Doon po sa amin, bayan ng Pilipinas,
Tinagurian, Perlas ng Silanganan;
Ngunit ang mga perlas, pilak at ginto,
Inubos at kinurakot ng mga pulitiko.
Doon po sa amin, Lupang Hinirang,
Bayan ng magiting at bayaning matatapang;
Kalayaa’y pinaglaban sa dayuhang manlulupig,
Subali’t di makalaya sa kapwa Pilipinong maniniil.
Doon po sa amin, bayan ng Pilipinas,
Lupa ng araw at bituing ‘di nagdidilim;
Nguni’t mamaya’y naaapi, naghihirap sa piling mo,
Kaya’t sila’y lumilisan, sa ibang bansa tumatakbo.