1. Huwag ka kanta harap kalan ku ikaw dalaga, baka ikaw asawa tanda lalake.
Hindi masama ang umawit sa harap ng kalan o kapag ikaw ay nagluluto, at walang kinalaman ito sa pag-aasawa ng matandang lalaki. Ang katotohanan ay nakakaalis ng pagod at yamot ang pagkanta. Maliban na lamang kung saksakan ng sintunado kang kumanta; iwasang kumanta ng malakas lalo na’t may mga nakaririnig, at baka itulak ka nila sa kalan.
2. Huwag ka hakbang bata higa. Hindi ito laki.
Hindi totoong kapag ang batang nakahiga o natutulog ay hinakbangan o linaktawan ay magiging bansot ito. Sangayon ako na hindi magandang ugali ang laktawan ang iyong kapwa; subalit kung hindi maiiwasan, mas mabuti namang hakbangan mo sila kaysa iyong tapakan .
3. Ikaw salubong pusa itim, ikaw malas.
Hindi lang mga Pilipino ang naniniwala na malas ang makasalubong ng pusang itim. Ngunit sa Great Britain, para sa kanila, ito ay tanda ng suwerte. Kaya ipamigay o iligaw na ninyo ang lahat ng itim na kuting ninyo sa Britania.
4. Huwag ka kain kambal saging ku ikaw buntis. Baka ikaw anak kambal.
Wala po itong katotohanan. Ang panganganak ng kambal ay walang kinalaman sa iyong kinakain. Ang pagbubuntis ay wala ring kinalaman sa saging. (Hindi kasama sa usapan ang ibang klaseng saging na iniisip mo.)
5. Huwag ka walis ku me patay hangga hindi ito libing.
Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagbabawal ang pagwawalis ng bahay kung may nakaburol na patay. Paano na lang kung isang linggo nang nakaburol at gabundok na ang alikabok at dumi sa bahay? Hindi ba mas masama kung hikain na ang mga taong nakikiramay dahil sa dumi at alikabok? Kung vacuum cleaner kaya at hindi walis ang gamitin mo? O baka naman magulantang ang mga naglalamay pati na ang patay sa ingay ng vacuum!
6. Huwag ka kain ku wala ilaw.
Ang pamahiin sa pag-iwas na kumain sa dilim ay sa paniniwala na baka may masamang espiritu kang makasalo. Bagama’t hindi ako naniniwala sa pamahiing ito, ay may praktikal na bahagi ito. Maaaring ikaw ay matinik o makasubo ng bubog, o butiki, o balyena, kung madilim at hindi mo nakikita ang iyong kinakain.
7. Huwag ligpit plato pag dalaga kain pa. Baka ito tanda dalaga.
Hindi magandang ugali ang pagligpitan o urungan ng mga plato kapag kumamain pa ang isang tao. Ito ay pagwawalang galang sa kanila, ngunit walang kinalaman ito sa kanilang hindi pag-aasawa. Pero may mga taong sobrang b…a…g…a…l… kaya naiinip na ang mga kasama nila at sila’y pinagliligpitan na. Dahil sa kanilang kabagalan kaya sila laging napagiiwanan (pati kaya sa pag-aasawa?).
8. Ikaw sugat Biyernes Santo, hindi ito galing.
Walang katotohanan na kung ikaw ay nasugat sa Biyernes Santo ay hindi ito gagaling. Kung ito ay totoo, di sana lahat ng sugat ng nagpi-pinitensya tuwing mahal na araw ay hindi pa naghihilom hanggang ngayon. Wala na sanang mga nagpipinitensya kung ganoon.
9. Ikaw laki tenga, ikaw haba buhay.
Isang obserbasyon na ang matatanda ay may malalaking tenga. Marahil ito ay dahilan na pagtumatanda ay nawawala ang “elasticity of the skin and tissue”. Kaya pati tenga ay lumalawlaw at nagmumukhang mahaba o malaki. Ngunit hindi dahil sa malaking tenga kaya humaba ang buhay nila, kundi lumaki ang tenga dahil mahaba na ang buhay o tumanda na sila.
10. Huwag ikaw gabi suklay, baka ikaw kalbo.
Huli na ang lahat ng malaman ko ang buwiset na pamahiing ito. Maniwala ka, kahit sampung taon ko nang sinusunod ito at hindi na nagsusuklay sa gabi, ay naubos pa rin ang buhok ko!
1.) Kung totoo tong pamahiin na’to ay dapat meron na akong mahigit sa isang daang anak ! Kasi, mahilig akong kumain ng kambal na saging mula bata. Meron ding blessing ang pagbili ng kambal na saging dahil isa lang ang bilang nito, isa lang ang babayaran mo para sa dalawa. 7.) Kung hinintay nating matapos kumain ang mga hindi nakapag-asawa bago mag ligpit ng plato eh siguradong hanggang ngayon at nasa hapag kainan pa rin tayo ! 10.) Pawang kasinungalingan !!! Wala, wala, wala kayong magagawa !!! Kung makakalbo ka, makakalbo ka, period !!! 🙂