Ipagpaumanhin mo na ika’y isasantabi na,
At hindi na kita isasama pa,
Totoo nga kayang ito na ang wakas,
Na mawawala na sa akin ang ‘yong bakas.
Sa mundo’y hindi ko naman maitatanggi,
Na minsa’y ikaw ay laging nakadampi,
Sa aking mga pisngi at mga labi,
Salamat sa mga alaala ng iyong paglagi.
Huwag sanang isiping ika’y ginamit lang,
Dahil ikaw nama’y tunay na kinailangan,
Ngunit sumapit ang panahong tapos na tayo,
Malaya na ako sa pagkagapos ko sa ‘yo.

(*my thoughts when the mask mandate was lifted in our outpatient workplace)
Akala ko babae.. mask pala