Mahal Kong Sibuyas

Posted by

Hindi ko maiwasan ang balita na mahal na mahal ang sibuyas ngayon sa Pilipinas. Kahit nga ang partner kong Amerikanong duktor ay nagtanong sa akin noong makalawang araw kung bakit daw napakamahal na parang ginto ang sibuyas ngayon sa Pilipinas. Bakit nga ba?

Akin ring napagalaman na ang pasalubong ng mga nagbabalikbayan ngayon ay sibuyas. Kailangan lang nila itong i-declare at kailangan ng “plant quarantine clearance” mula sa Bureau of Plant Industry. Akin ring nabalitaan na may mga PAL employees na nagtangkang magpuslit ng sibuyas na walang clearance ang nahuli kaya kinumpiska ang kanilang dala-dalang sibuyas.

Paano na lang ang mga ordinaryong mamamayan na hindi kayang makabili ng sibuyas dahil sa taas ng presyo ngayon nito? Siguro hindi na sila nag-gigisa ngayon, puro prito na lang. Paano na ang Pinoy Bistek kung walang sibuyas? Kahit ang paborito nating adobo, hindi masarap kung walang sibuyas. Sa katunayan, ang putaheng Pinoy ay nangangailangan ng sibuyas, maging ito’y ulam, o sopas, o salsa, o kahit na sawsawan, linalagyan natin ng sibuyas. Kahit nga hopiang baboy, kailangan ng sibuyas.

Maliban sa panluto o sahog sa ating pagkain, ay may iba pang gamit ang sibuyas. May medicinal properties rin ang sibuyas. Ginagamit ito bilang anti-inflammatory agent, panlaban sa infection, at antioxidant din na pangontra sa cancer. Noong panahon ng Civil War sa America, sabi ni General Ulysses S. Grant, “I will not move my army without onions.” Siguro binibigyan ng sibuyas ang mga sugatan.

Pwede ring gamitin ang sibuyas para lumayo ang mga pumepeste sa iyo. Kumain at ngatain lang ang sibuyas, at lalayo na sila sa iyo, dahil sa amoy-sibuyas mong hininga. Panlaban din ito sa aswang. Ah, eh, bawang pala ang sa aswang. Pero sa mga umaaswang sa iyo, bugahan mo lang sila ng amoy-sibuyas mong hininga at maglalaho na sila.

Mabalik ako sa presyo ng sibuyas, kung dati ay napapaiyak tayo kapag nag-gagayat ng sibuyas, ngayon ang mga Pilipino ay napapaiyak na agad kapag-bumibili pa lang ng sibuyas.

Sino ba ang nakikinabang sa mahal na presyo ng sibuyas? Ang kakapal naman ng mukha nila. Sana nama’y maging balat-sibuyas naman sila.

Sa ibang balita, aking nabasa na may isang kinasal sa Pilipinas na ang ginamit na floral boquet ng bride ay isang kumpol ng sibuyas (photo below).

Sino kaya ang nakasalo nang ito ay ibinato na ng bride? O inilahok na ito sa putahe sa kanilang reception?

Ano kaya ang wedding ring na kanilang sinuot nang sila ay magpalitan ng panata sa altar? Onion ring?

(*photo from Nextshark News)

2 comments

  1. Hehehe… Onion ring. Opo, ang mahal ng sibuyas, specially last December kung saan umabot siya up to P600 per kilo for red onions. Huwag mo na alamin kung magkano ang white onions – mas mahal! Ngayon, medyo bumaba na ng konti. Pero may rumor naman na garlic naman ang sunod na tataas. Basic ingredients sa pagluto ang sibuyas. Hay…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s