Ako ay muling nagbalikbayan. Mga paa ko’y muling tumapak sa lupang hinirang. Tahanan ng mga mauusok na bus at jeepney. Muli akong nakipagsiksikan sa mga humahangos na pasahero ng Maynila.
Muling tumahak sa masalimuot at magulong lugar ng Metro Manila at muli akong sumuot sa masisikip na kalye at mga eskinita.
Muli akong natulog sa maalinsangang sinapupunan ng siyudad ng Maynila. Muling naranasang dumungaw sa bintana na may mga palamuting pinatutuyong sinampay, at tumanaw sa ibabaw ng mga yerong dikit-dikit.
Ngunit sa kabila ng maikling panahon ng aking pagbisita, ay nagkaroon din naman ng pagkakataong makapagpalamig sa marangya’t mamahaling lugar ng Maynila. Hindi sa ospital ang tinutukoy ko, kahit apat na araw din ang ginugol ko so loob nito.
Sa maikling pagkakataon, ay akin muling natuklasan ang alindog ng siyudad na aking kinagisnan. Siyudad na sa akin ay umaruga mula ng ako’y musmos na bata.
Nagkaroon din ako ng pagkakataong masilayan muli ang naglalarong alon ng Manila Bay habang nananaog ang araw sa kanyang kinaluluklukan.
Tunay na ang lugar na ito ay duyan ng aking kabataan.
(*all photos taken with an iPhone)
Oh my gosh, i am so inggit! I miss the Philippines 😦
Hope you can visit the Philippines soon as well. Thank you for reading.
Kababayan, I can so relate to each word your wrote in this post. Yes, life may be hard in the Philippines, signs of poverty, traffic, political mess can be felt and seen everywhere but then there’s the irresistible beauty and serenity of nature, the warm hospitality of friends and family, closeness to faith, food and even gigantic malls and vacation places that never fails to amaze anyone but more that anything else, no matter how long we’ve been in America, it’s feels home. For 3 weeks, I was there, I felt so at home, so at peace, every longing gone. The western world may give us all the comforts and material things but it can never fill the void if part of our hearts are still craving for that “Duyan na Kabataan.” It’s nice to go back and appreciate the simple joys of life. It make us appreciate more our blessings. God bless and all the best to you and your family.
Thanks for the eloquently stated comment. Yes, indeed.