Bakas ng Pilipino sa Hawaii

Posted by

Hindi mapagkakaila na maraming Pilipino sa Hawaii. Ang kanilang lahi ay maaring nag-ugat mula sa mga Sakada (migrant farm workers) na kinuha mula Ilocos at Visayas region noong 19th century para magtrabaho sa mga taniman ng tubo at pinya. Mahigit 100,000 na lalaking Pilipino ang na-recruit papuntang Hawaii, mula taong 1906 hanggang 1946.

Sa katunayan muntik na nga akong maging Hawaiiano, dahil ang aking lolo ay naging isang Sakada. Pero na home-sick siya kaya’t umuwi muli siya sa Pilipinas (read full story here).

Noong nakaraang buwan, kami ay namasyal sa Big Island ng Hawaii. (Ang unang bisita namin sa Hawaii ay sa island ng Oahu, noong 2011.) Aming napansin na marami talaga tayong kababayan doon, at kahit saan ka tumingin ay makikita mo ang mga bakas ng Pilipino sa isla na ito.

Isa sa aming pinuntahan ay ang Farmer’s Market. Para kaming nasa palengke ng Pilipinas, dahil ang mga nilalako nila ay mga prutas na aking kinagisnan. Mayroon silang papaya, bayabas, rambutan, longgan, makopa, guyabano, mangga, saging, pinya at balimbing (photo below).

Ewan ko kung bakit ang hinahanap ng aking misis ay kaymito (naglilihi kaya siya?), pero wala silang kaymito. Sabi ng isang tindera, wala raw kasi yung tindera na naglalako ng kaymito noong araw na iyon.

Napansin din namin na karamihan sa mga tindera sa palengkeng iyon ay mga Pilipino. Paano naman namin nasigurado na sila’y Pilipino? Baka naman mga Hawaiian lokal sila at mukha lang silang Pilipino? Hindi, sigurado kaming Pinoy sila dahil nagsasalita sila ng Ilokano.

May mga dry goods ding tinda doon sa Farmer’s Market. Natuwa kami nang makita namin ang mga artikulong binibenta nila. May mga bayong, banig, capiz, pulseras na gawa sa shells, at mga inukit na kahoy na mukhang gawa sa Baguio. Tulad ng barrel man (photo below). Kahit pa may tatak itong Hawaii, ay hindi maikakailang Pinoy-inspired ito.

Sa amin namang pagda-drive mula Kailua-Kona (western coast) hanggang Hilo (eastern coast) at pabalik, ay dumaan kami sa mga lugar na mahirap basahin tulad ng Pu’uwa’awa’a, Kamehameha, Laupahoehoe, at Pepeekeo. Ang mga pangalan ng mga volcano ay Mauna Kea, Kilauea at Mauna Loa. May mga National Historical Park din na pangalan ay Kaloko-Honokohau at Pu’uhonua O Honaunau. May kahulugan daw ang mga pangalang ito sa kanilang lenguahe.

Kung Pinoy ang magbibigay pangalan sa mga lugar doon siguro ito ang mga pangalan: Nalokona, Ayokona, Kaawa’awa’pu, Pepeko, Mauna Kana, at Hilo Nako.

Sa isang magandang resort doon ay may isang pond na inukit mula sa lava rock at ginawa nilang isang malaking aquarium (photo below). Ang 1.8 million gallon na aquarium na ito ay nasa tabi ng dagat.

Naglagay sila ng mahigit 1000 na isdang tropikal sa pond na ito. Meron silang mga Nemo (clown fish) at mga Dory (blue tang). Meron ding pufferfish, at meron pa nga silang Mr. Ray (eagle ray). Pwedeng manood at makisali kapag pinapakain na nila ang mga isda. Pwede pang lumangoy at mag-snorkling sa pond na ito.

Heto ang maikling video ng pond:


Teka, may napansin ka bang parang maliit na pating na dumaan dito sa video?

Pero nang aming suriing mabuti, hindi ito maliit na pating o anak ng pating. Kilalang-kilala nating mga Pilipino ang isdang ito.

Ito ay walang iba kundi ang ating National Fish – ang Bangus! (photo below)

Mga Pilipino nga kaya ang mga tagapangasiwa ng pond na ito?

Subalit hanggang pagmamasid lamang at hindi pwedeng huliin at ihawin ang bangus doon sa pond. Hanggang sa muli, mabuhay ang Pinoy!

*********

(*photos and video taken with an iPhone, except for the picture of barrel-man which is grabbed from the internet)

4 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s