Basagketbulero

Posted by

Basketball at boxing. Ito ay dalawang libangan na paborito nating mga Pilipino. Pero sa Pilipinas, kadalasan pinagsasama ang dalawang sports na ito sa iisang event.

Mula basketball sa kalye, liga sa baranggay, tournament ng mga kolehiyo, hanggang professional basketball games sa Pilipinas, ay minsan (o madalas), nauuwi sa suntukan. Ngayon umapaw pa ito hanggang sa international games. Siguro naman ay alam ng lahat ang nangyari sa FIBA games sa laban ng Pilipinas at Australia.

basketbrawl

Siguro may mga ilan din sa inyo ang nakakatanda noong 1998 sa isang exhibition game sa America, ang ating Philippine Centennial Team, kasama sila Marlou Aquino at Andy Seigle, ay nakipagsuntukan sa Minnesota college basketball team.

Ang mga Pilipino ba ay sadyang “Basagketbulero?” Basketbulero + basagulero.

Hindi ko sinasabing hindi ko naranasan ito. Dahil noong ako’y naglalaro pa ng basketball sa kalsada sa aming lugar, may mga panahon na nagkakainitan ang laro, lalo na kung ang mga kalaro (o kalaban) ay taga ibang kalye o mga dayo. Kahit nga iyong pa-liga ng aming simbahan, oo magkakapatid na sa pananampalataya, ay nauuwi pa rin sa away. Pero hindi naman ako nakakasama sa suntukan, dahil mabilis akong tumakbo – tumakbong palayo!

Bakit nga kaya?

Dahil kaya sadyang mapusok tayong maglaro ng basketball? Dahil kaya tayo ay lahi ng mga palaban? Dahil kaya may dugo tayong lahat na boksingero at gustong maging Pacquiao? Pero in fairness kay Pacquiao, kahit naging basketbulero din siya, hindi siya nakipagboksing habang nasa basketball court, sa boxing ring lang.

Baka naman dahil may mentality tayong “walang iwanan,” na kapag inapi ang ating kasama ay igaganti natin ito ano man ang mangyari? Ito ang rason na ginagamit ng iba sa ating mga manlalaro. O kaya naman ay mayroon tayong “rumble mentality” – hindi masaya kung walang away. O dahil ba madali tayong mapikon at wala tayong “self-restraint?”

Hindi ko alam ang tunay na dahilan. Ngunit nakakalungkot na inaalis natin ang “sport” sa larangan ng “sports.”

Kahit ako ay Pilipino, ang boksing sa basketball ay hinding-hindi ko maipagmamalaki.

(*photoshopped image from the web)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s