Ano Ang Malaki Sa Alaska?

pinoytransplant's avatarPosted by

Malaki ang Alaska. Ito ang pinakamalaking estado sa Amerika. Kung malaki ang Texas (268,596 square miles), higit sa doble ang laki ng Alaska (665,384 square miles). Ang Pilipinas (115,831 square miles) ay kapiraso lang kumpara sa Alaska.

Nasa Alaska rin ang pinakamataas na bundok sa North America. Ito ay ang Mt. Denali, o kilala rin na Mt. McKinley, na may taas na 20,310 feet. Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay Mt. Apo na may taas na 9,692 feet. Para lang itong bahay ng nuno sa punso kumpara sa Mt. Denali.

Sa Alaska rin matatagpuan ang pinakamalaking uri ng bear (oso), ang Kodiak bear. Ito ay maaring magtimbang ng 1,000 hanggang 1,500 pounds. Pero kahit mabigat ito, kaya nitong tumakbo ng 50-60 km/hour.

Nasa Alaska rin ang pinakamalaking salmon, ang King Salmon o kilala rin na Chinook Salmon. Ito ay lumalaki ng 3-4 feet. Isang isda lang, isang dosenang de latang salmon na ang katapat.

Nang kami ay bumisita doon, may isa pang malaki sa Alaska na aking nakita. Lamok!

Malaki rin ba kaya ang katol sa Alaska?

***********

Pahabol: Alam n’yo ba kung sino ang pinakamalaking grupo ng imigrante (immigrants) sa Alaska? Filipino. (Dagsa, parang lamok.) At hindi “Alaskador” ang tawag sa mga Pinoy sa Alaska.

One comment

Leave a Reply