduction, I will leave it to the neurologist if that’s even necessary. Thanks.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s