Sinampalukang Pangarap

Sinampalukang manok. Pinangat na tilapia sa kamias. Sinigang na bangus sa bayabas. Ginataang santol. Alam natin ang mga ito bilang Pilipino. Alam din natin na kahit maaasim ay masasarap ang mga ulam na ito.

Pero nakarinig ka na ba ng Sinampalukang Pangarap? Masarap din ba ito? O maasim?

Noong nakaraang buwan, ako’y nag-balikbayan at nag-balikpaaralan para dumalo sa pagdiriwang ng aming 25th graduation anniversary mula sa UST College of Medicine and Surgery.

Dalampu’t limang taon na nga ba ang nakalipas? Parang kahapon lamang ito. O hindi ko lang matanggap na matanda na talaga ako, at nag-uulianin na.

Ang tema ng aming selebrasyon ay: “Mundi Dottore*: From Tamarind Dreams to the World.” Sa madaling salita, sinampalukang pangarap.

IMG_2441

Ang temang ito ang napili dahil ang UST raw ay nasa Sampaloc, Manila, at marami sa aming mga nagsipagtapos dito, ay nagsipangalat sa iba’t ibang lupalop ng mundo. Para sa akin, na tunay na lumaki sa Sampaloc, at nagmula sa isang simpleng pamilya at pamumuhay, ay talagang naaangkop ang “sinampalukang pangarap.” Mula sa uhuging bata ng Sampaloc na nakarating sa kabilang dalampasigan ng mundo.

Marami-rami rin sa amin ang nanumbalik at dumalo sa selebrasyong ito. Kung saan-saan ang ang aming pinanggalingan. Mula sa iba’t-ibang bahagi at iba’t-ibang isla ng Pilipinas, at mula rin sa iba’t-ibang sulok ng ibayong dagat. Kasama na ako rito.

Totoo, bago mag-reunion, ay naging sabik akong makita ang mga dating kaklase na naging kaibigan at kasangga sa anumang pinagdaanan, sa hirap man o ligaya. Kamusta na kaya ang mga kumag?  Ano na kaya ang kanilang racket ngayon? Ano na kaya ang itsura nila? Gaya ko kaya silang tumanda? Tumaba? Pumayat? Pumuti ang buhok? O naubos ang buhok?

Makikilala pa kaya ako nila? O makikilala ko pa rin ba sila?

Aaminin ko na bagama’t saya ang pangunahing naramdaman ko sa aking pag-babalik, ay may halo rin itong kaba, pag-aalinlangan, at konting pait. Dahil alam naman natin na hindi lahat ng mga nakaraang ala-ala ay masasaya. Parang sampalok, may maaasim din.

Mayroon din palang sinampalukang ala-ala?

Paano kung makita mo ‘yung dati mong nakaaway? O ‘yung nang-basted sa iyo? O ‘yung ayaw kang turuan at ayaw rin namang magpakopya, kaya tuloy nag-remedials ka. O ‘yung laging magulang at tamad kapag duty ninyo? O ‘yung nagsumbong at nagpahamak sa inyo? Buhay pa kaya ang mga anak ng tinapa?

Sa kabilang banda, paano naman kung makita mo ‘yung mayroon kang atraso noon? O kaya’y ‘yung kaibigan mo na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nababayaran ang hinayupak na utang mo?

Ano kaya ang iyong gagawin kung makita mong muli ang malupit mong guro na nagpahirap sa iyo? Ano kaya ang mararamdaman mo kung makita mo ang teacher na dahilan kung bakit ka hindi nakapag-marcha sa graduation? Makaya mo kayang ngitian sila o baka magdilim ang iyong paningin at hindi mo mapigilang mag-hurumintado?

Pagtapak mo kaya sa dating paaralan, masasayang gunita lang ba ang sasagi sa iyong isip? O hindi mo rin maiiwasang maalala ang iyong mga naging pagkakamali, na matagal mo nang pinagsisihan at pilit nang kinalimutan?

Hindi ko na lang sasabihin kung ano ang aking mga naramdaman, ngunit sabihin na lang nating may mga sugat na kahit naghilom na, ay masakit pa rin kung makanti.

Subalit lahat ay lumilipas din. Hindi dapat manatili sa maaasim. At kung may maaasim mang mga alaala ay higupin na lang ito na parang sinigang sa sampalok, na matapos mong namnamin, ay masarap din naman pala.

Ang mahalaga ay nakatapos, at naging matagumpay sa pinili mong landas na tahakin. Kahit pa naging puno ng putik at balakid ang iyong dinaanang landas. At ngayon ay taas-noong nanumbalik at nakipagdiwang, para ipakita sa kanila na ang iyong mga sinampalukang pangarap ay iyo ring naatim.

Kaya kahit sampalok man, ay tumatamis din.

********

(*Mundi Dottore is Latin for World Doctor)

 

 

Back in the City

I am back in my favorite city. A city that I love despite of all its ills and nuisances. A city that I have left so many times, and yet I kept coming back to. This city is no other than Manila.

The following photos I have here of Manila, are seen from a different angle and perspective, at least from the point of view of the Manila I used to know.

IMG_2341

Ninoy Aquino International Airport

“Manila, Manila, I keep coming back to Manila,” says the 1970’s song of the Hotdogs, and that rings true for me as well.  And every time I return, the city warmly (as in hot!) welcomes me back.

IMG_2234

Speaking of welcome, above is the Welcome Rotonda, which marks the boundary between Manila and Quezon City. The photo is facing the Manila side of the boundary, overlooking España Boulevard, though technically I was standing in Quezon City  when I took this picture.

The photo below is an area of Manila that I am very familiar with. The prominent structure is the Sampaloc PLDT tower. So the immediate vicinity is Sampaloc, Manila – the place where I grew up. It is just interesting that I have never looked at Sampaloc before from such a high point of view, since there was no high rise buildings in this area during my youth. Unless I climb the PLDT tower of course.

IMG_2330

The main reason of my short visit back to Manila is to attend my 25th year graduation anniversary (I’ll make a separate post on this) from the University of Santo Tomas school of medicine. Thus several photos are from the UST campus. The different perspective is that I am viewing this campus not as a student but as a homecoming alumnus.

IMG_2187

Arch of the Century at the entrance to the university

IMG_2196

the Main Building of UST

IMG_2215

Building of the College of Medicine and Surgery

IMG_2213

University Hospital

Most of the activities of the homecoming festivities were done in the UST campus, but the big gala night took place in Manila Hotel. Even though I know Manila Hotel is a very old establishment (opened in 1912), and I passed this area several times before, I have never set foot inside of it. Until now.

IMG_2294

Above is the swimming pool at the back side of Manila Hotel. Photo below is one of its beautiful hallways.

IMG_2312

IMG_2296

The back of the hotel looks over the marina and Manila Bay, while rooms facing the city side gives a grand view of the walled city, the Intramuros. Honestly, I have never seen Intramuros from this angle before. From this view, you can see the contrast of the old walled city and the new high rise buildings in the distance.

IMG_2250

From Manila Hotel, I still went on foot to see Luneta, a place full of loving and joyful memories from my childhood.

IMG_2314

But there is something different in this place. It is impossible to miss the change in the landscape as you view Rizal’s monument. Definitely cannot ignore the monstrosity of Torre de Manila.

IMG_2321

However, with the right angle and positioning, I can still make the huge eyesore disappear. Look, it’s gone!

IMG_2324

I enjoyed my return to the city of my birth, even for so short a time. And seeing the familiar places albeit in a different point of view is kind of refreshing.

IMG_2349

For now, once more, I say goodbye to you Manila. Hope to see you again……soon.

(*all photos taken with an iPhone)