Sang-ayon sa mga mananaliksik mula sa University of Kansas, isang higanteng bayawak mula sa bundok ng Sierra Madre sa Pilipinas, ang natuklasan bilang isang bagong uri ng hayop. Ito ay pinangalanan na Varanus bitatawa. Ito ay may dalawang metro ang haba at ang pagkain nito ay mga prutas at suso (snails! at hindi ibang suso na iniisip mo).
Buti na lang at natuklasan pa ang uri ng bayawak na ito, bago maubos ito bilang pagkain ng mga katutubong tribo duon sa atin. Ano kaya ang lasa ng bayawak?
Ang mas malalaking mga bayawak at mga buwaya kaya sa gobyerno, na kumakain ng naghihikahos na mga Pilipino, kailan kaya sila matutuklasan at mailalantad? Dapat sa kanila ay gawing bayawak-Q.
Pati tunay na buwaya, hindi kakain ng bayawak-Q na gawa sa corrupt na taga-gobyerno – isusuka nila. Haha. đŸ˜€