Hugot Lines sa Quarantine

Posted by

Halos tatlong buwan na po ang quarantine sa Pilipinas. Nabubuwang na ba kayo? Sige ituloy-tuloy na natin ang magpakabuwang. Heto po ang mga hugot lines sa quarantine:

Ang tagal na nitong quarantine, sana matapos na. At sana makalabas na ako at magkita na ulit tayo. Pero ang masakit kahit wala ng quarantine, hindi ka pa rin akin, at wala pa ring tayo.

**********

Dahil po sa COVID-19 ay panatilihin lang nating dumistansiya. Lalo na kung hindi naman ikaw ang kanyang mahal at sinisinta.

**********

Ang tagal ko rin naghintay ng ayuda at ng mga relief goods. Pero buti pa ang ayuda, dumating kahit na nade-delay. Ang hinihintay kong pag-ibig, wala pa rin, kaya’t ako dito ay tambay. Hanggang sa dulo na lang ng walang hanggan siguro ako maghihintay.

**********

Sabi nila para makaiwas sa pagkalat ng corona virus ay magsuot ng mask kapag lalabas. Pero naiinggit ako sa mask mo, laging nakalapat sa iyong mga pisngi at nakadampi sa iyong mga labi. Sana ako na lang ang iyong mask.

**********

Payo nila lagi raw maghugas ng kamay o kaya ay magpahid ng alkohol. Diyan magaling yung mahal ko. Siya na nga ang may ginawang mali, naghuhugas kamay pa rin. Lagi na lang nagmamalinis. Nakakainis.

**********

Ang tagal nang walang pasok. Miss na miss ko na ang classroom. Sa classroom may batas. Bawal lumabas, oh, bawal lumabas. Pero pag nag-comply ka……….teka, teka, iba na yata ‘yon. Sorry po.

Take two:

Ang tagal nang walang pasok. Kailan kaya ulit magkakapasok? Pero hindi na bale, lagi ka namang pumapasok sa aking alaala. Ako kaya, pumapasok din ba sa iyong isipan o lagi na lang echapwera?

**********

Wala naman akong ubo. Wala rin akong lagnat. Wala naman akong virus at hindi rin naman siguro ako mukhang virus. Pero bakit lagi ka na lang umiiwas? Quarantine na lang lagi ang iyong dinadahilan.

**********

Buti pa ang mga komunidad naka-lock down. Bakit ‘yung mahal ko, labas pa rin ng labas at panay pa rin ang papansin niya sa iba? Kami na nga pero hindi ko pa rin siya ma-lock down.

Champagnebloggen: 2008 Damien Hugot Millésime

Tulad ng champagne na ito, “Daming Hugot” pa. Hanggang sa susunod na lang ulit at sana makalaya na tayo sa hugot…..este, sa quarantine.

(*photo from the net)

6 comments

  1. I thought the effects of COVID 19 will be over with reopening but now it’s worse here in California, & it’s not even Flu season yet. Everyone needs to be better in observing the guidelines.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s