Tahimik na Bagong Taon

Walang mga luces at jumbo fountain na kay ganda,

Walang rebentador, super lolo at super pla-pla,

Walang sunog na gulong sa gitna ng kalsada,

Wala ring itim na kulangot na nakakaimbiyerna.

 

Walang nagkakaraoke’t ¬†lasing na kumakanta

Walang nagpa-party, nagsasayawa’t tumatawa,

Walang magugulo at maiingay na kabarkada,

Wala kahit media noche at queso de bola.

 

Sa mapayapang sulok ng daigdig ko sa Iowa

Sa ‘king pagtulog, bagong tao’y tahimik na umentra

Sinalubong kong walang ingay, ngunit puso’y ¬†masaya.

Ang mahalaga’y harapin ‘to na puno ng pag-asa.