A post-Valentine’s story……
Sa isang maliit na barrio sa Pilipinas, isang babae ang nagpatingin sa duktor. Siya ay desperada.
“Doc, sana po ay matulungan ninyo ako. Wala po akong ibang mapupuntahan. Gusto ko pong magpalaglag,” ang halos na umiiyak na sambit ng babae.
Tinanong ng duktor ng ilang mga katanungan ang pasyente.
“Hija, ano ba ang iyong nararamdaman?”
“Kasi po lumalaki na ang aking tiyan, at para po itong laging humihilab,” sabi ng babae, “at lumalakas din po akong kumain.”
“May asawa ka ba,” ang tanong muli ng duktor.
“Wala po, pero mayroon po akong nobyo,” ang sagot ng babae.
“Anong sabi ng iyong nobyo tungkol sa problema mo,” and uling usisa ng butihing duktor.
“Hindi raw po muna siya makikipagkita sa akin, hangga’t hindi ko po raw nalulunasan ang problemang ito,” ang malungkot na dagdag ng babae.
“Ano naman ang payo ng iyong mga magulang,” ang tanong pa ng duktor.
“Ayaw ko pong malaman nila, at baka hindi po nila ako matanggap,” ang mahinang sagot ng kaawa-awang babae.
Marami pang naging tanong ang magaling na duktor, at sinagot naman ng babae ang lahat ng mga ito sa abot ng kanyang makakaya.
Matapos makuha ng duktor ang buong kuwento, ay kanya nang in-eksameng mabuti ang pasyente. Naging detalye at masinop ang duktor sa kanyang eksaminasyon.
Sumulat na ng reseta ang duktor at ito’y inabot sa kanyang pasyente.
“Hija, ito na ang mabisang gamot para sa iyo. Inumin mo ito ngayong gabi at bukas na bukas din, sigurado akong mawawala na ang iyong problema,” ang kumpidanteng sabi ng mabuting duktor.
Dali-daling nagtungo sa botika ang babae at binili ang niresetang gamot ng duktor.
Nang kinagabihan na, ay ininom ng babae ang resetang gamot sa kanya. Tatalab kaya ito? Malulunasan kaya ang kanyang problema? Ano kaya ang sasabihin ng kanyang mga magulang? Ano kaya ang magiging opinyon ng mga ibang tao? Makikipagbalikan na kaya sa kanya ang kanyang boyfriend?
Nang kinaumagahan na ay nakaramdam ng matinding sakit ng tiyan ang babae. Parang umiikot at gumigiling ang nasa sa loob na kanyang dala-dala. Butil-butil ang kanyang pawis at para baga siyang nanglalamig. Pakiramdam niya ay para siyang nakakain ng panis na pansit at kailangan niyang ilabas ang sama ng loob. Hindi na niya mapigilan.
Mabilis siyang tumakbo sa banyo. At sa kanyang pag-upo ay biglang lumuwal ang isang malaking kulapol ng patay na………..
Bulate!
Ang niresetang gamot? Combantrin.
(*Ang kathang isip na kwentong ito ay sanhi ng aking pagkalipas gutom.)
HAHAHAHAHA this got me ha.
Laglagan na…….ng bulate. Salamat sa pagdaan.
Twist! Hahaha! 🙂
The bulate are twisting? 🙂