Pag-ibig ang Dahilan

Posted by

“Pag-ibig, ‘pag na’sok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang” …..Florante at Laura

Pag-ibig ang dahilan kung bakit ikaw ay di makatulog hanggang alas tres ng madaling araw, nangangarap ng gising at nagbibilang ng mga tala.

Pag-ibig ang dahilan kung bakit ka nagpupuyat sa kaka-telebabad makausap mo lang siya, kahit na alam mo na bukas ay final exam mo sa Calculus.

Pag-ibig ang dahilan kung bakit ang tagal-tagal mo sa harap ng salamin, kahit wala ka namang dapat suklayin.

Pag-ibig ang dahilan kung bakit pagsasapalaran mo pang mag-cutting classes, masundo mo lang siya sa kanyang pag-uwi.

Pag-ibig ang dahilan kung bakit titipirin mong pilit ang iyong baon, at maglalakad ka na lang kaysa magtricycle, makabili ka lang ng roses sa Valentine’s day.

Pag-ibig ang dahilan kaya ka lalabas kahit signal number 3 ang bagyo at lulusong sa hanggang tuhod na baha, madalaw mo lang siya.

Pag-ibig rin ang dahilan kung bakit ka naghahanap ng manibalang na mangga ng alas onse ng gabi sa Divisoria, dahil gusto ito ng naglilihi mong asawa.

Pag-ibig ang dahilan kung bakit mo tinalikuran na ang barkada at nagpanibago na ng pananaw sa buhay, dahil may mga supling na, na umaasa sa iyo.

Pag-ibig ang dahilan, kung bakit madaling araw pa lang ay nagbabanat buto ka na, para magkaroon ng pagkain sa inyong hapag-kainan.

Pag-big ang dahilan kung bakit mo tinitiis ang sobrang lungkot at init ng Saudi, magkaroon lang ng pambaon si bunso.

Pag-ibig ang dahilan kung bakit mo piniling magpaalipin sa ibang bayan, mabigyan lamang ng magandang bukas ang iyong pamilya.

Pag-ibig din ang dahilan kung bakit nilikha ang langit at lupa.

Pag-ibig ang dahilan kung bakit nilikha pa rin ang tao, kahit alam na ito’y magrerebelde at mahuhulog sa kasalanan.

Pag-ibig ang dahilan kung bakit ibinigay ang Bugtong na Anak, para mamatay, upang ikaw at ako ay maligtas.

“Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” Juan 15:13

Sa lahat ng umiibig, (may ka date man o wala sa Valentine’s), Happy Valentine’s Day.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s