Kahit na bumibisita sa isang banyagang lugar, bakit kaya mga pamilyar na bagay pa rin gaya ng aking kinagisnan sa Pilipinas ang tumatawag sa aking pansin?
Noong isang araw ako’y natuwang maglakad sa tabi ng mga estero o ng malalaking kanal…….
Naglagalag at sumuot sa mga maliliit na eskinita…….
At tumanaw sa mga pinapatuyong sinampay (ngunit hindi ko naman ito sinungkit).
Pero may pagkakaiba rin naman sa bansang ito. Dahil dito, kahit sa kanal ay may mga namamangka.
Kahit na tabing-kanal ay maari palang maging romantikong lugar.
May mahuhuli kaya kaming dalag?
(*photos taken with an iPhone in Venice, Italy)
Marami rin daga sa mga kanal na iyan….pero walang sawa. Actually sa Taguig mayroon ang isang Mall kung saan may kopya ng mga kanal ng Venice
Hindi ko pa nakita yung sa Taguig mall.
Hindi ko rin nakita, sa susunod na lang. Ang nakita ko lang ay ang totoong Venice. Maganda, medyo marumi pero maganda
Haha ang ganda ng mga kulay. 😁😁
Natawa ako sa sinampay.
How’s the smell there? Just curious. 🙂
In fairness, hindi amoy kanal ang kanilang kanal. Pero hindi ko naamoy kung mabango yung mga sinampay. Salamat sa pagdaan.
😂😂😂