Maraming taon mong binalot ng takot ang puso ko,
Walang pahintulot, ay nanghimasok ka sa buhay ko,
Hindi ka man inanyayaha’y tumira ka sa bahay ko,
Palayasin ma’y nanatili pa rin sa tahanan ko.
Anumang pag-iwas, ngunit hindi ako makalaya,
Sa pagkain, pagtulog, pati pagligo’y lumiligid ka,
Salot ka ng lipunan, lahi mo sana ay sumpain,
Gustong gusto kitang hambalusin, at saka pitpitin.
Nakalayo lang ako sa ‘yo nang ako’y mangibang bayan,
Kahit may kalungkutan, lisanin’ bayang sinilangan,
Isa ka sa ‘di ko hinahanap at ‘di ko na-mimiss,
Ayaw ko nang makita ka pa, pesteng yawang ipis!
(Dedicated to all the cockroaches I killed before.)