Hindi na siguro kaila sa marami sa inyo, na maraming taon ng aking pagkabata ang aking iginugol sa Luneta. Sa katunayan isa sa mga mabentang akda sa blog na ito ay ang “Alaala ng Luneta.”
Malaki na rin ang pinagbago ng lugar na ito mula nang ako’y lumisan ng bansa, mahagit dalawang dekada na ang nakalipas.
Ngunit muli akong nagulat sa progresong aking nakita nang huli akong magbalikbayan. Talaga namang matayog na ang monumento ni Rizal. Mas mataas na ito kesa George Washington Monument ng Amerika. Niluma rin nito ang Eiffel Tower ng Paris. Wala nang panama ang mga iba pang monumento ng ibang bansa.
Bakit ba hindi natin naisip ito noon?
At kung hindi pa po ninyo nakikita ang bagong monumento ni Rizal, heto na po ito ngayon.
(*image from the internet)
(**ang akdang ito ay bunga ng bangag kong pag-iisip sanhi ng matinding jet-lag.)
Catches my attention! Hahaha i love this!
Salamat.
Nice one sir..
Salamat sa pagbisita. Balik-balik lang po. (Kasi taga Balik-balik din kami noon, he he.)
hahaha… tondo???