Marcha ng Patay

Sabihin na lang natin na hindi ko paborito ang subject na English noong ako’y nag-aaral pa. Hindi rin naman ako lumaki sa isang tahanan ng mga Inglisera. No spokening dollar in our house. Hindi naman sa nosebleed ako pag-Inglisan na, but English is not my strong suit. (Uy English ‘yon ah!).

First year high school nang sumali ako sa Cadet Officer Candidate Course(COCC), dahil gusto kong magkaroon ng ranggo bilang estudyanteng kadete. Isang hapon, habang ako’y nag-rereport sa isang commanding officer, buong lakas ng boses na sinabi kong “Sir, I want to be in the marching corps, sir!”

Biglang nagtawanan ‘yung mga nakaranig. Lalo na yung mga estudyante ng higher years. May isang grupo pa nga ng mga 4th year na halos gumulong sa lupa at maihi-ihi sa katatawa nang marinig nila ang sagot ko. Halos matunaw ako sa hiya.

Putris, malay ko ba na ang bigkas sa corps ay kor at hindi korps! Marching corpse? Pinagmarcha na ang patay!

Buti pa ang Tagalog, ang salitang aking kinamulatan, ay madaling basahin at bigkasin. Bawat letra ay iisa lang ang bigkas. Ang a ang laging a, ang e ay laging e, ang ay laging o. Hindi pabago-bago. Ang gago ay laging gago. Hindi geygo, o geygow, o gahjo.

Sa English, ang dami-daming paraan ng pagbigkas at pagbasa sa letra o salita. Ang a ay pwedeng ah, as in apple (apol), o pwedeng maging ey as in apron (eypron), o eh, as in hat (het). Nakaka-geygow talaga.

Minsan may mga letra na hindi binibigkas, o kaya nama’y iba ang pagbasa. Tulad ng salitang colonel. Kung ang bigkas mo dito ay kolonel, ay nagkakamali ka. Ang bigkas daw dito ay kernel. Tinamaan ng magaling, nasaan ang letrang R sa colonel? Isa pang example, ang salitang cache, ang bigkas ay hindi ka-tche o kaya ay ka-shey. Ang tamang bigkas raw ay kash.

May iba pang salita na kahit parehong spelling, pero iba ang pagbasa depende sa ibig sabihin. Tulad ng lead (to go in front), and bigkas ay lid.  Pero ang lead (metal) ang bigkas ay led. Ang bass (low, deep sound) ang bigkas ay beys. Pero ang bass (type of fish) ang bigkas ay bas. Sinong hindi mage-geygow?

Hindi ko akalain na darating pala ang araw na titira ako sa lupa na ang salita ay Ingles. Noong isang araw ay kausap ko ang kaibigan kong Englishman. Akin siyang pabirong sinisisi sa wika na kanilang inimbento na nagpapahirap sa ating mga Pilipino. Hindi niya tuluyang inako ang sisi. Sabi niya hindi raw mga Englishmen (British) o kahit mga Amerikano ang may kasalanan. Sisihin daw natin ang mga Pranses (French), dahil karamihan ng salitang mahirap bigkasin ay hugot sa salitang French.

Totoo nga naman dahil ang salitang corps, colonel at cache na aking nabanggit ay French word ang pinagmulan. Pero may mas mahihirap pang salitang galing sa kanila. Tulad ng coup d’etat. Pero kahit mahirap itong basahin, dahil sa daming coup d’etat na nangyari sa ating bansa, ay sanay tayong mga Pilipino na bigkasin ito, ku-de-tah. Isa pang salita, ang hors d’oeuvre na ibig sabihin ay appetizer. Kung ang basa mo diyan ay horse de over ay baka akalain nilang karera ang usapan. Ang bigkas daw diyan ay or-derv.  Anak ng tokwa, panghimagas na lang pinahihirap pa.

Pero dahil gusto ko ng French fries, French toast, at French kiss, ay mapapatawad ko ang mga Pranses.

Meron ding naman tayong mga pinahiram na mga salita na ngayon ay bahagi na ng salitang Ingles. Tulad ng boondock, mula sa ating salitang bundok. O kaya ay kilig, balikbayan at barkada na nasa Oxford English dictionary na. Pero siguro kapag binasa ng Kano ang barkada ito ay bahr-key-duh.

Nung nasa first year college naman, sa aming English literature class, ay pinatayo ako at malakas na pinabasa ng aming libro. Tungkol sa mythology ‘yung subject. Aking binasa: At the beginning there is only Chaos.

Naghagalpakan ang buong klase, kahit hindi naman ako nagpapatawa. Hindi ko naman ginagaya si Jimmy Santos mag-Ingles. Pati ang aming guro ay namula sa kakapigil ng kanyang tawa. Bigkas ko kasi sa chaos ay tchaos. Tangenge talaga! Kung hindi mo rin alam ang bigkas diyan, ito ay keyos. Na-geygow na naman ako.

Subalit kahit na nakasama ako sa parada ng mga tanga, at sumali sa marching corpse, pero nang mag-marcha na kami noong high school graduation, ay tumanggap naman ako ng mga award na Excellence in Math at Excellence in Science. Wala nga lang Excellence in English. At kahit pa chaotic (tchayotik) ang aking Ingles noong college, pero noong graduation na ay sinabitan naman ng medalya dahil nakatapos nang may honor na “cum latik.”

Sa ating buhay, huwag sana nating husgahan ang mga “bobo” sa English. Hindi lang ang pagsasalita ng Ingles ang basehan ng kaalaman at talino ng isang tao. At huwag din naman nating tawanan kung balu-baluktot mag-Tagalog ang isang tao. Maaaring Bisaya, o Ilokano, o iba pang katutubong wika ang kinamulatan nila, at ibig sabihin nito ay higit sa isa, o dalawa, o tatlong wika ang alam nila. Kaya’t lamang pa rin sila.

Diretso o bulol man ang iyong Ingles, ay ayos lang. Buti pa, maghalo-halo na lang tayo sa Chow-King. Or should I say Kaw-King?

(*Isinulat para sa buwan ng wika)

 

Oh My Gulay!

The Filipino language is rich in interesting idioms and expressions, that make our conversations more colorful. Like the expression, “isang bulate na lang ang hindi pumipirma,” which means near-death condition. It definitely sounds light-hearted on an otherwise grave predicament.

Anyways, since it’s summer here where I live, and we have planted some vegetables, I would like to showcase our use of vegetables (gulay) in our idioms and expressions, and their respective meaning.

1. Nagmumurang kamias.

This means an “old” individual acting like “young.” For instance, a grandma trying to dress-up like a teenager, perhaps with a hanging shirt and short mini-skirt. In other words, it is used to describe people who are not acting appropriately their age.

Example: Pare, ‘yung lolo mo nagmumurang kamyas, niyaya ba namang i-date niya ‘yung pinsan kong kolehiyala.

2. Pulis Patola

The term means a good-for-nothing cop. I think the term is use, as policeman usually carry a baton (batuta). But here it is described as the police carrying a patola instead of a baton. There’s even an action-comedy movie with that title in the 1990’s.

The expression of “sundalong-kanin” have a similar connotation, a useless soldier whose only contribution in the battle is to consume the rice ration.

Example: Sabi ni General Bato, ititiwalag niya lahat ng mga Pulis Patola.

3. Nangangamatis

This term is used to describe something that is swelled up and inflamed, like a tomato that is plump and red. But mostly the term is reserved for a complication after a boy’s circumcision. Definitely you don’t want that term to describe the you-know-what after being circumcised.

Example: Hijo, pagkatapus mong tuliin, langgasin mo araw-araw, para hindi mangamatis.

4. Nangangamote

Nangangamote means having difficulty or failing to do well. We also use the term kamote to describe somebody who is dim-wit or unintelligent. For sure, you don’t want to be called anak ng kamote. You don’t want to receive the kalabasa award either.

I am not sure why we use kamote as a derogatory term. Kamote for all I know is a highly nutritious food and don’t deserve to be treated with disdain.

Example: Nangamote ka naman sa exam, mas bobo ka pa sa row 4.

5. Mani-mani lang

This term is the opposite of nangangamote. Mani-mani lang means it was so easy that you breezed through it whatever it was. Again, I don’t know why we favor mani (peanut), but hate kamote.

Mani is also used as a slang term for a female’s anatomy. Yes, the counterpart of that thing I mentioned above that can become nangangamatis.

Example: Mana sa akin sa pagka-genius ‘yung pamangkin ko, kasi minani-mani lang niya ang Quantum Physics.

6. Giyera Patani

This is an old expression that means a fight or an argument without causing serious harm or consequences. As you know, a patani (lima bean), is a pod vegetable that has lightweight seeds. And even if you hit somebody with these seeds, it will not cause grave injury.

Example: Hanggang giyera patani lang naman ang away namin ng misis ko.

7. Pupulutin sa kangkungan

This term means a summary execution without having a trial. In other words it is extra judicial killing (EJK), which nowadays is a very hot topic of contention. The origin of the expression is that one way of hiding a “salvage” victim’s body is to dump it in the swamps or where there’s a heavy growth of kangkong (swamp cabbage).

Example: Kung hindi ka tumigil sa pagiging addict, baka pupulutin ka na lang sa kangkungan balang araw.

8. Mala-labanos ang kutis

This expression is comparing the complexion of someone’s skin to be like labanos (horse-radish), which is white and smooth. I am not sure though why we who are supposed to be proud to be lahing kayumanggi are so pre-occupied and trying so hard to be “white.” Just look around and we are so inundated with all those advertisements of whitening products.

Example: Gumagamit kasi ako ng mga Belo products kaya’t mala-labanos na ang kutis ko ngayon.

9. Parang luya

Unlike the expression mala-labanos which is mostly deemed as a compliment, the expression parang luya is far from being one. In fact it is an insult. The term is usually used to describe an ugly feet. This is due to the fact that luya (ginger) has crooked and contorted branching fingers.

Example: Kahit anong pa-pedicure mo, parang luya pa rin ang mga paa mo.

10. Balat-sibuyas

This term is used to describe a person that is easily hurt or sensitive to criticisms. This idiom is due to the fact that the onion has very thin skin. I am not sure if the added fact that peeling and cutting onion makes one cry, contributes to the meaning of the term.

Example: Balat-sibuyas naman itong si Dagul, sinabihan lang na malakas pa siya sa balyena kung kumain, ay umiyak na.

*******

That’s all for now folks. I know there’s still a lot of vegetables mentioned in the song Bahay Kubo that we have not covered here. So if you know more vegetable expressions, please drop me a comment. Thank you for reading.