Question and Answer: Sakit sa Balakang (2)

I have been asked diverse questions on this blog, from how much is a kilo of chicken liver, or where to get anting-anting, to how to counter a kulam. But there are some medical questions as well.

A certain Adrian, asked me a question regarding his condition, and I would like to answer him through this post. I hope the information here would help him and others who may have a similar problem.

Hi Doc,

May ilang buwan na din po nasakit yung right side ng balakang ko pati po yung kanang binti ko. Ngayon nararamdaman ko parang lumalala na kase diko na mapaliwanag yung sakit, masakit na nangangalay. Nung una po nangangalay lang yung right leg ko kaya binalewala ko lang, sinisipa-sipa ko lang hanggang sa tumagal nararamdaman ko na lumalala na. Hindi na ko makatayo ng matagal kase nangangalay yung binti ko at sumasakit din hanggang sa pag upo yung balakang at binti ko sabay sumasakit na parang na-ngilo ūüėĎ.

Pati sa pag higa nangangalay pa din kaya palagi ako nakatagilid, hanggang sa pag gising at pag bangon ko doc masakit. Hindi ko na kaya iunat yung dalawang binti ko kase sumasakit ng sobra yung likod ko dun sa gitnang part ng balakang. Pati pag yuko masakit parang konektado sa buto pababa ng binti yung sakit kapag nayuko ako ūüėĘ.

Doc may simtomas ako ng scoliosis. Dahil po ba dun yon kaya sumasakit yung balakang at binti ko?

Nagpa check-up na po kame sa doctor. Nag pakuha na po ko ng ihi at dugo at wala naman nakita. Niresitahan lang ako ng gamot tapos nag pa x-ray ako. Hindi naman ganun kalala yung scoliosis ko pero napansin ko na hindi na pantay yung balakang ko, doc mejo mataas yung right side. Patulong naman doc ūüėě.

Salamat po.

Salamat Adrian sa iyong tanong. Dahil medyo extensive and pagkaka-describe mo ng mga sintomas mo, kaya may idea ako kung anong nangyayari sa iyo. Siyempre iba pa rin yung tunay na harap-harapang pag-tingin at pag-examen sa iyo ng duktor.

Una sa lahat ang tungkol sa scoliosis. Scoliosis is defined as lateral curvature of the spine. Maraming maaaring sanhi ng scoliosis, tulad ng neuromuscular disease (tulad ng polio), vertebral disease (tulad ng osteoporosis, tuberculosis of the spine, Rickets), disorder of connective tissue (gaya ng mga genetic disorder na Marfan’s syndrome at Ehler Danlos syndrome), at iba pa.

Kadalasan ang pinakaapektado ng scoliosis ay ang thoraco-lumbar area. Kung malala talaga ang curvature ng scoliosis, maaring maapektuhan ang mga chest organs tulad ng baga at puso, dahil unti-unti silang naiipit o nasasakal. Maari ring maapektuhan ang mga muscles ng braso at hita at ito’y humihina.

Ang evaluation ng scoliosis ay sinusukat kung gaano kalala yung angle ng curvature. Kung hindi naman masyadong malala, ay pwedeng conservative management lang, tulad ng mga strengthening exercises and therapy sa spine o kaya ay paglalagay ng brace.

Kung talagang malala naman ang curvature, ay maaring lagyan ng bakal (rods) ang spine para ito dumiretso. Payo ko lang, huwag lang sa magbabakal o sa talyer kayo magpalagay ng bakal sa likod, kung hindi sa kwalipikadong orthopedic surgeon.

Adrian, hindi ko matiyak kung ang nararamdaman mo ay sanhi ng iyong scoliosis. Pero sa pagkaka-describe mo, ang aking hinala ay lumbosacral radiculopathy ang iniinda mo. Ibig sabihin, parang naiipit na yung ugat (nerve root) sa may vertebrae mo sa lumbosacral area, kaya’t parang nangangalay, sumasakit, at nanghihina ang iyong likod, balakang at mga binti.

Ang mga pinakamadalas na sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay vertebral disc herniation (disc bulging out causing nerve root compression) at spondylosis (narrowing of the intraspinal canal due to degenerative arthritis). Mga iba pang sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay infection, inflammation, neoplasm (tumors), at vascular disease.

Ang pinaka-magandang evaluation kung hinihinalang may lumbosacral radiculopathy ay CT scan o kaya MRI of the spine. Ang simpleng x-ray lang ay maaring hindi sapat na evaluation.

Hindi naman lahat ng sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay kinakailangan ng surgery. Minsan pwedeng gamot lang gaya ng anti-inflammatory agents, o exercises, o physcial therapy ay uubra na. Baka makatulong kahit si Mang Kepweng.

Pero rinirikumenda ko pa rin na mag-follow-up ka sa iyong lokal na duktor, at kung kinakailangan kang i-refer sa espesyalistang nararapat, ay ito ang pinakamabuting gawin mo.

Adrian, sana ay nakatulong ito sa iyo. At paki-padala na lang yung dalawang hopiang munggo na bayad ko. Salamat po.

Question and Answer: Sakit sa Balakang

Recently I got a message from a reader posted in the comment section of my article Mamang Hilot, regarding a specific medical problem, asking for advice.

I have received several medical questions in this blog in the past, and most of the time, I just gave a short answer and recommended that they see their local doctor. I was also asked on how to make gayuma or how to counter a kulam, but of course I have no idea how to answer those.

Anyway, I decided to answer this reader in a post, regarding her medical question. Hopefully this would be helpful to her, and to some other readers with similar issues.

A reader, named Ellaine wrote:

Good day po.

Nagpahilot po¬†ako dahil parang kumikirot ‘yung right side ng balakang ko. Pinadapa n’ya ako, dinaganan ‘yung balakang¬†ko, saka hinila ang hita¬†ko pataas at may tumunog. After ilang days, parang makirot s’ya at¬†hindi nawala ang sakit.

May 3 linggo rin ang lumipas at saka ako nag-pacheck up sa doctor. Wala naman makita sa ihi ko¬†na infection. Kaya niresetahan lang ako ng gamot for 1 month, baka daw kasi may na-damage na nerve o nabigla ‘yung muscle¬†ko dahil sa hilot.

Natapos¬†ko na po ‘yung medication¬†ko, pero still masakit pa rin s’ya.¬†And the¬†worst, parang gumagapang ‘yung kirot papunta sa hita, binti, paa at likod¬†ko, kaya natatakot po ako. Kahapon po bumalik uli ako sa doctor at binigyan naman ako ng x-ray request. Agad naman po ako nagpa-xray para malaman, ngunit wala rin po nakita sa x-ray.

Sabi ng doctor baka dapat na daw ako magpa-MRI, baka daw may naipit na ugat sa balakang ko. Sabi ko po wala naman akong kakayahang mgpatingin ng ganun kamahal, dahil nasa mahigit 10 thousand daw po ata iyun.

Pag-babalewalain¬†ko daw po ‘yung nararamdaman ko, posible daw akong malumpo. Totoo po ba na talagang maari akong malumpo? Natatakot po¬†kasi ako. Ano po kaya ‘yung nararamdaman¬†ko at ano ang dapat¬†kong gawin. Baka po may maitutulong kayo.

Maraming salamat po..

Dear Ellaine,

Sa aking pagkakaintindi sa iyong tanong, ang problema mo ay low back pain, na hindi natatangal kahit may isang buwan na ang nakalipas. Parang lumala pa ito kamo nang ikaw ay magpahilot. Paumanhin na lang po kay Mama o Aleng Hilot.

From the symptoms you’re describing here (pasensiya na po at¬†nag-English na ‘ko), I believe you are suffering from lumbosacral radiculopathy. Don’t mean to sound high falutin, but this just means low back pain with possible nerve impingement (ipit na ugat) or nerve involvement, as you describe the pain as “gumagapang sa hita, binti, paa, at likod.” One specific condition is sciatica, which is impingement of the sciatic nerve.

sciatica-pain-pic-pranic-healing-jpgw652

The nerve roots from the spinal cord as it comes out¬†of the vertebra (gulugod), can be impinged by a muscle, or when there’s vertebral disc herniation, vertebral stenosis (narrowing), abscess or infection, or in rare cases, tumors. The nerves can also damaged by being stretched when certain physical injury or manipulation is done.

For all people with acute back pain though, the overall prognosis is quite good, as 70 to 90% of the time the pain will improve in 8 weeks or so. Very few will require invasive or surgical intervention.

Even though traditional thinking would say to¬†stay in bed, the medical literature does not agree with this. Studies have showed that people who continue to be active,¬†do better in dealing with their back pain and also have more shortened recovery time than those who did “bed rest.” Sorry, not an excuse to skip work.¬†Though use common judgement¬†when your work involves heavy lifting, like carrying sacks of rice or moving pianos.

Physical therapy when properly employed and specific exercises to strengthen the back and abdominal muscles can certainly help.

Medications like non-steroidal anti-inflammatory (NSAID), which I believe is what was prescribed to you is one of the mainstay of treatment. Sometimes it is combined with muscle relaxants. In severe cases of pain, narcotic analgesics can be used, but these are controlled drugs as they can be habit-forming or addicting. (Galit si Duterte sa mga adik!)

Non-medical intervention like cold or heat therapy¬†to the area can be applied¬†but mostly used during the acute phase of the back pain or injury. Massage, acupressure, and acupuncture (using long needles) have been employed but data on their effectivity is variable. Please don’t just stab multiple needles in your back.

Other procedures available are steroids injection to the spine and of course surgical intervention.

If you’re condition does not improve with conservative management (exercises, physical therapy and medication), then further work-up may be needed. Unfortunately, the imaging study to best¬†visualize the¬†structures in the back¬†are MRI and¬†CT scan of the vertebrae, which I agree¬†are expensive tests. A plain x-ray will not be very helpful.

About the concern “na maari kang malumpo?” The pain na “gumagapang” does not necessarily means it is really bad. As I said most people with back pain recovers in time. However if you’re already experiencing focal weakness in your legs, like having difficulty climbing stairs or tiptoeing, then it can be serious. Kung hindi lang ‘yung sakit, at ikaw na ang gumagapang, eh seryoso na iyon.

So in the end, I would still recommend that you see your local doctor. An Orthopedic Surgeon or Physical Medicine and Rehabilitation specialist (also known as physiatrist) may be the best doctor to see regarding this problem. I’m hoping that you’ll just need physical therapy and a sprinkle of time to fully recover.

Hope this help Ellaine, and God bless.

Sige, padala mo na lang iyong bayad mo sa akin: tatlong Choc-Nut, ok na.

Pinoytransplant

 

(*sa mga susunod na kokonsulta, mas mahal na po ang bayad:  5 Choc-Nut na.)