Mamang Hilot

Kasama sa hibla ng kultura at tradisyon nating mga Pilipino ay ang pagpapatingin sa mga manghihilot at albularyo. Sa katunayan, lalo na sa mga probinsiya at maliliit na barrio, ay maaaring mas marami pang mga tao ang natutulungan ng mga ito kaysa sa isang duktor.

Noong isang araw habang ako’y nakikinig sa live stream ng AFP (Armed Forces of the Philippines) radio mula sa Pilipinas, ay tinalakay ang tungkol sa mga alternatibong manggagamot sa Pilipinas. Kanilang ipinamamalita ang tungkol sa alyansa ng mga hilot at albularyo ng Pilipinas. Sangayon sa alyansa, sila ay nagbibigay ng pagtuturo at pagsasanay, para maging isang mahusay na hilot o albularyo. Lalong dadami ang kumpetisyon ni Mang Kepweng.

Naalala ko tuloy ang matandang hilot sa aming lugar, noong ako’y bata pa.

mga kamay ng hilot

Hindi ko alam ang kanyang tunay na pangalan, ngunit tinatawag lang namin siyang Mamang Hilot. Hindi ko rin alam kung paano namin siya natuklasan, pero kilala siya ng marami sa aming lugar, kaya maaring sa pamamagitan ng salin sabi o mga rekomendasyon ng aming mga kapitbahay.

Siya ay may katandaan na, at maaring siya ay nasa sesenta anyos na. Malamang siya ay walang pormal na pagsasanay, kundi sa pamamagitan lamang ng mahabang eksperyensiya. Maari rin naman na siya ay sinanay at tinuruan ng kanyang mga magulang o mga ninuno. Kadalasan kasi, ang kaalaman ng panghihilot ay ipinamamana ng mga nakatatanda sa kanilang mga anak.

Maraming beses din naming tinatawag si Mamang Hilot noon sa aming tahanan. Tulad ng matapilok ang aking kapatid at namaga ang kanyang bukong-bukong. Natatawag din siya sa mga simpleng kirot o pilay. May ilang beses ding nahagod ng hilot ang aking likod, dahil madalas akong napipilay sabi ng aking nanay, dahil sa aking kalikutan. Minsan pa nga pati sa mga linalagnat, sinisipon o inuubo ay natatawag din ang matandang hilot. Hindi ko lang alam kung tumutugon din siya sa pagpapa-anak.

Ang hilot ay gumagamit ng “chiropractic” na manipulasyon at husay sa pagmamasahe. Tunay na may siyensiya naman na sumusuporta sa sining ng panghihilot. Ang kanyang mapagpagaling na kamay ay nakakapawi ng sakit ng katawan, pangangalay, pilay, naipit na ugat, at nagbibigay ginhawa sa kumikirot at pagod na kalamnan. At ang instrumento lang niyang gamit ay langis ng niyog, at ang malalakas niyang kamay.

Hindi mayaman si Mamang Hilot. Kahit pa mayroon siyang angking galing sa pag-gagamot, at kahit marami siyang napagsisilbihan, ay hindi niya ginamit iyon sa pagpapayaman. Marahil maliit lamang sumingil ang matandang hilot. O marahil, kadalasan pa ay libre ang kanyang serbisyo. Hindi ko lang alam kung tumatangap siya ng itlog o sisiw bilang bayad. Ngunit dahil kami ay naninirahan sa siyudad, malamang walang ring mga alagang manok ang aming mga kapitbahay, maliban sa mga ilan-ilan na tandang na pang-sabong.

Kapag kailangan namin ang matandang hilot, ay susunduin ko siya sa kanilang bahay. Siya ay nakatira sa tabi-tabing maliliit na bahay-bahay na nakatungtong sa sapa na nasa dulo ng lupang kalsada. Ang mga bahay doon ay nakalutang sa ibabaw ng tubig sa pamamagitan ng mga tungkod na poste (stilts). Tumutulay ako sa mga pinagdugtong-dugtong na tablang kahoy, na ang ilalim ay itim na tubig at mga kangkungan, para makarating sa kanilang bahay.

Dito rin sa mga tulay-tulay na ito, kung saan, masaklap mang aminin, ay minsan akong nahulog. Naghahabulan yata kami ng aking kaklase nuong Kinder, nang ako ay mawalan ng panimbang. Buti na lang at hindi ako tuluyang tumambog sa tubig, ngunit napuno ng putik at burak ang aking isang kamay hanggang balikat. Hindi hilot ang kinailangan ko, kundi paligo, at pingot ng aking nanay. Mabuti naman at hindi ako nabansagang Nardong Putik ng aking mga kaklase.

Isang araw, ako ay naglalaro sa silong ng aming bahay. Lumukso ako na ala-Spiderman. Ngunit napasama ang aking bagsak. Sa aking paglagpak ay naitinukod ko ang aking braso. Ako ay napilay! Mabilis na pinatawag si Mamang Hilot, at dali-dali naman siyang dumating. Ngunit nang makita niyang hindi na diretso at komang na ang aking braso, ay hindi niya ito ginalaw. Sabi niya ang kailangan ko’y Orthopedic at hindi hilot. Alam din ng matanda ang kanyang limitasyon.

Dinala ako sa Orthopedic Hospital ng Maynila. Doon itinuwid, isinauli ang na-dislocate kong siko, at sinemento ang aking braso. Anim na linggo ring nakasimento at nakasukbit sa aking leeg ang aking kanang braso. Natuto tuloy akong magsulat sa kaliwang kamay. Tinawag akong “Komang”der na aking mga kaibigan. Magpipitong gulang ako noon.

Iyon na ang huling alaala ko kay Mamang Hilot. Dahil hindi nag-tagal, sa isang proyekto ng lungsod ng Maynila, ay pinatabunan ang sapa. Sinementado, pinalawak, at ginawang lagus-lagusan ang kalye kung saan nakatira ang matandang hilot. Ipinagiba din ang mga dikit-dikit na bahay na nasa ibabaw ng sapa. At lahat ng mga naninirahan doon ay ipina-relocate ng gobyerno sa mas malaking sapa….doon sa Sapang Palay.

Nasaan na kaya ngayon si Mamang Hilot? Buhay pa kaya siya? Naisalin kaya niya sa iba ang kanyang galing at husay sa paghihilot? Naipamana kaya niya sa kanyang mga anak ang kanyang kaalaman sa panggagamot?

Hindi ko alam kung ilan pang mga matatanda o mga batang katulad ko ang napaglapagan ng kanyang mga kamay. Ngunit nakatitiyak akong marami siyang natulungan, napaginhawa, at napagaling.

Nais ko lang sanang ipahatid, na isa sa mga batang hinilot niya noon, ay isa na ring manggagamot ngayon.

27 thoughts on “Mamang Hilot

  1. I’m sure Mamang Hilot would be proud 🙂 I plan to feature this in my next FILkada WEEKLY newsletter 🙂 Okay lang, Kuya?

  2. I hurt my back as a kid and I went to the “hilot”, not an orthopedic which by that time is a rare specialty and got well after a week. No x-ray, no C.T., just the power of the hand and lots of faith. It’s amazing how medicine has changed so much both good, and the not so good side of it.

  3. Mabuhay
    Maganda ang natalakay mo, nararapat lamang para magkaroon ng paliwanag at interest ang tao sa Hilot.
    Maaring hindi kami ang napanood mo sa afpradio.ph live streaming; pero nasa AFP Radio din kami Sabado 9-11 pm, at tumatalakay sa pagtuturo ng Hilot at Herbal at mga benepisyo nito.
    Kami ang Alyansa ng Manghihilot at Albularyo – samahan para itaguyod ang Hilot para sa kaalaman ng Pinoy lalo na ang mga walang kakayahan mag bayad sa hospital o doctor.
    Ako si Ka Mar, ang Pangulo, at ang Guro namin ay si Efren Guazon.

  4. i was a victim of motorcycle accident last February 15, 2013, Im from Jala jala Rizal, on the day of stated accident i brought to an hospital in Tanay Rizal and was x-ray on my right knee and fortunately there was no bone fracture nor bone dislocation found, mula nung naaksidente ako hanggang ngaun ay hind ko pa rin mailakad ang paa ko, gusto kong ipahilot pero wla kaming alam na manghihilot malapit sa lugar namin, mayroon po ba kaung kilala na manghihilot ng pilay na malapit sa Jala Jala, Rizal?
    kung mayron po pwede po bang itxt sa number na to,,,, 09168370758, maraming salamat po and more power, GODBLESS

  5. naipitan po ako ng ugat sa tuhod nahirapan po ako maglakad at strech ano po gamot 3 days na po masakit

    • Pwedeng mag-hot and cold compress sa tuhod. Makakatulong din ang anti-inflammatory medication, gaya ng ibuprofen. Pero kung may pamamaga, mas mabuting patignan mo na sa duktor.

  6. hello po…may ubo tsaka sipon po kasi ako pabalik balik lang po siya pati ulo ko sumasakit..last month din after ko maglaba di na ako halos makabangon sa sobrang sakit nang likod ko..eh laking hilot po kasi ako once na may lagnat ako ubo tsaka sipon nong bata pa ako..sa probinsya kasi namin dami manghihilot hinihilot lang po likod at ulo ko gumagaling na agad ako…saan po kaya may manghihilot dito sa quezon city? baka po may ma e recommend po kayo sa akin…sumasakit na po dibdin ko sa kakaubo, mga gamot wlang epekto naglalagay na din ako nang omega sa likod gabi-gabi bago matulog….

  7. Sir, napilay po ako sa basketball, ngayon namaga kinabukasan nahirapan nako maglakad. pinadala ko na sa doktor pina x ray, sabi ala naman fracture, binigyan lang ako gamot. 2 weeks na bakit ganito pa rin, di’ko pa rin maibaluktot ng maayos at masakit pa. tatlo beses na ako nagpunta ng doktor kaso panay x ray lang gamot. di kaya naipitan ng ugat? eto paano ang gagawin ko at ano gamot ang kailangan ko? thanks po.

    • Kung na x-ray ka na, at wala raw fracture sa buto, tingin ko na-“sprain” ka. Pagsinabing sprain, ang apektado ay mga ligaments o yung mga litid na humahawak o nagdudugtong sa mga buto. Minsan napipigtas o napupunit pa ang mga ligaments. Kapag nangyari ito matagal-tagal ang pamamaga, kahit mahigit isang buwan ang inaabot.

      Tuhod ba o sakong ang apektado? Kung hindi humuhupa ang sakit at pamamaga, sa orthopedic doctor ka na magpatingin. Karaniwan rest and physical therapy lang ang kailngan sa sprain, maliban na lang kung punit ang ligament, kailangan nito ng surgery. Salamat sa pagdaan.

  8. Nangangalay po leeg ko batok tapos sumasabay ang ngalay ng left shoulder ko pero pg pg sumasakit ang batok ko nag bbp ako normal nmn tapos dahil s pangangalay ng kaliwang braso ko nagpakunsulta ako s cardiologist normal ecg ko at stress test ko ngaun umiinum ako ng b complex

    • Mabuti at nagpatinigin ka na sa cardiologist. Maaaring muscle or nerve pains ang iyong nararamdaman, pero kumunsulta ka ulit sa iyong duktor para makasigurado. Salamat sa pagdaan.

  9. Gud day po,ngpahilot po aq dhil prang kumikirot ung right side ng balakang q.pinadapa nya q,dinaganan ung blakang q ska hinila ang hita q pataas at tumunog.after ilang days prang makirot sya at d nwala ang skit.may 3 linggo rin ang lumipas at ska aq ngpacheck up s doctor.wla nman mkita s ihi q n infection kya niresetahan lng aq ng gmot for 1month,bka dw kc my nadamage n nerve b un o nabigla ung muscle q dhil s hilot.ntpos q n po ung medication q pero still masakit p rin sya.and d worst,prang gumagapang ung kirot papunta s hita,binti,paa at likod q kya ntatakot po aq.khpon po bumalik uli aq s doctor at binigyan nman aq ng xray request.agd nman po aq napalaboratory pra mlaman.ngunit wla rin po nkita s xray.sv ng doctor bka dpat n dw aq mgpa MRI.bka dw my naipit n ugat s balakang q.sv q po wla nman aq kakayahang mgpatingin ng gnun kamahal,dahil nsa mahigit 10thousand dw po ata iun.pg bbalewlain q dw po un nraramdaman q,posible dw aq malumpo.totoo po b n tlagang maari aq malumpo?ntatakot po kc aq.anu po kaya ung nararamdaman q at anu ang dapat q gawin.bka po my maitutulong kau..maraming slamat po..

  10. Good day po, sa umaga po laging masakit ang batok ko, pero pag nakatayo na ako ng matagal nawawala na pakiramdam ko yun ugat ko sa batok naninigas papunta sa ulo, ano kaya po eto?

    • Non-specific symptom ‘yang sakit sa batok. Maaaring tension headache o muscle spasms lang. Pero siguraduhin mo na hindi mataas ang iyong blood pressure, dahil pwedeng sintomas ng altapresyon ang sakit sa batok.

  11. Ganyan din ang lolo ko. Its just so sad that everyone of theme is almost gone. MEron akong pilay, looks like naipit n ugat sa kanang kamay ko. Until now, di p gumagaling. Kung nandito p ang lolo ko, matagal ko ng wla to. When you have your own child, you will ask for the manghihilot na dating naghihilot sau and you will have a hard time finding one, or you’ll never find one at all. I really hope there are still manghihilot everywhere.

  12. hello po..hindi ko alam kung pano ko simulan ang tanong ko.kung i hahalintulad po parang amatuer lng ako sa pag ta tawas.pero minsan ng my tinawas ako kahit ako ho nagulat dhil ang lumabas sa tawas napuntahan ko ang lugar na parang scripted lahat.means kung ano sa tawas yon din ang nakita ko sa lugar ng binalikan namin.itong kaibigan ko belib na belib sa akin.magpapa tawas daw sya.pagkatapos non panay inda nia ng tuhod nia na masakit.so hinilot hilot ko po.nakaka pag taka habang hinihilot ko umiimpis ang pamamaga ng paa nia!kahit ho ako hindi ako maka paniwala sa nakikita ko.at ito po sabi nia malaking bagay ang nagawa ko sa kanya/kasi umayos ang pakiramdam nia.pero sabi ko patingin pa rin sya sa doktor…ask ko lng po naniniwala ho ba kayo sa akin? bakit kaya napa himpis ko ang pamamaga ng tuhog nia?gusto ko ho makatulong pa sa iba pero baka ho magkamal ako at mapahiya at mapasama pa.

    • Hindi ko direktang masasagot ang katanungan mo. Alam ko ang lola ko nag-tatawas (hindi yung ginagamit sa kili-kili)- gamit ang kandila, mainit na bakal, at plangganang tubig, kasama ang bulong at dasal. I really don’t believe in them anymore, but that is just me. But I know that there are people who are naturally gifted in healing or help people get better. If you use whatever gift you have for the good of others, then who are we or anybody to judge you?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s