Kasabihang Pilosopo Tasyo

 

Lintek-Lang-ang-Walang-Gant

Maraming mga kasabihan at mga payo ang atin nang narinig. Tunay na may karunungan at katotohanan ang mga ito.

Ngunit kanino ba nanggaling ang mga payong ito?  (Mawalang galang na nga lang po sa ating matatanda at kay Pilosopo Tasyo.)

“Kung may sinuksok, may madudukot.” …….mandurukot

“Kaibigan alam mo ba kung saan ka patutungo?” …….kunduktor ng bus

“Ang oras ay ginto.” …….salesperson ng Rolex

“Better to give than to receive.” …….buksingero

“Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.” …….ahente ng Tambunting

“Someones trash is another man’s treasure.” …….magbobote dyaryo

“Ako ang nagsaing, ngunit iba ang kumain.” …….pet owner  (Pesteng pusa yan!)

“Kung walang tiyaga, walang nilaga.” ……..tindero ng nilangang mani

“Papunta ka pa lang, pabalik na ako.” …….night shift worker

“Lahat ay may hangganan, lahat may boundary.” ……..jeepney operator

“Health is wealth.” …….may-ari ng ospital

“Kung hindi ukol, hindi bubukol.” …….drug rep ng Viagra

 

(*image from the internet)

Mga Payo Ni Barok

Bago pa naisulat ang makakatang tula ni Balagtas, at bago pa nalikha ang mga malalalim na salawikain ng mga matatanda, ay nauna muna ang kasaysayan at mga payo ni Barok. Dito kaya hinugot ang ating mga salawikain ngayon?

1. Pili ikaw pili, ikaw tapat bungi.

Nasambitla ito ni Barok matapos niyang mapangasawa si Gondina.

2. Ako tanim, ako, bayo, ako saing, iba kain.

Matapos ubusin ni Gondina ang sinaing ni Barok.

3. Ikaw ubos-ubos biyaya, ikaw bukas tunganga.

Nang simutin lahat ni Gondina ang lahat ng kanilang pagkain.

4. Ikli iyo kumot, ikaw tuto baluktot.

Matapos sarilining lahat ni Gondina ang kanilang kumot.

5. Ikaw a gipit, ikaw patalim a kapit.

Nang maghirap na sila Barok. Para kumita ng pera, sinubukan niyang kumain ng espada sa peryahan sa Korokan.

6. Diyos a awa, tao a gawa.

Natutong mag-sikap ni Barok. Naisip niyang magtayo ng sariling negosyo.

7. Huwag mo bilang manok, hangga hindi pisa iklog.

Payo niya nang mag-umpisa ang kanyang negosyong manukan (poultry).

8. Sino a putak, siya a anak.

Matapos mangitlog ang kanyang mga alagang manok.

9. Bayani asugat, lalo atapang.

Matapos masugatan si Barok sa pagtatangol sa kanyang mga manok, nang salakayin ang kanyang poultry ng mga asong gubat.

10. Ikaw wala tiyaga, ikaw wala nilaga.

Matapos maging matagumpay si Barok, at matapos niyang lutuing hard-boiled ang mga itlog.

Tumikwas kaya sa libingan si Balagtas? Itakwil kaya ako ng mga matatanda? O ipahuli kaya ako ng aking Pilipino titser sa aking kapangahasang palitan ang kasaysayan? Abangan sa mga susunod pang mga kabanata……..

Salawikain

Mga paborito kong salawikain: (pero mali yata yung tanda ko)

1. Ang taong naglalakad ng matulin……. siguro’y may LBM.

2. Matalino man ang matsing…….unggoy pa rin.

3. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim……..minsan nasa ilalim pa rin.

4. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan………ay may stiffneck.

5. Bato-bato sa langit, ang tamaan…….bukol.

6. Huli man daw at magaling…….late pa rin.

7. Aanuhin pa ang damo…… kung bangag na ang kabayo.

8. Kung maiksi pa ang kumot…….matutong huwag matulog.

9. Kung walang tiyaga…….i-microwave na lang kesa i-laga.

10. Kung may isinuksok……..may mandurukot.