Walang mga luces at jumbo fountain na kay ganda,
Walang rebentador, super lolo at super pla-pla,
Walang sunog na gulong sa gitna ng kalsada,
Wala ring itim na kulangot na nakakaimbiyerna.
Walang nagkakaraoke’t lasing na kumakanta
Walang nagpa-party, nagsasayawa’t tumatawa,
Walang magugulo at maiingay na kabarkada,
Wala kahit media noche at queso de bola.
Sa mapayapang sulok ng daigdig ko sa Iowa
Sa ‘king pagtulog, bagong tao’y tahimik na umentra
Sinalubong kong walang ingay, ngunit puso’y masaya.
Ang mahalaga’y harapin ‘to na puno ng pag-asa.
Nawalan ang Pilipinas ng kayamanan sa pag-iwan mo sa kanya. Pero nonetheless proud siya sayo. 🙂