Maraming mga kasabihan at mga payo ang atin nang narinig. Tunay na may karunungan at katotohanan ang mga ito.
Ngunit kanino ba nanggaling ang mga payong ito? (Mawalang galang na nga lang po sa ating matatanda at kay Pilosopo Tasyo.)
“Kung may sinuksok, may madudukot.” …….mandurukot
“Kaibigan alam mo ba kung saan ka patutungo?” …….kunduktor ng bus
“Ang oras ay ginto.” …….salesperson ng Rolex
“Better to give than to receive.” …….buksingero
“Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.” …….ahente ng Tambunting
“Someones trash is another man’s treasure.” …….magbobote dyaryo
“Ako ang nagsaing, ngunit iba ang kumain.” …….pet owner (Pesteng pusa yan!)
“Kung walang tiyaga, walang nilaga.” ……..tindero ng nilangang mani
“Papunta ka pa lang, pabalik na ako.” …….night shift worker
“Lahat ay may hangganan, lahat may boundary.” ……..jeepney operator
“Health is wealth.” …….may-ari ng ospital
“Kung hindi ukol, hindi bubukol.” …….drug rep ng Viagra
(*image from the internet)
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo -adik na kutsero
Sobrang bangag yung kabayo? Salamat sa pagdaan.
hahahahahaha
Ako ang nagsaing, iba ang kumain… — pamilyang daga
salamat sa pagdaan