Question and Answer: Sakit sa Balakang (2)

I have been asked diverse questions on this blog, from how much is a kilo of chicken liver, or where to get anting-anting, to how to counter a kulam. But there are some medical questions as well.

A certain Adrian, asked me a question regarding his condition, and I would like to answer him through this post. I hope the information here would help him and others who may have a similar problem.

Hi Doc,

May ilang buwan na din po nasakit yung right side ng balakang ko pati po yung kanang binti ko. Ngayon nararamdaman ko parang lumalala na kase diko na mapaliwanag yung sakit, masakit na nangangalay. Nung una po nangangalay lang yung right leg ko kaya binalewala ko lang, sinisipa-sipa ko lang hanggang sa tumagal nararamdaman ko na lumalala na. Hindi na ko makatayo ng matagal kase nangangalay yung binti ko at sumasakit din hanggang sa pag upo yung balakang at binti ko sabay sumasakit na parang na-ngilo ­čśĹ.

Pati sa pag higa nangangalay pa din kaya palagi ako nakatagilid, hanggang sa pag gising at pag bangon ko doc masakit. Hindi ko na kaya iunat yung dalawang binti ko kase sumasakit ng sobra yung likod ko dun sa gitnang part ng balakang. Pati pag yuko masakit parang konektado sa buto pababa ng binti yung sakit kapag nayuko ako ­čśó.

Doc may simtomas ako ng scoliosis. Dahil po ba dun yon kaya sumasakit yung balakang at binti ko?

Nagpa check-up na po kame sa doctor. Nag pakuha na po ko ng ihi at dugo at wala naman nakita. Niresitahan lang ako ng gamot tapos nag pa x-ray ako. Hindi naman ganun kalala yung scoliosis ko pero napansin ko na hindi na pantay yung balakang ko, doc mejo mataas yung right side. Patulong naman doc ­čś×.

Salamat po.

Salamat Adrian sa iyong tanong. Dahil medyo extensive and pagkaka-describe mo ng mga sintomas mo, kaya may idea ako kung anong nangyayari sa iyo. Siyempre iba pa rin yung tunay na harap-harapang pag-tingin at pag-examen sa iyo ng duktor.

Una sa lahat ang tungkol sa scoliosis. Scoliosis is defined as lateral curvature of the spine. Maraming maaaring sanhi ng scoliosis, tulad ng neuromuscular disease (tulad ng polio), vertebral disease (tulad ng osteoporosis, tuberculosis of the spine, Rickets), disorder of connective tissue (gaya ng mga genetic disorder na Marfan’s syndrome at Ehler Danlos syndrome), at iba pa.

Kadalasan ang pinakaapektado ng scoliosis ay ang thoraco-lumbar area. Kung malala talaga ang curvature ng scoliosis, maaring maapektuhan ang mga chest organs tulad ng baga at puso, dahil unti-unti silang naiipit o nasasakal. Maari ring maapektuhan ang mga muscles ng braso at hita at ito’y humihina.

Ang evaluation ng scoliosis ay sinusukat kung gaano kalala yung angle ng curvature. Kung hindi naman masyadong malala, ay pwedeng conservative management lang, tulad ng mga strengthening exercises and therapy sa spine o kaya ay paglalagay ng brace.

Kung talagang malala naman ang curvature, ay maaring lagyan ng bakal (rods) ang spine para ito dumiretso. Payo ko lang, huwag lang sa magbabakal o sa talyer kayo magpalagay ng bakal sa likod, kung hindi sa kwalipikadong orthopedic surgeon.

Adrian, hindi ko matiyak kung ang nararamdaman mo ay sanhi ng iyong scoliosis. Pero sa pagkaka-describe mo, ang aking hinala ay lumbosacral radiculopathy ang iniinda mo. Ibig sabihin, parang naiipit na yung ugat (nerve root) sa may vertebrae mo sa lumbosacral area, kaya’t parang nangangalay, sumasakit, at nanghihina ang iyong likod, balakang at mga binti.

Ang mga pinakamadalas na sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay vertebral disc herniation (disc bulging out causing nerve root compression) at spondylosis (narrowing of the intraspinal canal due to degenerative arthritis). Mga iba pang sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay infection, inflammation, neoplasm (tumors), at vascular disease.

Ang pinaka-magandang evaluation kung hinihinalang may lumbosacral radiculopathy ay CT scan o kaya MRI of the spine. Ang simpleng x-ray lang ay maaring hindi sapat na evaluation.

Hindi naman lahat ng sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay kinakailangan ng surgery. Minsan pwedeng gamot lang gaya ng anti-inflammatory agents, o exercises, o physcial therapy ay uubra na. Baka makatulong kahit si Mang Kepweng.

Pero rinirikumenda ko pa rin na mag-follow-up ka sa iyong lokal na duktor, at kung kinakailangan kang i-refer sa espesyalistang nararapat, ay ito ang pinakamabuting gawin mo.

Adrian, sana ay nakatulong ito sa iyo. At paki-padala na lang yung dalawang hopiang munggo na bayad ko. Salamat po.